Mikoy Morales on his two-year courtship of Thea Tolentino: "May gusto kami sa isa’t isa... siguro po papunta na dun.”

Mikoy Morales is a fan of Ogie Alcasid. Both started singing in their school glee club, and now that Mikoy is acting as well, he wants to trek the success path of his idol.


Produkto ng talent search ng GMA Network na Protégé: The Battle For The Big Artista Break si Mikoy Morales.

Si Jeric Gonzales ang naging male winner dito, at runners-up naman sina Mikoy at Ruru Madrida.

Masaya ba si Mikoy sa nangyayari sa career niya ngayon?

Tila kasi si Ruru Madrid ang mas nabibigyan ng atensiyon ng Kapuso network sa kanilang tatlo.

“Happy naman po,” bulalas ni Mikoy.

“I mean, honestly, nung start talaga… medyo na-hype kasi ang Protégé.

"After nun, medyo hindi masyadong nasundan, siguro overwhelmed lang kami nun.

“Pero ngayon, happy naman.”

Wala siyang sama ng loob?

Sagot ni Mikoy, “Wala na, meron dati.

"Siyempre hindi mo maiiwasan, kasi after, parang hindi namin na-feel masyado na... parang hindi kami nasundan masyado.

“Iyon yung na-feel ko, I can’t speak for all of them.

"Pero in my case, hindi yung atensiyon ang hinahanap ko nung time na yun.

"Parang I wanted more that time, masyado lang siguro na lumipad yung ulo ko nung time na yun.

"Pero after a while, parang nag-settle sa akin na, ’Nadala lang ako nun, nadala lang ako nun.’”



STARTING OVER. Paano nawala ang sama ng loob niya?

Ayon kay Mikoy, “Siguro nag-start po yun nung nag-focus ako sa craft ko, na sa acting, nag-workshops ako talaga.

"’Tapos dun ko na-feel na parang, okay, I don’t have to impress anyone anymore.

"Basta as long as alam ko nag-i-improve ako sa workshop, alam ko nami-meet ko yung dapat kong gawin dito.

"Also, dinivert ko rin nang konti yung attention ko sa school.

“Nag-aral ako ng music, sa MINT [Meridian International College] po.

“Irregular po ako, e. Supposedly third year.

“So, I’m taking up Music, which is one of the things I really love."

Nakausap ng PEP.ph si Mikoy sa presscon ng More Than Words noong Martes, October 28, sa 17th floor ng GMA Network Center.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WHAT GIVES? Inamin naman ni Mikoy na hanggang ngayon ay nanliligaw siya kay Thea Tolentino, ang female winner sa Protégé.

Hindi pa raw sila magkarelasyon.

“Hindi pa naman po. We’re getting there.

“Maybe, we’re getting there but it’s too early, e.

Magdadalawang taon nang nanliligaw si Mikoy kay Thea. Bakit hindi pa siya sinasagot ng dalaga?

Saad niya, “Alam naman ng parents namin parehas na nililigawan ko siya, na may gusto kami sa isa’t isa.

“Pero it’s too early, maybe. Masyado pa siyang bata.”



Nag-debut si Thea last August, hindi pa ba puwedeng magka-boyfriend si Thea?

“Hindi ko pa po natatanong ulit sa parents niya!” at natawa si Mikoy. “Pero siguro po papunta na dun.”

Hindi naman daw siya binabasted ni Thea.

“Hindi po, hindi po.”

Ano ang sinasabing rason sa kanya ni Thea na hindi pa siya sinasagot hanggang ngayon?

“Actually hindi ko rin naman po kasi tinatanong kung sinasagot na niya ako, e!” at muling tumawa si Mikoy.

“So, wala lang, kung ano lang nangyayari, go with the flow lang kami muna.”

Nakapunta na raw siya sa bahay nina Thea sa Calamba, Laguna, at noong birthday raw nito ay niregaluhan niya ng jacket at diary.

“Kasi mahilig siyang magsulat ’tapos naubusan na yata niya yung diary before, so binigyan ko siya ng bago,” ani Mikoy.

NO RIVALRY. Wala naman daw gap o isyu sa pagitan nina Mikoy at Jeric kahit naging loveteam sina Thea at Jeric, at napabalita pa ngang nanliligaw rin si Mikoy sa young actress.

“Ever since naman, alam niya, kahit nung loveteam sila.”

Nanligaw ba si Jeric kay Thea?

“I think for a time nagkaano, parang nadala sila ng loveteam nila yata, I’m not sure.”

Hanggang kailan maghihintay si Mikoy na sagutin ni Thea?

“Hindi ko po alam. Hindi ko talaga alam.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-date na raw silang dalawa lang minsan, nag-dinner sila sa isang restaurant.

“Pero iyon lang, usually kasama namin si Ate, yung yaya niya.

“So, ayun, lalo na kasi yung parents niya nasa Calamba, so talagang hindi pumapayag na kaming dalawa lang, kasi sila lang ang magkasama dito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN