Enzo Pineda wants to move on from Louise delos Reyes-Aljur Abrenica issue

Enzo Pineda is at the point of almost losing his cool when hounded again and again by buried issues. He says, “Let’s say, may mga taong nakasakit sa akin or may atraso sa akin, hindi ko na kailangang pakialaman yung mga ganun. Kasi mas importante kung sino talaga yung nandiyan para sa akin."


Naitanong kay Enzo Pineda kung kailan sila magiging okay na okay ni Louise delos Reyes ngayong naayos na ang isyu ng dati niyang kasintahan sa kapwa aktres na si Kylie Padilla, kung saan sangkot ang dating boyfriend ng huli na si Aljur Abrenica.

Malamig na tugon ng Kapuso actor, “Para sa akin, we’re okay na, so past is past na.

“Hindi kasi kami nagkikita po, e. [But] I don’t really have a problem.

“For me naman, I think it’s better this way na… accept na lang.

"Hindi na kailangang… intense na mga meeting and stuff like that.

"Wala, move on na, ayoko na parang ibalik-balik pa yung mga nangyari.

“Sabi ko, tanggap na namin na iba talaga, iba yung mga paths namin.

"So, no need na parang dumadagdag lang sa sakit ng ulo dahil paulit-ulit."

LOSING A FRIEND. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Enzo sa presscon ng upcoming GMA drama na More Than Words, noong October 28.

Hindi ba siya nanghihinayang sa nasirang friendship nila ni Aljur?

Sagot ni Enzo, “Never na kaming nagkita or nag-usap, so…

“Para sa akin naman, magkaibigan kami, pero hindi talaga yung barkada.

"Ang barkada ko talaga sila Rocco [Nacino], Mark Herras...

"Parang I never really got to know him more, wala naman talagang solid closeness."

Kahit kaunti ay hindi niya ikinatuwa na balak nang umalis ni Aljur sa GMA?


“Actually, hindi! Pero parang he could have made better decisions lang. Parang, yun lang.”

Meaning?

“Yung sa mga decisions in life, I just wish na nasa tamang path talaga siya.

“So, iyon lang, I’m wishing him all the best na lang.

“I’m not being mean, ayoko ng maging masama.’

“Lahat naman ng tao may pinagdadaanan, e.

"Basta sa akin, mas gusto kong mag-focus sa mga taong importante talaga sa buhay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Let’s say, may mga taong nakasakit sa akin or may atraso sa akin, hindi ko na kailangang pakialaman yung mga ganun.

"Kasi mas importante kung sino talaga yung nandiyan para sa akin.

“So, iyon na lang ang mga papasayahin ko at iyon yung mga bagay na... why I am doing this?” saad ni Enzo.

MOVING ON. Nakatulong ba kay Enzo na gusto nang umalis ni Aljur sa GMA para mabilis maka-move on o makalimot sa mga nangyari?

Tugon ng StarStruck alumnus, “Hindi naman po, kasi it’s just a small world, itong industry.

“’Tsaka maliit naman ang Pilipinas, so kahit anong mangyari, makikita at makikita mo yung mga kaibigan mo and everybody.

"Nasa sa iyo naman talaga kung gusto mong mag-move on or you wanna hold on to that feeling.

“And decision ko yun, lalo na nung nag-States ako before, na sabi ko, ‘Huwag na nga, pahihirapan ko pa sarili ko!’

“Parang ang dami ko pang bagay na dapat gawin, ang dami kong kailangang gawin or responsibilities.

“Hindi pa nga ako nakakalayo sa acting career ko.

"At least, binibigyan ako ng break ng GMA ngayon, so kailangan kong pagpursigihin ito.

“Even though I’m dating someone, parang nagwo-workshop ako in between before taping, para at least mapaghandaan ko talaga.

“And, alam ko naman madami pa akong kailangang matutunan, e.

“Para sa akin, I’ll always be thankful to GMA dahil dito ako nagsimula.”

Sinabi rin ni Aljur iyon dati.

“E, ako nandito pa, e!” natawang sabi ni Enzo.



MEMORABLE ROLE. Hindi nga raw niya inisip na umalis sa GMA.

“No, no... Para sa akin naman, kung time mo, darating at darating.

"GMA’s been so nice to me, yung [GMA] Artist Center laging nandiyan para sa akin.

“Recently nga, nanalo yung fans club ko as Fan Club of the Year for GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, sobrang blessed din pala ako, lalo na sa mga fans kasi hindi ko alam na ganun din pala sila ka-supportive sa akin.”

Hindi ba siya nababagalan siya sa takbo ng career niya?

“May times na, honestly, nababagalan ako, pero parang nakasalalay din naman sa akin yun, e.

“Binibigay naman sa akin, deserve ko.

"Lalo na parang nabakante din ako ng matagal, pero I have SAS [Sunday All Stars] naman and all these other shows.

"Pero I would rather get a character na alam kong tatatak."

Bilang si Nate na may pagkamaangas na star player at campus heartthrob ang papel ni Enzo sa More Than Words.

“So, naniniwala ako sa character ko na ito na tatatak talaga siya, na bad boy.

"Kasi matagal na naming pinu-push na kaya kong magganyan, e.

“’Eto talaga, sira-ulo na nag-e-enjoy lang na masama.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN