Elmo Magalona, Janine Gutierrez hurdle meet-the-parents stage in their relationship

Elmo Magalona gives girlfriend Janine Gutierrez a memorable treat, her first trip outside the country and to Hong Kong Disneyland at that. To her from him with affection: "Disney girl talaga siya!"


Hindi naiwasan ng young actor na si Elmo Magalona na matanong ang tungkol sa rumored ex-girlfriend niyang si Lauren Young.

Pero umiwas agad si Elmo na i-pursue pa ang topic.

"Huwag na po nating balikan... huwag na po nating ibalik ..." pag-beg off agad ng binatang aktor nang nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press people sa presscon ng bagong teleseryeng More Than Words noong October 28.

Ang tanong na iniwasan ni Elmo ay kung bakit mas inamin niya ang naging current relationship nila ni Janine Gutierrez kaysa ang pagiging mag-on nila noon ni Lauren.

Hindi rin naman napilit si Elmo na magbanggit pa ng tungkol sa younger sister ng Miss World 2013 na si Megan Young.

Pero pagdating kay Janine, masaya si Elmo na magbahagi ng mga detalye tungkol sa kasalukuyan nilang relasyon, na for real at "for reel" din, bilang magkapareha sila sa bago nilang romance-drama series.

Halimbawa ay ang tungkol sa pagtuturing ng respective moms nila ni Janine—sina Lotlot de Leon at Pia Magalona—sa kanila, pati na rin ng dad ni Janine na si Ramon Christopher.

"Na-meet ko na po si Tita Lotlot," nakangiting sambit ni Elmo.

"Dumalaw nga po siya, first time, kay Janine kahapon [October 27] sa taping kaya sobrang saya po niya."

Sa palagay ni Elmo, gusto rin ba ng kanyang mommy si Janine para sa kanya?

"Okay silang dalawa," sagot ni Elmo. "Wala naman pong problema.

"Hindi naman po kasi nangingialam si Mommy sa lovelife ko, e. More on sa trabaho ko.

"Pero masaya po siya na si Janine ang girlfriend ko, yes, of course!

"Mabait naman kasi si Janine..."

Bukod kay Lotlot, nagkausap na rin ba lately si Elmo at ang actor-father ni Janine na si Ramon Christopher?

Sagot niya, "Opo, pero hindi po formal.

"Kasi kilala din po ni Tito Monching si Papa, e. Magkasama sila sa Bagets [sequel] before."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang yumaong actor-rapper na si Francis Magalona ang ama ni Elmo na naging co-star si Ramon Christopher sa 1984 youth-oriented film.

At sila raw ni Janine ay matagal na ring nagkakilala, hanggang pagtambalin sila sa hit drama series remake ng Villa Quintana.

"Matagal na po kaming magkakilala ni Janine, naging mas close lang po kami sa Villa Quintana."

Pero nilinaw ni Elmo na naging mag-on sila ni Janine matapos ang trabaho nila sa series.

Ang bago naman nilang telenovela na More Than Words, kung saan sila ang tampok na bida, ay magsisimulang isahimpapawid sa November 3 bago mag-24 Oras.

HONG KONG TREAT. Isa pa sa masayang napag-usapan tungkol kina Elmo at Janine sa presscon ay ang tungkol sa recent Hong Kong Disneyland trip ng dalawa.

Yun daw ay treat ni Elmo kay Janine, na first time makapag-travel sa labas ng bansa.

Gusto raw niyang maging masaya ang girlfriend sa pinangarap na pamamasyal sa HK Disneyland.

"We’re with a couple of friends... apat po kaming nag-ikot-ikot sa Hong Kong.

"Pangatlong beses ko na pong mag-Hong Kong.

"Masaya ako kasi pangarap ni Janine rin talagang mag-Disneyland.

"Lahat naman talaga, may dream na makapuntang Disneyland.

"Disney girl talaga siya!" biro pa ni Elmo.

CURRENT STATUS. About their current "in a relationship" status ay may mga pahayag pa si Elmo, bilang paglilinaw.

Gaano na ba kaseryoso ang relasyon nila ni Janine?

"Well, bago pa lang po kami ngayon, e," aniya.

Sinabi ni Janine sa separate interview niya na ang relationship nila ni Elmo has been going on for six months now.

Dagdag ni Elmo, "Siyempre, darating din po sa point na may seriousness... starting pa lang po kami—getting to know each other."

Napansin din ang improvement ng looks ni Elmo, ang magandang physique nito na maski raw si Janine ay nakakapansin.

"Talaga? Wow, thank you! Binata na e nagbi-binata," nangiti si Elmo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Banggit din niya, nagso-solo na siya ngayon ng tirahan sa isang condo unit sa Mandaluyong City.

"Mahirap din, actually. Nami-miss ko na yung bahay namin na may nag-aalaga sa akin."

Hindi man sila live-in ni Janine, maasikaso pa rin daw ito sa kanya.

"Maalaga siya... napakamaalaga ni Janine.

"Pero hindi pa siya nakakapunta sa condo ko," paninigurado ni Elmo.

Si Janine ba ang tipo ng babae na gusto ring alagaan at protektahan ni Elmo hanggang tumanda na sila?

Makahulugang sambit ng binatang aktor, "Si Janine naman kasi, she’s a really strong woman, kung tutuusin.

"Pero hmmn... gusto kong ako yung nakakapagpasaya sa kanya. Yun."

LEADING MAN. At 20, maganda ang tinutungong direksiyon ng career ni Elmo.

Pangalawang drama series na ang More Than Words na bida ang character niya pagkatapos i-launch ang tandem nila ni Janine sa Villa Quintana.

Nag-support roles daw muna siya ng apat na taon simula sa Sunday musical-variety show na Party Pilipinas noong 2010.

"Gumawa na po ako ng Pilyang Kerubin, kay Direk Andoy Ranay din [director of More Than Words], nag-Bantatay ako.


"Iba po yung responsibility ng lead role."

Dahil nga raw sa kanyang busy schedule at sa takbo ng kanyang career, huminto muna si Elmo sa pag-aaral ng Culinary Arts sa College of St. Benilde.



ON DAD FRANCIS M. Elmo also shared some of his fondest memories of his late dad, the famous rapper Francis M.

Namatay ito sa sakit na leukemia on March 6, 2009 nang 15 pa lang si Elmo.

Sa kanyang daddy raw natuto si Elmo na maglaro ng videogames.

"’Pag lalabas kami, maglalaro kami ng video games. Yun po yung pasttime namin.

"Yun po yung favorite niya talagang gawin," banggit pa niya.

Kamakailan ay nagkaroon din ng photo exhibit sa SM Aura ground floor area, at kabilang sa mga larawang nai-display ang mga kuha ni Francis M. mula sa ilan niyang travels abroad, in exotic places.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagpunta rin po kami [sa exhibit], ang gaganda ng mga nai-display na photographs ni Papa.

"Ang dami niya talagang nagawa sa career niya. Ang dami niyang ipinakitang talents—from singing, rapping, dancing.

"He was into photography, music composition, and painting."

Namana rin daw ng mga kapatid ni Elmo na sina Maxene at Saab ang kahusayan ng Papa nila sa arts.

"Yung creative side din ni Papa... si Max, napakagaling mag-host at napakagaling umarte.

"Si Saab naman, magaling magsulat. Kuya ko [Francis Jr.], into painting...

"Lahat kami, nagta-try ng different talents..."

Is he also into rap composition and singing, like his late da?

"Opo, e... minsan. Opo," nakangiti na nahihiyang sambit ni Elmo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN