Rafael Rosell explains reason behind his profound interviews

Rafael Rosell on Second Chances director Laurice Guillen: "Madali siyang kausap pagdating sa character, magaling din siyang mag-feed ng motivation at super objective na tao."


Marami siguro ang mga nawi-weirduhan sa mga interview ni Rafael Rosell nitong mga nakaraang araw.

Kamakailan lamang, tinalakay ni Rafael ang tungkol sa mga mali sa education system sa Pilipinas.

Nauna na rito ang pagnanais niyang maging legal ang pagamit ng marijuana bilang sangkap sa mga gamot sa bansa.

Read: Rafael Rosell bats for legalization of marijuana for medical use

Sa pocket presscon ng Second Chances, ang bagong primetime series ng GMA, noong Martes, October 28, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung bakit ganun na lang kalalim ang kanyang pag-iisip sa mga bagay-bagay.

Saad niya, “Malalim ba? I think may pinagdadaanan ako dahil November na naman, ’tapos malapit na yung birthday ko.

"Wala, it’s a season of mystery for Scorpio e.

“It’s a season of transformation, ’di ba?

"At papasok na rin tayo sa Year of the Sheep, so year of the Dog ako, so incorporation naman ng Sheep at Dog, ‘di ba, so baka may dahilan, e... hindi ko alam."

Ano naman ang masasabi niya na baka may nag-iisip na nasisiraan na siya ng ulo?

Natatawang banggit niya, “I read a lot. I eat a lot of vegetables.

"Siguro yun yung side effect, yung klarong pag-iisip, yung andami mong kinukuwestiyon, ang dami mong gustong sabihin sa mga tao.

“Dumadaldal sa pagkalalim siguro.”

Anong mga libro ba ang binabasa niya ngayon?

Sabi ng Kapuso actor, “The Four Hour Workweek, ’tapos Behold the Pale Horse.

"’Tapos bago nun, I think Conversations with God: Book 1, one of my favorites.”

Marami raw siyang mga natutunan sa mga naturang libro.

Dagdag pa niya, “Mga philosophy sa buhay, the truths behind living, being conscious of the self, being conscious of the ego, paano mag-react sa mga sitwasyon na ayaw mo, nandun din yung pagtrato sa atin ng gobyerno.

“Yung mga dahilan kung bakit kailangan nating magising every day, kung saan nila ginagamit yung profit natin, kung bakit bulag tayo sa katotohanan, kung bakit bawal ang iba’t ibang gamot, ’tapos legal ang mga ikakamatay na gamot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun, mga ganung bagay ang mga binabasa ko, yun yung mga nakakaimpluwensiya sa akin.”



SECOND CHANCES. Sa seryeng Second Chances, ginagampanan ni Rafael ang role ni Jerome.

Sabi niya, “Yung second chance niya, mangyayari lang sa una, sa beginning lang ng story na magkakaroon lang siya ng pagkakataon na i-pursue ulit yung babaeng minahal niya dati, pero naunahan lang siya.”

Kasama niya sa teleserye sina Jennylyn Mercado, Raymart Santiago, Chynna Ortaleza, at Camille Prats.

Ang direktor naman ng soap ay ang award-winning director na si Laurice Guillen.

Kumusta katrabaho si Direk Laurice? Hindi ba siya kinabahan dahil isa si Direk Laurice sa tinitingalang direktor sa showbiz?

Sabi ni Rafael, “Oh, it was a very exciting experience dahil ang daming nag-build sa akin tungkol sa kanya ng horror stories, e, na sumisigaw daw siya, na pini-pressure niya yung mga artista.

“Siyempre, natakot ako.

"Pero I think these circumstances happen lang ’pag hindi prepared ang artista, ’pag hindi niya ginagawa ang homework niya.

“Mahilig ako sa homework pagdating sa acting at pagbabasa ng script.

"So far, wala pa naman akong na-experience na horror stories sa kanya.

"Madali siyang kausap pagdating sa character, magaling din siyang mag-feed ng motivation at super objective na tao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN