John Lloyd Cruz laughs off rumored lovechild

John Lloyd Cruz ignores rumor saying he has a lovechild: “Parang mahirap seryosohin kung dadaanin mo sa blind item, kung dadaanin mo sa social media.”


Natawa na lamang si John Lloyd Cruz nang muling matanong sa kanya ang tungkol sa diumano’y anak niya.

“Parang mahirap seryosohin kung dadaanin mo sa blind item, kung dadaanin mo sa social media,” sabi ni John Lloyd nang makapanayam siya ng entertainment reporters sa press launch ng mga bago niyang commercials para sa iniendorso niyang Magic Flakes kahapon, October 29.

Katulad ng sinabi niya sa mga unang panayam sa kanya, tila hindi raw kapani-paniwala na may 16-year-old siyang anak.

“Siguro ano, parang medyo may edad na.

"Parang kinuwenta ko, medyo lumalabas 15 ako nun, na parang hindi naman mangyayari,” sabi ng 31-year-old actor.

Muli niyang hinamon ang naglabas ng balitang ito na gawin ang tamang proseso kung totoo ang kanyang sinasabi.

Katuwiran ng Kapamilya actor, “Sa kahit na anong kaso na ganyan, sa akin man o sa ibang tao, especially kung public figure, siguro daanin natin sa tamang proseso.

“Kung halimbawa, hindi niyo ma-reach yung sinasabi ninyong tatay, may mga proper courses.

"Like, puwede mong puntahan ang lawyer niya.

“In my case, puwede kang pumunta sa ABS-CBN at hanapin ako.”

Read: John Lloyd Cruz on his alleged 16-year-old lovechild: "Kung seryoso sila sa allegation nila, they can come forward."

Kung siya ang tatanungin, nakasisiguro naman daw si John Lloyd na wala pa siyang anak.

Saad niya, “Hindi naman tayo nagmamalinis, pero parang bilang lalaki, dapat yata alam mo kung mayroon ka o wala.

"Kumbaga, ginawa mo yun, e.

“Kung ginawa mo ang isang bagay na ’yon, dapat alam mo.

"Hindi siya puwedeng, ’Hindi ko alam kung akin ’yon.’ Yun lang naman ang akin.”

Sa ngayon, hindi pa raw napag-uusapan ni John Lloyd at ng kanyang pamilya, pati na ang girlfriend na si Angelica Panganiban, ang tungkol sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN