KC Concepcion does not want to rock the boat with Paulo Avelino

KC Concepcion on mom Sharon Cuneta: “Yes, I’m so proud of her. I don’t know kung kailan siya magpapakita sa public. She’s been dieting, na-realize naman niya kung ano ang igaganda pa niya ‘pag pumayat. Parang 30-plus lbs. na yata… not sure kung anong diet niya, paiba-iba yata.”


Inamin ni KC Concepcion na ikinataba ng kanyang puso ang ginawang pagbantay sa kanya ni Paulo Avelino nang ma-confine siya sa ospital dahil sa dengue.

May kumalat pa ngang larawan sa social media kung saan tila hinaharana ni Paulo si KC.

Sabi ni KC, “Siyempre nakaka-touch… kung sino yung mga bumisita sa akin, lahat ng friends at family ko.”

Mas napalapit ba sa puso niya si Paulo dahil sa ginawang iyon ng aktor?

“Of course naman! parang napaka-sincere niyang tao,” sagot ng Kapamilya actress-TV host.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si KC sa double celebration ni Coco Martin kagabi, October 29, sa Cities Events Place, Sgt. Esguerra, Quezon City.

Sa hiwalay na interview kay Paulo sa nasabing event, nabanggit ng aktor na gusto niyang dalhin ulit sa isang lugar si KC, ‘tulad ng ginawa nilang pagpasyal sa Baguio noon para makapagpahinga din ang aktres pagkatapos magkasakit ng dengue.

Reaksiyon ni KC dito, “Talaga? Siguro alam niya kasing sobrang hardworking naming dalawa.”

Gaya ni Paulo ay bukas din si KC na magkasama silang dalawa sa isang proyekto.

Saad niya, “It would be nice kasi nag-bloom yung friendship namin without work talaga.

“It would be interesting kung paano yung work dynamics namin.

“Kasi iba rin yung ‘pag friends kayo ‘tapos kilala ninyo na ang isa’t isa, ‘tapos nagka-work kayo.

“Parang tatawa lang siguro kami nang tatawa!”

Sa mga taong hindi pa rin naniniwala sa sinasabi nilang malapit silang magkaibigan, tinanong namin muli si KC kung ano nga ba talaga ang status ng relasyon nila ni Paulo.

Tugon niya, “Like I’ve said before nga, hindi pa namin napag-uusapan.

“He also says na marami pa siyang puwedeng gawin, same with me, so we’re not pressuring each other.

“Honest ito, ha, mahirap kasing ituluy-tuloy knowing mong napakaganda ng kung ano ang mayroon kami ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang hirap ituluy-tuloy knowing na puwedeng, ‘di ba, no guarantees?

“Ayokong magsalita habang premature pa, parang chill muna.”



HER LOLA’S CONDITION. Ilang linggo na lang ang bibilangin at Pasko na.

Ayon kay KC, depende sa kalagayan ng kanyang lola na si Elaine Cuneta—ina ng Megastar na si Sharon Cuneta—kung saan sila magdiriwang ng espesyal na okasyong ito.

Kasalukuyang maysakit at naka-confine sa hospital ang maternal grandmother ni KC.

“My lola, alaga ko talaga yun. I super love her, she’s the love of my life.

“So, medyo mahirap for me, for the family na makita na nasa hospital pa rin siya.

“Maganda pa rin siya, pero yun nga lang, mahirap siyang makita na nasa hospital.

“Complications… maselan ang kundisyon niya sa ngayon.”

Kinumusta rin ng PEP kay KC ang kanyang ina na si Sharon Cuneta.

Sabi niya, “Okay naman siya… siguro ang number one priority lang namin sa ngayon is yung lola ko.”

Dagdag ni KC tungkol sa kanyang ina, “Yes, I’m so proud of her.

“I don’t know kung kailan siya magpapakita sa public.

“She’s been dieting, na-realize naman niya kung ano ang igaganda pa niya ‘pag pumayat.

“Parang 30-plus lbs. na yata… not sure kung anong diet niya, paiba-iba yata.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN