Piolo Pascual’s advice to son Iñigo when it comes to girls: “Look for someone who’ll make you happy.”

Iñigo Pascual reveals dad Piolo’s advice to him when it comes to love: “Don’t take it seriously at this time. We’re still young, pero sabi niya, it’s okay to have crushes and magustuhan ang isang person. Pero don’t take it seriously because we’re still young.”


Kinumpirma ni Iñigo Pascual ang kasunduan sila ng amang si Piolo Pascual na kapag nakapagtapos siya ng high school ay maaari nang mag-focus sa pagkakaroon ng girlfriend ang kanyang ama.

Pero idinagdag ng binatilyo na nakapagplano rin silang dalawang mag-bonding upang lalong lumalim ang kanilang relasyon bilang father and son.

Sabi ni Iñigo, “I just wanna be able to spend time with him since I grew up in the States, I just wanna be able to spend a good time with him.

“Our plan was after high school, we would spend time together.

“Sabi niya, magre-retire siya after a year and a half.

“We don’t know if it’s gonna happen.

“We were planning of travelling, spending time together.”

Diretsa ring ibinunyag ni Iñigo na mas gusto niya ang isang non-showbiz girl para sa ama.

“To be honest, I just want him to be happy.

“I want him to be with someone—this is an honest answer—I just want him to be with someone non-showbiz.

"Someone who will keep him private. I think he deserves that."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Iñigo sa press conference ng kanyang launching movie na Relaks, It’s Just Pag-Ibig, na ginanap sa Bella Ibarra, along Quezon Avenue, kahapon, October 30.

ON GIRLS. Sa edad na 17, sinabi ni Iñigo na hindi pa niya nararanasang magkaroon ng true love at masyado pa raw maaga upang ituon ang pansin dito.

“I don’t think na naranasan ko na po ang true love. Bata pa naman po kami.

"It shouldn’t be something we should focus on right now at this time of our lives.

“Sa tingin ko, kailangan po naming mag-relax lang po. It has its right timing naman po, and it’s gonna come sometime.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May payo rin si Piolo sa anak sa pagkakaroon ng relasyon.

“My dad, he just tells me, ’Don’t take it seriously at this time.’

"We’re still young, pero sabi niya, it’s okay to have crushes and magustuhan ang isang person.

"Pero don’t take it seriously because we’re still young.”

Sundot na tanong ng PEP, ano naman ang payo sa kanya ng ama pagdating sa babae?

Ayon kay Iñigo, “’Pag ganito ang usapan, we don’t take it seriously. Parang joke lang."

Pagpapatuloy niya, “Don’t look for one thing kasi it doesn’t come in a package; it doesn’t always come perfectly.

“No one’s perfect but, you know, ’look for someone who’ll make you happy.’"



COMPARISON WITH DAD. Dahil sikat ang kanyang ama, aminado si Iñigo na lagi siyang ikinukumpara rito.

“I’m kind of used to that as motivation.

"I was able to work hard and show my kind of stuff and show them that I can be someone as well,” sabi pa ng binatilyo.

Mas malaki raw ang pressure para sa kanyang patunayan ang sarili, lalo pa’t sikat ang kanyang ama.

“I feel like there’s always gonna be pressure na I’m gonna be compared with him.

"But instead of allowing these things to push me down, I’m gonna use it as inspiration to work hard and kind of be able to prove myself as well.

"But it will take time to do that."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN