Sophie Albert on joining beauty pageants: “Nahihiya ako, parang hindi ko siya calling.”

Matapos ang halos isang taong walang acting project sa TV5, muling mapapanood si Sophie Albert sa Wattpad Presents: Fake Fiancé, kasama ang real-life boyfriend niyang si Vin Abrenica, November 3 to 7, 9:30 P.M.


May nagsasabing isang beauty-queen material ang 24-year-old homegrown TV5 talent na si Sophie Albert.

Pero pagkontra ni Sophie, “Maging beauty queen? Hindi, e.

“Nahihiya ako, parang hindi ko siya calling.

"’Tsaka natataranta ako ’pag question and answer, katulad ngayon [presscon], natataranta ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Sophie sa pocket presscon ng TV5’s Wattpad Presents: Fake Fiancé, kagabi, October 30, sa TV5 Media Center, Reliance St., Mandaluyong City.

REAL-LIFE BOYFRIEND. Sa naturang series, makakasama ni Sophie ang real-life boyfriend niyang si Vin Abrenica.

Kumusta na ang kanilang samahan matapos ang lagpas isang taon nilang relasyon?

Saad ni Sophie, “Okay naman, masaya.

“Nag-level up naman, oo, mga ganun.

"Nakilala na ng mommy ko si Vin, matagal na.

"At saka, ako din, yung pamilya niya, nakilala ko na, matagal na din.

“Well, ngayon, palagi na naming nakakasama yung kuya [Aljur] niya kasi may time.

"So, ganun, yun lang."

Nagkailangan ba sila ni Vin sa taping ng kanilang Wattpad episode?

Ayon kay Sophie, “Hindi naman, parang normal lang.

"Kasi dito naman, palagi kaming galit sa isa’t isa, so palaging naaasar, naiinis, nagsisigawan.

"Siguro mabibilang lang yung mga scenes na very intimate."

(In photo: Sophie with boyfriend Vin. Photo by Noel Orsal)


FAKE FIANCÉ. Ano ba ang kuwento ng Fake Fiancé?

Kuwento ni Sophie, “Ako dito si Demi, isa akong man-hater, medyo workaholic, parang diretso lang yung buhay.

"’Tapos na-meet niya ang isang Rafael Francisco [played by Vin], ’tapos nag-iba na ang mundo niya.

“Kaya siya naging Fake Fiancé, kasi yung parents namin, dapat ikakasal sila, e.

"Ako, since man-hater ako, yung nanay ko palagi nang naloloko, ayokong makasal yung mommy ko.

"Si Rafael naman, may dahilan kung bakit ayaw niyang magpakasal yung daddy niya [sa mommy ko].

"So, nagdesisyon siyang mag-fake fiancé kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano bang aral ang matututunan ng viewers sa kanilang episode?

Sagot niya, “May aral in a way na parang, like yung si Demi, ano siya, dyini-generalize niya lahat ng mga lalaki.

"So, siya, naging lonely siya kasi mas ginusto niya maging old maid kaysa magkaroon ng boyfriend.

"Sa story, mare-realize ni Demi na hindi naman lahat ng lalaki ay pare-pareho."

Mapapanood na sa Lunes, November 3, sa TV5, ang Fake Fiancé, 9:30 ng gabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN