Sofia Andres thrilled to be handpicked by Piolo Pascual in new movie

Sixteen-year-old model-actess Sofia Andres is starring in her first movie that is produced by screen idol Piolo Pascual in which her leading men are the actor’s son Iñigo and Julian Estrada, the son of Senator Jinggoy Estrada.


Bilang isang baguhang artista, hindi raw makapaniwala si Sofia Andres na ang mga nakasama niya sa pelikulang Relaks, It’s Just Pag-Ibig ay sina Iñigo Pascual at Julian Estrada, kapwa anak ng mga sikat na artista.

Si Iñigo ay ang nag-iisang anak ng heartthrob na si Piolo Pascual, samantalang si Julian naman ay anak ng actor-politician na si Senator Jinggoy Estrada.

Nang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sofia sa presscon ng nasabing pelikula, na ginanap sa Bella Ibarra, sa Quezon Avenue, Quezon City, kagabi, October 30, ay hindi niya maitago ang kanyang nararamdaman na nakatrabaho niya sina Iñigo at Julian.

Bulalas ni Sofia, "Nung una, hindi pa po talaga nagsi-sink in na, ’Oo nga, mga anak pala sila ng mga artista.’

"’Tapos nung nag-i-start na kami ng shooting, sinasabi nga ng mga tao na anak siya ni ganito, ganyan.

"Dun na pumasok sa isip na hindi na lang pala talaga basta ang mga ka-work ko.

"I really feel honored and blessed na pinagkatiwalaan nila ako for this role.

"Ibig sabihin, may nakita po sila sa akin na something different para isama sa movie na ito."

Lalo na raw nang makita ni Sofia si Piolo, halos hindi raw siya makapaniwala na nasa harap niya ang iniidolo ng karamihan.

Natatawang sabi ng newbie actress, "Opo, siyempre Piolo Pascual yun, e.

"Kaya lang, nung una ay na-intimidate ako, kasi nga, ang pogi niya.

"Medyo nahiya at bumuwelo pa nga ako, ’Hi po, I’m Sofia.’

"Siyempre, kilala niya ako kasi isa siya sa pumili [sa akin]."

WINONA RYDER LOOK-ALIKE. Paano naman siya ipinakilala ng kanyang screen partner na anak ng tinatawag sa showbiz na ’Papa P’?

Ani Sofia, "Casual lang po, casual lang...

"Paano nga ba? Meron kasi kaming scene na magkasama rin, ’tapos nagkita kami sa tent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko nga, ’Hi po.’ Ganun lang.

"’Tapos biniro na niya ako, kamukha ko raw si Winona Ryder na crush daw po niya noon."

Ano naman ang naging reaksiyon niya?

Halos mapasigaw ang 16-year-old young star, "Wow! Talaga?!

"’Tapos, nag-search ako, tapos sabi ko, ’Ay hindi naman, sobrang ganda namanni Winona.’

"Parang nahiya naman ako sa sarili ko."

As early as now, mina-match na silang dalawa ni Iñigo. Mas naging close pa nga raw siya rito kaysa kay Julian na kaibigan din naman niya.

Ayon sa kanya, "I’m happy, e.

"Kasi, hindi po dahil anak siya ni Piolo Pascual kundi isa po siya sa nakilala kong mabait, very down to earth na tao, hindi siya plastic.

"Kumbaga, kung ano siya, yun siya, very genuine."

Kung sakaling ligawan siya ng 17-year-old young actor, sa tingin ba niya ay magugustuhan rin niya ito?

Pahayag ng commercial model-actress, "Ano naman po ’yan, e, nararamdaman na lang.

"Yung love, hindi mo rin kasi masabi but, for now, hindi pa siya talaga yung love.

"Kasi mga bata pa po kami, hindi pa namin alam kung ano ang feeling nun, e.

"Kumbaga, marami pa kaming pagdadaanan."

CHAPERONED. Ngunit sa edad nila ngayon, dito nagsisimula ang tinatawag na puppy love na para sa ibang bagets ay as intense.

Reaksiyon ni Sofia, "Oh, yes, pero I have my mom naman with me always.

"Gina-guide naman niya ako what to do, kung sino ang sasamahan, kung sino ang...

"Basta laging ang mom ko, hindi naman para bantayan ako, kasi hindi naman ako yung nagrerebeldeng tao.

"Naa-appreciate ko naman na laging nandiyan ang mommy ko."

Sa kabila nito, aminado naman si Sofia na binibigyan siya ng espesyal na atensiyon ni Iñigo.

Saad niya, "Yes, like he texts me, and he’s always sweet na tao, hindi maipagkakaila yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lagi siyang, ’Oh, come here, why are you so mean to me?’

"Kung hindi ko siya napapansin ng konti, ’Why are so mean to me?’ ’tapos lagi niya akong ina-hug."

Ano naman ang nararamdaman niya kapag sinusuyo siya nito?

Natatawang pag-amin ni Sofia, "Siyempre, kinda kilig, ganun.

"Pero, kung ganunin ka ng ka-partner mo, kahit sa movie lang, ano ang mararamdaman mo, ’di ba?

"Basta, chill lang kami. At least, masaya kami sa set."

May chance ba si Iñigo sa kanya kung sakali mang manligaw ito?

Ani Sofia, "In time, siguro.

"Kasi, hindi natin alam kung after this, kung he still likes me or something.

"Marami pa talaga ang maaaring mangyari at kadalasan talaga ay may pabagu-bago, ’di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN