Elmo Magalona on facing James Reid abs to abs: “Ready na... Ang init nga, e."

Elmo Magalona on his love team with Janine Gutierrez being compared to JaDine and KathNiel: "I guess, healthy competition na may kasabayan din. Pero feeling ko naman walang rivalry kasi we’re all friends."


Tumango si Elmo Magalona nang tanungin kung may selebrasyon ba sila ng kanilang monthsary ni Janine Gutierrez.

Aniya, lumalabas sila para kumain, mag-celebrate, at mag-unwind na rin mula sa subsob nilang pagtatrabaho.

Masasabi bang kay Janine pinaka-happy ang kanyang puso?

“I think super perfect timing lahat, e. It’s not just with Janine.

"Pero yung sunud-sunod na pangyayari, it’s happy moment for all of us, sa akin, kay Janine."

At kung may tampuhan man sila ni Janine, “Hindi siya super malalim na away. Normal lang naman—kung saan kakain... Ayaw niya kasing sabihin sa akin kung saan niya gustong kumain.

“Lagi naman dapat na siya ang alalahanin ko kung saan niya gustong kumain.”

Sa panayam kay Elmo ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Martes, October 28, sa presscon ng seryeng More Than Words, sinabi nitong masaya siya na halos araw-araw ay nagkakasama sila ng girlfriend niya.

Ano ba yung special na nakita niya sa girlfriend?

“Yung pagiging positive kasi ni Janine, nakaka-inspire at nakakahawa. Pag kasama ko siya masaya ako.”

Nagawa mong matupad ang pangarap ni Janine na madala siya sa Hong Kong Disneyland, ano ba pa ba ang mga dreams ng kasintahan na gusto niyang magkaroon ng katuparan?

“Yun na nga po, nangyayari na ngayon yung pagiging successful niya dahil sunud-sunod na e simula nong pag-start niya sa Villa Quintana.

"Kamakailan lang, nag-host siya ng Miss World.

"And nakikita ko naman na super excited rin siya sa mga nangyayari sa career niya.

“Yun ang wish ko para sa kanya, na maging successful siya.”

RIVALRY. Kapag sinasabing sila ang pantapat ng Kapuso network sa loveteam nina James Reid at Nadine Lustre o Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ano ang nararamdaman niya?

“Nakaka-ano...I guess, healthy competition na may kasabayan din.

"Pero feeling ko naman walang rivalry kasi we’re all friends naman.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas effective ba yung team-up nila dahil totoong may relasyon sila?

“I guess, malakas rin kasi yung chemistry nila, e.

"Ako, I’m a big fan of James and Nadine. Kasi yung success ng projects nila nakikita mo na malakas yung chemistry nila.

“Oo, may pressure pero hindi na lang namin iniisip yun.”

ABS TO ABS WITH JAMES REID. Sa kanyang serye, may mga eksena siyang shirtless. Hindi kaya ipina-pattern kay James Reid ang paglalabas ng katawan niya sa mga acting projects?

“Ah, well. I guess parang parehas rin na ganon.

"Ako, I am ready now."

Ready na siyang tumapat sa mga young hunks sa ABS-CBN o kaya kay James Reid?

“Ready na ko. Ready na ako. Ang init nga ngayon e,” sabay akma niyang itataas ang suot niyang polo.

Kapansin-pansing mas maganda na nga ang hubog ng kanyang katawan. Handa na siyang magpa-sexy?

“Kung ano po yung kinakailangan sa trabaho. Basta, pakonti-konti lang. Ayoko naman na bigla.

“Masipag lang akong pumunta ng gym. Lagi akong active.

"Mas active ako ngayon sa pagtakbo at pagbubuhat ng weights”.

Ready na siyang rumampa sa Cosmo Bachelor Bash?

“Ahm, hindi ko alam kung papayagan ako ni Papa,” banggit niya sa yumaong master rapper na si Francis Magalona.

KISSING JANINE. Maging ang mommy ng binata na si Pia ay okay sa pagpapa-sexy ng ana. Gusto nga raw niyang magkaroon ng maraming topless scenes si Elmo sa More Than Words.

Nakangiting saad ng aktor, “Open naman si Mama, confident naman siya para sa akin.

"Saka hindi naman tayo palaging teenager buong buhay."

Marami ba silang kissing scenes ni Janine?

“Hindi naman cutesie-cutesie lang.”

Mas kakaiba raw ang experience na nararanasan ngayon ni Elmo sa muli nilang pagtatambal ni Janine dahil noong nagkasama sila sa Villa Quintana, hindi pa niya girlfriend ang dalaga.

Nilinaw ni Elmo na nagkaroon siya ng pagnanais na ligawan si Janine pagkatapos na daw ng una nilang serye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad pa niya, walang lalakeng hindi magkakagusto sa young actress dahil sa ganda at sa mga qualities na nadiskubre nito dito.

Giit din ni Elmo na hindi nila plinano ni Janine ang pag-amin sa relasyon. Nais lang daw niyang sorpresahin ang kasintahan.

Sa madalas naming panayam sa dalawa, si Janine ang madalas magpakita ng pagkailang na pag-usapan ang relasyon nila ni Elmo.

Paliwanag ni Elmo, “Well, sa lalake naman talaga dapat manggaling ang balita kapag kami na.”

Pero ayaw naman niyang idetalyado kung kailan sila officially na naging magkasintahan ni Janine.

“Ang importante masaya kami. Yun ang importante na kami na.”

Naging masaya ba ang Mommy ni Janine na si Lotlot de Leon sa pag-amin ng relasyon nila ni Janine?

“Opo, nabasa ko nga yung sa Twitter niya. May pinabasa sa akin si Janine na I’m so happy for you na umamin na siya.”

Ano naman ang reaksyon ng mommy niya kay Janine?

“Super love ng Mom ko si Janine kasi nakikita naman niya yung pagiging mabait ni Janine."

Komo nga nakatira si Janine sa poder ng ama niyang si Ramon Christopher, tinanong namin si Elmo kung nagkaroon na ba sila ng man to man talk ng tatay ng gf niya?

“Si Tito Monching trinay ko naman talaga na maging close sa kanya every time na dumadalaw ako sa bahay nila.

"Lagi akong nakikipag-usap sa kanya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN