Janine Gutierrez happy that relationship with Elmo Magalona is approved by their parents: "Magaan ang lahat."

Does Janine Gutierrez see a future with Elmo Magalona? “Wala pa po akong iniisip na ganun...Focused lang talaga kami sa ngayon. Masaya kami na may trabaho kami together."

“Siyempre ayaw naming pangunahan ang mga bagay-bagay.”


“Hindi, siyempre nabasa ko din naman po yung script,” ang nakatawang sagot ni Janine Gutierrez nang tanungin kung nagpaalam ba sa kanya si Elmo Magalona na magpapakita ito ng katawan sa More Than Words.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dalaga sa presscon ng kanilang upcoming drama series noong Martes, October 28, sa GMA Network Center.

“Masaya po ako na kasama ko si Mo [palayaw ng young actor] sa taping kasi puwede ko siyang kausapin tungkol sa mga eksena, alam mo yun?

"Hindi na ako maghahanap pa sa iba ng tulong kasi nandun naman si Mo.

“And masaya lang na pareho kami ng pinagdadaanan, and pareho kami ng pinanggalingan, so iyon.

“And we both want it to work talaga, parang VQ [Villa Quintana] din naman na tulungan.”

Nakahanda ba siya sakaling subukan ng GMA na paghiwalayin ang kanilang tandem sa susunod na projects?

“Well, ang iniisip lang po namin yung ngayon, siyempre.”

LQ. Normal lang naman ang misunderstanding sa relationships, nagkatampuhan na ba sila?

“Minsan, mga small misunderstandings lang.

"Basta kapag may tampuhan, pinag-uusapan naman namin agad. Kasi siyempre, mahirap manghula kung ano’ng iniisip nung isang tao, ’di ba?

“Mas okay na pag-usapan niyo talaga yung mga feelings,” at tumawa muli ang young actress."

Sino ang unang nanunuyo?

“Depende.”

Sino ang mas madalas manuyo?

“Si Mo,” at tumawa muli si Janine. “Pero siyempre kapag alam kong meron akong mali, ako naman yung mag-aano.”

MONTHSARY. Nitong buwan ng Oktubre, kinumpirma ni Elmo sa press na sila na ni Janine.

Nagse-celebrate ba sila ng monthsar?

“Not all the time. Hindi kasi masyadong ma-monthsary since mabilis yung months.

"’Tsaka busy po talaga kami lately sa taping ng More Than Words. So iyon.”


COMPATIBLE. Bakit sa palagay niya ay click sila ni Elmo?

Pahayag ng panganay nina Ramon Christopher at Lotlot de Leon, “Feeling ko meron kaming pagkapareho sa ugali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maybe because we grew up in a similar way or pareho kaming lumaki sa showbiz family.

"Basta madali lang siyang kausap, masaya ako pag kausap ko siya.”

May natutunan raw si Janine sa pag-amin ni Elmo tungkol sa kanilang relasyon.

“Parang na-realize ko na wala naman pala talagang rason para hindi umamin.

"Kasi the whole time, siyempre, bantay ako sa mga sinasabi ko.

“So nung inamin na, parang na-realize ko na, ‘Ah okay! Ito pala yung sinasabi ni Mama.’

“Si Mama kasi, sabi niya parang, wala naman daw problema if umamin.

“’Tapos na-realize ko na, ‘Ah oo nga pala.’

“Parang there was no point naman pala. So okay na rin.”

Nakikita na ba niyang si Elmo ang kanyang future husband?

Mabilis na sagot ng 25-year-old leading lady, “Wala pa po akong iniisip na ganun siyempre.

“Focused lang talaga kami sa ngayon at masaya kami na nag-e-enjoy kami ngayon.

"Masaya kami na may trabaho kami together, so iyon.

“Siyempre ayaw naming pangunahan ang mga bagay-bagay.”

PARENTS’ APPROVAL. Botong-boto ang ina ni Janine na si Lotlot kay Elmo.

“Super! Parang nagayuma yata niya si Mama, parang may pinakain yata si Elmo kay Mama,” at natawa si Janine.

Sa tingin niya, bakit boto si Lotlot kay Elmo?

“Well, I think si Mama, good judge of character naman since madami na siyang pinagdaanan.

"Si Mama kasi yung tipo ng tao na kapag nag-aalala siya sa kasama ko or sa mga kausap ko, sasabihin niya sa akin.

“Parang heads up lang na, ‘O mag-ingat ka diyan!’

“Pero kay Mo walang ganun, walang anything. Talagang very happy siya for us.”

Close rin si Janine sa ina ni Elmo na si Pia Magalona.

Ganun rin si Elmo sa ama ni Janine na si Ramon Christopher.

“Si Papa, okay din, super! Nag-uusap sila tungkol sa mga kotse, mga ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakatuwa kasi magaan lang lahat.”

HONG KONG TREAT. Masasabing si Elmo ang tumupad sa wish ni Janine na makapasyal abroad nang magtungo sila with their friends sa Hong Kong kamakailan. Nakapag-abroad na naman dati si Janine pero maliit na bata pa lamang siya noon.

“Siya yung nag-push na matuloy kasi matagal ko na kasing gusto yun e pero palagi ko lang sinasabi na baka next time na lang or ano.

“Pero si Mo talaga yung, ‘Hindi, you have to go, you have to go!’

“’Tapos nag-iisip ako kung saan ba ako puwede pumunta ’tapos siya yung nagsabi na, ‘Dapat Hong Kong, dapat Hong kong yung first.

"Kailangan Hong Kong ang first ng lahat.’

“May mga ganun siya. So iyon, natuloy nga, after VQ, sakto nakapagbakasyon kami before nag-start ulit [sa trabaho].”

Na-enjoy nang husto ni Janine ang kanyang bakasyon sa Hong Kong.

“Yung last time siguro mga one-year-old ako, waley naman ako maalala dun, ’di ba?”

At nilinaw ni Janine na hindi lamang silang dalawa ni Elmo ang nagbakasyon sa Hong Kong.

“Madami po kaming magkakasama, madami naman po kami.”


Hindi raw siya nahirapang magpaalam sa parents niya na mag-a-abroad sila.

“Surprisingly, hindi!

“Kasi kilala naman si Mo and kilala din nila yung mga friends ko so okay lang.

"At saka alam naman nila kung gaano ko talaga inaasam-asam yung paglipad sa ibang bansa,” at muling natawa ang magandang young actress.

Kaya marami na siyang magandang memories with Elmo...

“Medyo, actually madami na din po.”

Sa November 3 eere ang More Than Words, na pagbibidahan nina Janine (as Ikay/Katy Perez) at Elmo (as Hiro/Juan Sebastian Santillan III).

Kasama nila sina Ms. Jaclyn Jose bilang Precy; Gardo Versoza bilang Victor; Yayo Aguila bilang Marissa; Enzo Pineda bilang Nate; Stephanie Sol bilang Belle; Mikoy Morales bilang Chester; Mayton Eugenio bilang Chelsea at Coleen Perez bilang Molly.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Balik-tambalan naman dito ang sikat na loveteam noong ’80s na sina Leni Santos bilang Rose at Rey ‘PJ’ Abellana bilang si Emil.

Ang serye ay sa direksyon ni Andoy Ranay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN