Mikoy Morales admits to feeling disappointed after Protege: “Parang I wanted more that time.”

Protege runner-up Mikoy Morales admits to feeling initially disappointed with the outcome of his career. He says, “...hindi yun yung atensyon na hinahanap ko nung time na yun. Masyado lang siguro na lumipad yung ulo ko nung time na yun. Pero after a while, parang nag-settle sa akin na nadala lang ako nun."


Produkto ng talent search ng GMA na Protégé si Mikoy Morales kunsaan tinalo siya ni Jeric Gonzales.

Kabilang sila sa second season ng naturang reality talent search na natapos noong October 2012.

Masaya ba siya sa nangyayari sa career niya ngayon?

Bukod kasi kay Jeric ay ang isa pang runner-up na si Ruru Madrid ang tila nabibigyan ng atensiyon ng Kapuso network.

“Happy naman po,” bulalas ni Mikoy.

“I mean, honestly, nung start talaga, nung kakatapos lang [ng Protégé], medyo, ayun, kasi na-hype kasi nung Protégé ’tapos after nun, medyo hindi masyadong nasundan.

“Pero parang, siguro overwhelmed lang kami nun.

“Pero ngayon, happy naman.”

Wala siyang sama ng loob?

“Wala po, e. Wala na, e.”

DISAPPOINTMENT? Wala na? Ibig sabihin ay mayroon siyang sama ng loob dati?

Kuwento ni Mikoy, “Meron dati. Hindi sa akin or I mean hindi sa contestants or dahil...

"Siyempre hindi mo maiiwasan kasi after nung... yun nga, parang na-bring up kami nun, ’tapos after nun parang hindi namin na-feel masyado, na parang hindi kami nasundan masyado.

“I mean personally ako, yun yung na-feel ko.

“I can’t speak for all of them e pero in my case, hindi ako, parang hindi masyado…”

Natutukan?

“Hindi naman. Siguro hindi iyon yung in-expect kong mangyayari after, na…”

Hindi siya masyadong nabigyan ng atensiyon?

Dugtong niya, “Meron, pero hindi yun yung atensyon na hinahanap ko nung time na yun. Parang I wanted more that time.

“Masyado lang siguro na lumipad yung ulo ko nung time na yun. Pero after a while, parang nag-settle sa akin na, nadala lang ako nun. Nadala lang ako nun.”

EVENTS COMPANY. Paano nawala ang sama ng loob niya?

Lahad niya, “Siguro nag-start po yun nung nag-focus ako sa craft ko, na sa acting, nag-workshops ako talaga.

“’Tapos, dun ko na-feel na parang okay, I don’t have to impress anyone anymore.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta as long as alam ko nag-i-improve ako sa workshop, alam ko nami-meet ko yung dapat kong gawin dito.

“Also, dinivert ko rin ng konti yung attention ko sa school.

“Nag-aral ako ng music, sa MINT [Meridian International College] po.

“Irregular po ako, e. Supposedly third year.

“So ayun e, I’m taking up Music which is one of the things I really love so parang ayun, been busy naman.

“’Tapos, aside from my work here as an artist in GMA, meron na rin akong business, may events company akong itinayo.

“Meron po kami, SPARC Productions—S is Special Events, P is Proposals and Weddings, A is Activation, R is Reinvention, and C is Concert Productions.

“Recently po, ang nagawa namin, nag-reunion kasi yung The New Minstrels, nag-concert sila sa RCBC.

“Yung mga ganun-ganun. Na-e-enjoy ko naman.

“May business partner po ako dito, dalawa kami pero may mga tao kami. Yung business partner ko po si Dino Alvarez, naging mentor ko siya before nung glee club, naging director ko siya,

“Siya rin actually nag-encourage sa akin na pumunta sa MINT, kung saang school ako ngayon.

“Kasama ko po siya nung Kundirana.

“So ’yon, nag-decide kami, kasi since alam naman na namin kung paano magpatakbo ng concert, alam namin yung mga tao kung sino so we decided to make it a business.”

Bilang baguhan, nais sundan ni Mikoy ang path ni Ogie Alcasid.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mikoy sa presscon ng More Than Words noong nakaraang Martes, October 28, sa GMA Network Center.

COURTING THEA. Samantala, inamin naman ni Mikoy na hanggang ngayon ay nanliligaw siya kay Thea Tolentino.

Si Thea ang female winner sa Protégé.

Hindi pa raw siya sinasagot ng dalaga.

Sabi niya, “Hindi pa naman po. We’re getting there.

“Maybe, we’re getting there but it’s too early, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magdadalawang taon nang nanliligaw si Mikoy kay Thea. Bakit sa kabila nito ay hindi pa siya sinasagot ng dalaga?

Paliwanag niya, “Well, number one po kasi, alam kasi naman ng parents namin parehas, na nililigawan ko siya, na may gusto kami sa isa’t isa.

“Pero it’s too early, maybe. Masyado pa siyang bata.”

Wala naman daw problema kay Mikoy kahit inabot na siya ng halos dalawang taong panliligaw kay Thea.

Nag-debut si Thea last August, hindi pa ba puwedeng magka-boyfriend si Thea?

“Hindi ko pa po natatanong ulit sa parents niya,” at natawa si Mikoy.

“Pero siguro po papunta na dun.”

GOING WITH THE FLOW.” Hindi naman daw siya binabasted ni Thea.

Depensa niya, “Hindi po, hindi po.”

Ano ang sinasabing rason sa kanya ni Thea na hindi pa siya sinasagot hanggang ngayon?

“Actually, hindi ko rin naman po kasi tinatanong kung sinasagot na niya ako, e,” at muling tumawa si Mikoy.

“So wala lang, kung ano lang nangyayari, go with the flow lang kami muna.”

Nakapunta na raw siya sa bahay nina Thea sa Calamba, Laguna. At noong birthday ng young actress ay niregaluhan niya ito ng Uniqlo na jacket at diary.

“Kasi mahilig siyang magsulat ’tapos naubosan na yata niya yung diary before so binigyan ko siya ng bago.”

NO ISSUE WITH JERIC. Wala naman daw gap o isyu sa pagitan nina Mikoy at Jeric. For a time kasi ay naging loveteam sina Jeric at Thea at napabalita pa ngang nanliligaw si Jeric kay Thea.

Aniya, “Ever since naman alam niya, e. Kahit nung loveteam sila.”

Nanligaw ba si Jeric kay Thea?

Balik-tanaw niya, “I think for a time nagka-ano, parang nadala sila ng loveteam nila ’ata or I’m not sure.”

WAITING UNTIL WHEN? Hanggang kailan maghihintay si Mikoy na sagutin ni Thea?

Pag-amin niya, “Hindi ko po alam. Hindi ko talaga alam.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano kung another two years ang dumaan ay hindi pa rin siya sinasagot ni Thea? Susuko na ba siya noon?

“E, yun nga po kaya nga po hindi ko rin naman tinatanong sa kanya kung sinasagot na niya ako kasi parang go with the flow lang talaga,” muli niyang saad.

Nag-date na raw sila nang silang dalawa lang minsan, nag-dinner sila sa isang restaurant.

“Pero iyon lang, usually kasama namin si Ate, yung yaya niya.

“So ayun, lalo na kasi yung parents niya nasa Calamba so talagang hindi pumapayag na kaming dalawa lang kasi sila lang ang magkasama dito,” pahayag pa ni Mikoy.

Sa More Than Words na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez (as Ikay/Katy Perez) at Elmo Magalona (as Hiro/Juan Sebastian Santillan III), gumaganap si Mikoy bilang Chester.

Nasa More Than Words din sina Ms. Jaclyn Jose bilang Precy; Gardo Versoza bilang Victor; Yayo Aguila bilang Marissa; Enzo Pineda bilang Nate, Stephanie Sol bilang Belle; Mayton Eugenio bilang Chelsea at Coleen Perez bilang Molly.

Balik-tambalan naman dito ang sikat na loveteam noong ’80s na sina Leni Santos bilang Rose at Rey “PJ” Abellana bilang si Emil.

Ang More Than Words ay sa direksyon ni Andoy Ranay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN