Direk Joyce Bernal on directing Vic Sotto for the first time: “Na-starstruck ako.”

Direk Joyce Bernal on directing comedy icon Vic Sotto for the first time in My Big Bossing’s "Prinsesa" episode: “Iba kasi si Bossing Vic. Talagang nandoon agad yung respeto mo sa kanya, hindi lang bilang artista kundi bilang isang mabuting tao. Hindi ko alam talaga kung paano ang approach ko sa kanya.”


Hindi nahihiyang aminin ng box-office director na si Bb. Joyce Bernal na sobra siyang na-intimidate kay Vic Sotto noong idirek niya ito sa “Prinsesa” episode ng Metro Manila Film Festival official entry na My Big Bossing.

First time kasi na makatrabaho ni Direk Joyce si Bossing Vic kaya hindi raw niya alam kung paano ang approach niya rito.

Hindi raw ito tulad nina Aga Muhlach, Dingdong Dantes, Robin Padilla at Piolo Pascual na noong makatrabaho niya ay mabilis daw niyang nahuli ang kiliti ng mga ito.

“Iba kasi si Bossing Vic.

“Talagang nandoon agad yung respeto mo sa kanya, hindi lang bilang artista kundi bilang isang mabuting tao.

“Hindi ko alam talaga kung paano ang approach ko sa kanya.

“Nasanay kasi ako na parang magkakabarkada tayo sa set. Pero iba kasi kapag Vic Sotto na ang katrabaho mo. Na-starstruck ako.

“Minsan kasi seryoso siya. Tapos biglang magpapatawa. Gano’n siya katrabaho.

“Siguro, tinatantiya rin niya ako kasi first time namin pareho to work with one another.

“But of course, mas excited ako to work with Bossing Vic. Tapos, first comedy-adventure movie ko ito na sobrang wholesome.

“Hindi puwedeng umiral ang pagiging balahura ko dito! May mga bata kasi, e!” malakas na tawa pa ni Direk Joyce nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong October 29 sa shooting ng My Big Bossing sa Paco Park sa Manila.

SMOOTH WORKING RELATIONSHIP. Kahit na-intimidate si Direk Joyce kay Bossing Vic, naging maayos naman daw ang pakikipagtrabaho niya rito.

Wala raw naging pressure sa pagtapos ng hinawakan niyang episode sa My Big Bossing.

Pagmamalaki niya, “Yun naman ang naging maganda. Kahit na nahihiya akong magsabi kay Bossing Vic, very smooth ang working relationship namin.

“Kapag may ini-explain akong scene sa kanya na gagawin, he’s very cooperative. Walang hassle kumbaga.

“’Tsaka natuwa ako na all-out ang production sa episode namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Among the three episodes ng My Big Bossing, siguro pinakamalaki ang budget namin.

“Kasi sa costumes na lang at sets, alam mong hindi tinipid. Tapos may mga special effects pa kami.

“Masarap magtrabaho sa ganitong production kasi all-out sila para maging maganda ang product.”

INSPIRED” DIRECTING STYLE. May style si Direk Joyce na kailangang ma-in love siya sa kanyang dinidirek na leading man para maganda ang kalabasan ng mga eksena.

Natatawang nag-explain naman si Direk Joyce tungkol sa style niyang ito.

“Ang ibig ko naman sabihin sa kailangan ma-in love ako ay kailangan mapahanga ako ng aktor na ito para inspired ako sa pagdidirek.

“Humuhugot kasi ako ng inspiration sa mga artista ko.

“The more na napapahanga ako, doon lumalabas yung creativity ko sa mga eksena ng movie.

“Hindi naman yung iniisip kong makipag-sex sa kanila. Hindi naman gano’n!

“Hindi ko naisip yun kay Bossing Vic ha!

“Sobra kong nirerespeto si Bossing. Wala akong malisya sa kanya, promise!” malakas na tawa pa ni Direk Joyce.

MORE FOCUSED ON MOVIES. Matatagalan raw bago gumawa ulit si Direk Joyce ng teleserye dahil marami ang naka-line-up na pelikula na sisimulan niya next year.

Huli ngang natapos na teleserye ni Direk Joyce ay ang My Destiny nila Tom Rodriguez at Carla Abellana. Bago iyon ay ginawa rin niya ang Paraiso Ko’y Ikaw nila Kristoffer Martin at Kim Rodriguez.

“This year nakadalawang movies naman ako, itong My Big Bossing at yung Da Possessed with Vhong Navarro.

“May sisimulan akong movie na bida si Marvin Agustin. For next year na ‘yon. Tapos baka may gawin ako with Robin Padilla. May gagawin din ulit ako for Star Cinema.

“So puro movies muna. Pero kung may maganda namang teleserye na ibibigay ang GMA-7, kung kaya pa naman natin, okay lang na gawin,” detalye niyang kuwento.

THE DIRECTOR AS PRODUCER. Tumatayong producer naman si Direk Joyce sa pelikulang Relaks, It’s Just Pag-ibig na pinagbibidahan ng anak ni Piolo Pascual na si Iñigo Pascual.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Producer lang talaga ang papel ko sa project na ‘yan.

“Gusto naming bigyan ng break na magdirek ang iba. Yung mga nagdirek na sila Antoinette Jadaone and Irene Villamor, part sila ng creative team namin.

“Si Antoinette, script continuity supervisor ko siya sa Kimmy Dora, for the First Time, Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo? and Segunda Mano. Tapos naging second assistant director ko siya sa Da Possessed. Siya rin yung director ng Beauty in a Bottle.

“Si Irene naman, assistant director ko ‘yan sa Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?, Of All the Things, Segunda Mano, For the First Time , Da Possessed at sa series na I Heart You Pare.

“So magandang break ito para sa kanila at para na rin magkaroon tayo ng mga bagong directors na babae,” pagmamalaki ni Bb. Joyce.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN