Vin Abrenica admits relationship with Sophie Albert; hints at resolution of brother Aljur’s case vs GMA

Vin Abrenica recounts how he popped the question to Sophie Albert after courting her for over a year: “Lumuhod ako, may dala akong bulaklak, sinabi ko, ’Can you be my girlfriend?’”


Umamin si Vin Abrenica na sila na ni Sophie Albert.

Dahil dito, masasabing hindi lamang on-cam loveteam ang dalawang Artista Academy (AA) grand winners at TV5 stars, kundi real-life sweethearts na rin.

Mahigit isang taon na raw silang may relasyon, ito ay ayon kay Vin nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press sa pocket presscon ng Wattpad Presents sa TV5 Reliance studio noong October 30, 2014.

“Before pa naman AA, talagang crush ko na siya.

“Pero during Never Say Goodbye, hindi pa kami. Even after... I swear in my heart, hindi pa kami.”

Nanligaw talaga siya kay Sophie?

“Yes, matindi,” natawang sabi niya.

Ilang buwan din daw niyang nilagawan si Sophie.

Paano naman siya manligaw?

“Ay, matindi akong manligaw! Old school ako, e—gitara, harana, hatid-sundo, paalam sa ganyan...

“Tapos, hindi ko sinabi na, ’Girlfriend na kita.’

“Lumuhod ako, may dala akong bulaklak, sinabi ko, ’Can you be my girlfriend?’” masayang kuwento niya.

Katwiran ni Vin, dapat daw ganoon i-trato ang mga babae.

Sabi pa niya, “Hindi ako yung sa text lang na, ’Uy, tayo na ba?’ Para sa akin, iba pa rin yun.”

WORKING WITH SOPHIE. Aminado naman si Vin na hindi siya talaga mahilig magbasa ng mga romance books. Iba raw ang genre ng mga librong binabasa niya.

Pero dahil nga sila ng girlfriend na si Sophie ang mga bida sa Wattpad Presents: Fake Fiancé ng TV5 na mapapanood simula ngayong Lunes ng gabi ng 9:30 P.M., binasa muna ni Vin ang libro bago sila nag-taping.

Ngayon lang sila muling nagtambal ni Sophie simula nang aminin nila ang kanilang relasyon.

Kumusta naman ang samahan nila sa trabaho?

“Masayang-masaya. Medyo para sa akin, yun yung awkward moment. Kasi yung role namin dito, we hate each other.

“Pero kahit na hate mo, yung challenge dun, dapat meron pa rin kayong chemistry, may connection pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So for me, nagawa ko naman siya nang maayos. Maganda ang outcome for me.”

Mas masarap bang magtrabahong may ka-loveteam na bukas na sa publiko ang totoong relasyon nila?

“Siyempre, mas masarap, mas kumportable. Lalo na kapag may gusto kang i-apply.

“Hindi mo na kailangang isipin kung ayaw ba niya yun. Puwede mo siyang kausapin agad na, ’Okey lang ba ito kung gagawin natin?’ Napag-uusapan agad.”

PETTY FIGHTS. Mahigit isang taon na ang relasyon nila, nag-aaway ba sila?

“Mga petty fights lang like, ’Gutom ako, puyat ako...’ Moody lang...”

Wala ba silang mga insidente ng selosan?

“Selos lang sa time. Like ako, nagseselos siya sa video games ko, gym ko,” natawa niyang sabi.

FAMILY. Tinanong namin si Vin kung tanggap na siya ng pamilya ni Sophie at vice-versa.

Base sa naging sagot niya, maaaring ang naging pagkakaintindi niya ay kung kumusta na ang pamilya niya.

Aniya, “Sobrang ayos ng pamilya. May weekly schedules kami.

“For now, may get-together kami sa November 3 at aayusin namin ang family album namin.

“Ang nag-aayos ng lahat ng ito, si Kuya [Aljur Abrenica].”

Kumusta na ang Kuya niya?

“Sa akin, he’s really happy.”

At saka isinunod ni Vin ang nakangiting pakiusap na, “Uunahan ko na kayo guys, pass muna ’ko sa kanya.”

Pero dugtong niya, “What I can say is—he’s really happy talaga. Meron siyang time sa sarili niya, sa family niya.

“Ngayon, nakikita niya ang nangyayari sa bahay niya. Sa business niya sa Batangas, part-owner sila ni Daddy, ‘di ba?”

May nagtanong kay Vin kung wala ba talaga itong oras noon?

“Wala talaga,” saad naman ni Vin.

“Sabi nga niya, ’Buti ka pa Vin, na-experience mo ang sleep over with your friends.’ Siya, hindi nakapag-prom yun. Starting 16 up to 24, araw-araw siyang may work.”

NO UPDATE ON CASE. Napag-usapan na ang balitang nagsisisi na raw si Aljur sa kanyang ginawa at gusto na raw nitong bumalik ng GMA at magtrabaho muli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nangiti namang sagot ni Vin, “Para sa akin, pass muna ’ko diyan. Para sa akin, he’s really happy. Pero, ‘eto na lang, maaayos na rin siya—soon.”

Babalik na rin siya sa GMA?

“Yun ang... well, kahit ako, wala akong alam tungkol diyan. Kahit kami.”

JAPAN TRIP. Kinumusta rin ng ilang entertainment press ang paglalakbay nilang magkapatid sa Japan.

May nagtanong kung yung pagsu-show daw nila ni Aljur sa Japan ay may “consent” ng network.

Halatang nagulat si Vin at sinabi, “Nagbakasyon lang kami. Kasama namin si Daddy.

“Sa bar kung gigimik kami, kakanta kami kasi, special request si Aljur. Nire-request lang. Ako, hindi naman ako kilala dun,” ang sabi ni Vin.

NO REGRETS FOR ALJUR. Kahit nagpauna na si Vin na “pass” muna siya sa mga tanong tungkol sa kuya niya, ang tungkol pa rin sa ginawa nito at naging desisyon na mag-file ng legal complaint laban sa GMA-7 ang patuloy na itinatanong sa kanya.

Isa raw ba si Vin sa mga nagpayo kay Aljur sa ginawang hakbang?

Natatawang sagot ni Vin, “Kasi, para sa akin, yung desisyon ni Kuya na yun, sino ba naman ako para mag-judge?

“Siya yung nandiyan sa industriya ng seven years.”

Hindi ba siya nanghihinayan para sa kapatid niya sa mga trabaho na nawala o hindi nagawa ng ilang buwan na?

“No, hindi ako nanghihinayang,” nakangiti niyang sabi.

“Alam niyo ba ngayon, ang ginagawa namin, magkatabi kaming matulog gabi-gabi?”

Dugtong pa niya, “Actually, napaka-suwerte ng nangyari sa kanya. Mag-aaral na siya, matutuloy na ang aeronautics [course] niya, finally.

“Yun ang dream talaga niya.”

Hindi na ba siya mag-aartista?

“Ang dami niya kasing ginagawa ngayon. Nag-champion pa siya sa firing. I think, passion pa rin niya yun.

“Nag-schedule kami ng singing lessons. So for me, tuloy pa rin yun.

“Kaya naman niyang pagsabay-sabayin. Superman naman ang tingin ko sa kanya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TAKING UP THE CUDGELS FOR HIS KUYA. Dahil siya ang nakakausap ng press at kahit nagpapauna na siya na kung maaari ay wala na lang tanong tungkol kay Aljur, hindi pa rin siya makaiwas.

Naaapektuhan ba si Vin na siya ang sumasagot sa ilang bagay dahil sa naging desisyon ng kapatid?

“Well, hindi naman, tanggap ko naman. Brother naman niya ko, hindi naman mawawala ‘to.

“Basta ako, I trust him. Kung anuman ang ginagawa niya, kahit na anong mangyari, susuportahan ko siya,” lahad niya.

HAPPY BEING A KAPATID. Sa huli, tinanong namin si Vin kung masaya ba siya sa nagiging takbo ng career niya simula nang manalo siya bilang Artista Academy winner.

Ayon kay Vin, “Well, simula nang manalo ko, October 27, that’s my second anniversary and so far, I’m really happy with TV5.”

Nami-miss lang daw niyang talaga ang gumawa ng mga soap opera.

Sabi niya, “Sobra kong nami-miss.

“Pero yun din naman, kung napansin niyo, nagpakalbo ko, busy rin kasi sa Batangas. Nag-aamoy akong mantika tuwing nagluluto ako.

“Every day, luto ako. Tinuturuan ko ang mga chefs. Sa gabi, doon ako nakatambay.

“Sa gabi, kahit na mag-shampoo ka na, amoy ulam ka pa rin,” natawa niyang sabi.

“Pero ang first love ko kasi before ako nag-artista—pagluluto."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN