Sophie Albert confirms relationship with Vin Abrenica; describes relationship as "sobrang happy"

Sophie Albert on her relationship with Vin Abrenica: “Hindi ko ma-explain, pero we’re very happy, we’re relaxed. Hindi kami masyadong sakal. Parang ’do your thing, I’ll do mine.’”


Nang makausap ng ilang entertainment press noon ang Artista Academy winner na si Vin Abrenica at tanungin sa totoong estado ng relasyon nila ni Sophie Albert, mabilis naman ang naging pag-amin nito na sila na sa totoong buhay.

Nakausap naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sophie sa TV5 Reliance studio noong October 30 para sa pocket presscon ng pagbibidahan nilang episode ng Wattpad Presents: Fake Fiancé na eere na simula ngayong Lunes ng gabi sa TV5.

Tinanong nga namin si Sophie kung hindi ba siya nagulat sa biglang pag-amin ni Vin sa mahigit isang taon na palang relasyon nila.

Sabi naman ni Sophie, “Hindi naman, pinag-usapan naman namin.

“Tinatanong nga ako kung bakit napagdesisyunan naming umamin.

“Ang sagot ko naman, parang I didn’t wanna lie. I just wanted to be open. Kung ganun, e, ’di ganun.

“Kung nag-break na, e, ’di nag-break na, ’di ba?”

HAPPY, RELAXED RELATIONSHIP. Mahigit isang taon na silang opisyal na may relasyon.

Kumusta ang pagiging mag-boyfriend-girlfriend nila?

“Sobrang happy,” nakangiting sabi niya.

“Hindi ko ma-explain, pero we’re very happy, we’re relaxed. Hindi kami masyadong sakal. Parang ’do your thing, I’ll do mine.’”

Napag-usapan din ba nila ni Vin kung sino ang dapat na maunang umamin?

Sabi pa niya, “Well, I talked to him. Kasi, ayoko namang ako, kapag natanong, sasabihin ko, oo. Tapos siya, hindi siya informed at sasabihin niya, ’No, we’re just friends.’

“Ay, parang na-deny naman ako nun! Kawawa naman ako. So sinabi ko, okey. Kapag ikaw, I’ll say na ako na.”

NOT COMFORTABLE WITH GUYS. Sila na ni Vin ang halos magkasama simula pa noong Artista Academy.

Bilang boyfriend, kumusta naman si Vin?


“Wala, wala akong masasabing masama about him. Actually... very close kami kasi, before I met him, [I was] not naman a man-hater, but I was ilag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Until now naman, medyo ilag ako sa mga lalaki. Hindi ako comfortable.

“Tapos, ayoko—sabi ko sa sarili ko, hindi ako magkaka-boyfriend until ready na akong magpakasal. Kapag malapit na akong mag-30.

“Tapos, na-meet ko siya,” detalye niyang kuwento.

RELATIONSHIP WON’T DISRUPT CAREER. Nakilala na rin sila bilang loveteam.

Paano kung ipareha na sila sa iba, magiging problema ba dahil sa totoong buhay ay may relasyon nga sila?

“No, before pa, napag-usapan na namin na... we wanted to be successful actors.

“We still want to achieve that. Kung ma-pair siya sa iba, walang hahadlang.

“That’s his career. And I don’t think na magiging hadlang and if ever, that’s just work lang naman,” saad pa ni Sophie.

DEPRESSED OVER CAREER SLUMP. Inamin ni Sophie na may panahong na-depress daw siya sa takbo ng career niya.

Ayon sa Artista Academy winner, “Nalungkot ako. Siyempre, walang work. I don’t like not doing anything.

“I like doing things, pero now, I’m going to school, so I’m really happy.”

MAKE-UP COURSE. Kumukuha raw si Sophie ngayon ng Make-Up course.

Nag-shift siya?

“No, diploma course siya. Parang wala siyang math, wala siya noong regular subjects. It’s just make-up and you get a diploma from New York.”

Ano ang plano niya?

“Siguro mag-make-up artist,” nakangiti niyang sagot.

Artista siya pero make-up artist din?

“I guess, yeah, kung kaya. If there’s work, there’s work. So that I have something to do,” pahayag niya.

Natatawang sinabi nito na pinagpa-praktisan din daw niya ang boyfriend at may pagmamalaki nga niyang sinabi na siya raw ang nag-make-up dito noong araw ng pocket presscon nila.

LONGEVITY IN SHOWBIZ? Sa tingin ba niya ay hindi siya magtatagal bilang artista?

Sagot niya, “I just wanna be ready for anything. If it’s forever, then thank you. If not, I should be ready with something else, ganun lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong mga panahong nalungkot siya, ano ang ginawa niya?

“Noong nalungkot ako, nag-start akong mag-wakeboard. I was out of town all the time.

“Hindi ko hinayaan ang sarili ko na sa bahay lang, walang ginagawa.

“Kasama rin si Vin minsan.

“Kaso may time, dire-diretso siyang nagwu-work, so siguro, dagdag din sa sadness ko yun kasi, si Vin araw-araw may work, araw-araw may something. Ako, nganga,” natawa niyang kuwento.

Hindi ba siya masaya sa mga nangyayari sa career niya?

“Okey naman, steady lang,” nakangiti niyang sabi.


EXPECTATIONS. Marami pa siyang gustong mangyari sa buhay niya?

“Of course, of course... I want more,” pag-amin niya.

Dugtong pa niya, “Well, malaki naman ang utang na loob ko sa TV5. Kung hindi naman dahil sa TV5, wala naman ako rito.

“So ano, I’m just waiting until they give me something.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN