Vic Sotto, Pauleen Luna treat Ryzza Mae Dizon as their "practice baby"

Larawan ng isang ‘cute family’ ang mag-sweetheart na Vic Sotto at Pauleen Luna kasama si Ryzza Mae Dizon nang kunan ng picture ng PEP ang tatlo na magkakasama pagdating ng Eat Bulaga Dabarkads dito sa HK noong Biyernes, October 31.


CAUSEWAY BAY, HONG KONG. Larawan ng isang ‘cute family’ ang mag-sweetheart na Vic Sotto at Pauleen Luna kasama si Ryzza Mae Dizon nang kunan ng picture ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tatlo na magkakasama pagdating ng Eat Bulaga Dabarkads dito sa HK noong Biyernes, October 31.

Napapagitnaan nina Bossing at Poleng si Aleng Maliit habang hawak nila ang tig-isang kamay nito.

Natatawang bulalas ni Pauleen, si Ryzza raw ang “practice baby” nila ni Bossing.

Kumbaga ay ang bagets daw ang pinagpapraktisan nila ng comedian-TV host ng kanilang magiging baby in the future.

“Kaya lang hindi na baby, ang laki na!” tawa ni Pauleen.

Ever since ay parang anak-anakan ang turing ni Bossing Vic kay Ryzza at giliw na giliw ito sa nine-year-old child sensation ng Eat Bulaga.

Si Pauleen ay malapit din ang loob kay Aleng Maliit at mayroon silang sariling friendship.

Just recently ay niyaya niya si Ryzza na mag-swimming sa bahay niya.

INSEPARABLE. Dito sa Hong Kong ay always inseparable ang sweet couple na sina Vic at Pauleen.

Noong unang gabi ay sinamahan ni Pauleen si Bossing na mag-late night shopping.

Very supportive girlfriend ang peg ni Pauleen na matiyagang naghihintay sa kanyang boyfriend habang namimili ito at nagpi-fit ng mga damit.

Kilig-kiligan ang fans ng ‘BosLeng’ (Bossing-Poleng) tandem sa post ni Pauleen sa Instagram ng picture nila ni Bossing habang magkasama sa isang street in HK na may caption na, “Making so much memories with this one.”

Pagkatapos ng bonggang Chinese dinner ng EB tropa noong second night nila rito ay spotted ng PEP ang mag-sweetheart na Vic-Pauleen na naglalakad-lakad sa kahabaan ng mataong Great George Street dito sa Causeway Bay.

Mukhang si Pauleen naman ang sinamahan ni Bossing na mag-late night shopping. Ang daming natutuwa sa tamis-tamisan moments ng dalawa rito.

Noong Sunday night, November 2, after the show ay sinamahan ni Poleng si Bossing para bumili ng isusuot nitong suit sa kasalang Dingdong Dantes-Marian Rivera, kung saan isa si Vic sa mga kinuhang ninong sa kasal nina Dingdong at Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang sabi sa amin ni Pauleen, black ang color motif ng mga lalaki sa DongYan wedding at red naman para sa mga babae.

Hindi siya ninang sa nasabing kasal, pero dadalo siya para samahan ang kanyang sweetheart.

Sa ngayon ay wala pang plano si Pauleen na magkaroon ng sarili niyang baby anytime soon.

Kaya for the meantime ay mananatili munang “practice baby” nila ng nobyo niyang si Vic ang love na love nilang si Ryzza.

Nandito sa HK sina Vic & Pauleen dahil sa live show ng Eat Bulaga! na ginanap kahapon, November 2, sa Chater Garden, Central District na dinagsa ng napakarami nating kababayan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN