Andre Paras says brother Kobe was noticed by American coaches because of his pure talent

Andre Paras talks about his brother Kobe’s decision to commit to the UCLA Bruins. "Kobe got in the team with pure talent skills talaga. Pati people are agreeing nga, e, na hindi porke’t anak ni Benjie Paras, nakapasok siya. Kasi he showed his talent talaga, e, and that’s really nice kasi nakita ng mga coaches there, yun yung maganda," he says.


Nagpakita ng suporta sa kapatid si Andre Paras para sa nakababatang kapatid na si Kobe, na kamakailan lang ay nagkaroon ng pagkakataong makapag-training para sa University of California, Los Angeles (UCLA) Bruins, isa sa mga pinakasikat na college basketball teams sa Amerika.

“He’s in the States po, he’s training and he’s studying there which is good, and he’s younger than me,” sabi ni Andre tungkol kay Kobe, nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa birthday party ni Nadine Lustre, noong October 31, sa The Glass Garden, Santolan, Pasig City.

Malaki ba ang tsansa ni Kobe na makapaglaro para sa UCLA Bruins?

Sagot ni Andre, “Maybe when he’s in college.

"Kasi, as of now, he’s at third year high school pa lang.

"He’s training na, tryouts pa lang, e.

"We’ll see pa. But as of now, yes, pasok naman."

PURE TALENT. Matatandaang nakapag-dunk ang 6’6" na si Kobe laban kay LeBron James sa Nike Witness Exhibition Show na ginanap sa Maynila noong July 2013.

Ayon pa kay Andre, napansin ng coaches sa Amerika ang talento ng kanyang kapatid at hindi dahil sa pagiging anak ng kanilang amang si Benjie Paras, dating PBA Most Valuable Player

“Well, at least, kasi in the States, they don’t know who our father is.

"Kobe got in the team with pure talent skills talaga.

"Pati people are agreeing nga, e, na hindi porke’t anak ni Benjie Paras, nakapasok siya.

"Kasi he showed his talent talaga, e, and that’s really nice kasi nakita ng mga coaches there, yun yung maganda.

"Wala talaga nasasabi mga tao dun, e."

Napansin din ni Andre na dumarami na ang sumusuporta sa kapatid niya kaysa sa bashers.

“Wala naman, e, it’s good, kasi they’re proud of him also, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi the reason why pumunta siya dun kasi, okay, States ka, pero kasi nakatanggap siya ng offer, nag-iba yung tao.

"Like, they respect him, we don’t fight back, we just wanna make it clear lang naman.

"At least now, okay sa yung mga tao," paliwanag ni Andre.

JACKIE’S GENES. Nang maitanong naman tungkol sa pahayag ng kanyang estranged mother na si Jackie Forster na sa kanyang genes galing ang pagiging “athletic” ni Kobe, naging matipid ang sagot ni Andre tungkol dito.

"I don’t wanna talk about it kasi personal lang.

“My dad is not claiming anything, he’s not posting anything, he’s just being humble.

"But whatever makes you happy...

"Kasi Dad told us, ’Just follow your happiness. If it makes people happy, then go ahead.’"



BASKETBALL AND SHOWBIZ. Si Andre ay aktibo rin sa basketball ngayon kasabay ng pagiging aktibo sa showbiz.

“I’m in San Beda Mendiola, college. I’m in active in basketball also."

Kaya pa naman daw niya ngayong pagsabayin ang showbiz, pag-aaral, at basketball.

“For me, I’m doing both, e, I can manage both.

"It’s good kasi na I have time for basketball and studies so, at least, naba-balance ko siya. I’m doing both, which is good."

May posibilidad din daw na masali siya sa susunod na season ng National Collegiate Athletic Association (NCAA)

“Hopefully next season; if not, I can still wait naman.

"I just need time to improve and it’s important for me talaga.

“As of now, I’m still working with The Half Sisters sa GMA and Sunday All Stars.

"It might be difficult but, as of now, nama-manage ko siya.

"So, yun ang kailangan, time management."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN