Iñigo Pascual reacts to dad Piolo’s bashers: "All I can say is we’re better than they think."

When did Iñigo Pascual realize just how big a star his dad is? "I never really thought about that. He’s really a very simple person, very humble. Hindi mo mapi-feel na siya si Piolo Pascual."


Bilang nag-iisang anak ni Piolo Pascual, wala na raw mahihiling pa si Iñigo Pascual sa all-out support sa kanya ngayon ng kanyang ama.

Lalung-lalo na sa kanyang bagong career bilang uprising actor at singer.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Iñigo sa presscon ng pelikulang Relaks, It’s Just Pag-Ibig ng Spring Films at Star Cinema, sa Bella Ibarra, sa Quezon City, noong October 29, buong pagmamalaki niyang inihayag ang kanyang saloobin ngayong isa na siyang ganap na artista.

Pahayag ng newbie actor, "You know, every day is a dream come true.

"Everytime I go to taping or sa shooting, parang ang cool na ako na po ang nag-a-act, ako na po ang nasa harap ng kamera.

"Kasi dati, I used to watch my dad do it.

"Kahit nung ASAP, the first time na umapak ako sa stage, sabi ko, ’Wow, it’s finally happening!’

"Kasi, every summer, I would come home, I usually watch him perform there, and then I said, ’I wanna be there someday.

"These are very memorable moments na, finally, ako na ang nandun."

Inspirasyon nga raw niya talaga ang kanyang Papa kung kaya nangarap din siyang maging isang artista.

Kailan ba niya na-realize kung gaano kalaking artista ang kanyang ama sa local showbiz?

Ayon sa 17-year-old young actor, "You know, I never really thought about that.

"Whenever I am with him, he’s really a very simple person, very humble.

"Hindi mo mapi-feel na siya si Piolo Pascual.

"Sometimes, I look at him and, ’Wow, siya pala ang dad ko, siya pala si Piolo Pascual.’

"Kung kilala mo siya, hindi mo napi-feel na superstar siya."

May panahon noon na itinago siya ni Piolo sa publiko at kailan nga lang niya inamin at ipinagmalaki na meron nga siyang anak sa dati niyang girlfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang pakiramdam niya tungkol dito?

Sabi ni Iñigo, "I think he’s just trying to protect me.

"And that’s one main reason why we went to the States.

"He wanted me to grow up like a normal kid, he wanted me to have a normal childhood, and not be sorrounded by cameras and all that.

"Kasi nga, maybe it would be bad for me growing up here and like that."



DEFENDING PIOLO.Ayon pa kay Iñigo, aware daw siya sa mga naging kontrobersiya sa kanyang ama, at dito rin nga niya ipinakita ang kanyang suporta bilang isang anak.

"My dad, you know, he’s a very quiet person, when it comes to intrigas and all that.

"The thing he did most, he stayed quiet.

"He just prays to God, and you know, he gives it all to Him na whatever is happening will all be fine.

"And yeah, I was always there for him."

Nasaktan ba siya noong binobomba ng intriga ang kanyang ama?

Tugon ni Iñigo, "Hindi naman po.

"Kasi alam ko naman na he’s strong enough to deal with all those things.

"He knows what he’s doing and he knows what he has to do.

"And he has a very strong relationship with God, and that’s it!"

Dagdag pa niya, "All I can say is yung haters at yung mga ayaw po kay Dad, all I can say is we’re better than what they think.

"We don’t have to entertain them, we don’t have to please them, [they don’t have] to like us.

"What’s important is that we’re enjoying what were doing.

"As long as we know who we are, where we stand, I think that’s what really matters.

"So, we shoudn’t make a big deal out of it, we shouldn’t think about it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



PASSIONATE.Puring-puri nga raw niya ang kanyang ama dahil sa sobrang pagmamahal nito sa trabaho, at higit sa lahat yung sobrang pagmamahal nito sa kanya.

Saad ni Iñigo, "The way he’s very passionate about his work, the way he takes care of me, I hope I will be able to do that as well.

"In life, in his work, he’s the type of person who wants to learn more and try new things all the time.

"And that’s something that inspires me a lot."

Pero may time noon na gusto na sanang mag-quit sa showbiz ni Piolo, dahil pakiramdam niya ay wala nang patutunguhan ang kanyang career.

Kung hindi nga raw naging blockbuster hit ang pelikulangStarting Over Again, kapareha si Toni Gonzaga, ay baka namuhay na ito sa Amerika.

Ano ang reaksiyon niya dito?

Sabi ni Iñigo, "I told him not to.

"Kasi I wanna still see him on TV, I wanna see him work.

"And I guess, well, I don’t know, I don’t know..."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN