Cris Villonco before her showbiz comeback: “Nalaos na ako, nawala pa ako.”

Getting her “second wind” in showbiz, Cris Villonco said: “I only think of it as blessing. ’Di pa rin ako makapaniwala na ganito pa rin ang ibinibigay sa akin at this point.” Cris plays Lorraine, the main protagonist in the GMA fantaserye Ang Lihim Ni Annasandra.


“They hate me. I’m doing my job. I’m so happy.”

Ito ang nakangiting bungad ni Cris Villonco nang banggitin sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na maraming tagasubaybay ng GMA fantaserye na Ang Lihim ni Annasandra ang naiinis sa kanyang karakter.

Nakausap ng PEP ang aktres sa Raniag Twilight Festival sa Vigan, Ilocus Sur, noong October 28.

"May mga nagsasabi pa rin na mukha akong ‘angel face,’ so I think, obviously, we’re trying to test certain things, even with makeup," pagtukoy sa pagpapaayos para magmukhang kontrabida.

“We started out looking very severe and then, all of a sudden, nagmukha na akong medyo mabait.

"Pero siyempre, may mga plano pa rin ako sa utak ko to destroy Annasandra [played by Andrea Torres].

"So, it’s been an interesting journey, kasi nga you don’t know what’s gonna happen.

"So, I am excited. I get to do different things.”

Ginagampanan ni Cris sa Ang Lihim Ni Annasandra ang role ni Lorraine, ang kauna-unaha niyang kontrabida role sa kanyang kauna-unahang teleserye.

Bakit nga ba natagalan si Cris na makagawa ng teleserye gayong matagal na siya sa show business?

Sagot niya, “It took a while because I’ve been wanting a teleserye for so long, ever since.

“Nung nakailang years na ako sa teatro, gusto ko ng teleserye, kasi I also wanna make money.

“The thing is yung stigma ng Cris Villonco fourteen years ago, na sheltered na apo ni ganito, anak ni ganyan, at kung anu-ano pang kasama dun...

"Kesyo baka spoiled brat, mahirap makasama, ganyan-ganyan, kasi people don’t really know me.

“They never really knew me and then nawala pa ako.

"Nalaos na ako, nawala pa ako."

Nakilala si Cris noong ‘90s bilang singer at apo ni Armida Siguion-Reyna at pamangkin ng direktor na si Carlos Siguion-Reyna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakasama siya sa pelikulang Ang Dalubhasa ng yumaong si Fernando Poe Jr. noong 2000.

Pansamantalang nawala sa showbiz si Cris upang pagtuunan ang kanyang pag-aaral sa U.S.

“So, pagbalik ko, siyempre I guess I also needed to prove myself na puwede akong managalog na, I could do musicals and I could do a straight play.

“And then, dun ako nakita ni Miss Redgie Magno [GMA Network Vice President for Drama Productions].

"I was the girlfriend of Robert Arevalo in [the 2014 stage play] Mga Ama, Mga Anak, ’tapos dun nila na-realize na kaya ko pala.”

“SECOND WIND.” Nabanggit ng PEP kay Cris na hindi siya nangingiming sabihing "nalaos" siya.

Paliwanag niya, “Yung nanay ko [Monique Villonco] ang nagsabi nun sa akin.

"Sabi niya, ‘Cris, laos ka na. Wala ka nang trabaho. Mag-aral ka naman.’

“So, nag-aral ako sa States. I studied Economic Development.

"Akala ko, I’m gonna be a politician."

Ano ang naramdaman niya sa sinasabing "nalaos" siya?

“Accept ko naman... masakit, ha.

“Pero stigma din ’yon. Kasi nung pumunta ako ng States, I really took up courses that had nothing to do with performance.

“Even coming back, I didn’t wanna be known, I didn’t want any of that.

"Pero now, accepted ko na, accepted ko pa.

“Pero now that I have this second wind, ngayon nilalasap ko na lahat.

"Kasi noon, balewala sa akin lahat ito; na may show ako, may SOP ako, na puwede pa akong maglagari SOP, ASAP…”

Pero dahil hindi niya pinahalagahan ang pagkakataon, hindi raw niya pinag-igihan noon.

“Pero ngayon, no way, nilalasap ko ito.”

Sa ikalawang pagkakataon ni Cris sa showbiz, hindi niya raw ito tinitingnan bilang success.

“I only think of it as blessing. ’Di pa rin ako makapaniwala na ganito pa rin ang ibinibigay sa akin at this point.”



ON HAVING A LEAD ROLE. Ngayong nabibigyan na muli siya ng project sa showbiz, pinapangarap pa ba ni Cris na magkaroon ng lead role sa isang teleserye?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “When I wanted to do a teleserye and I wanted to go back to show business, acknowledged ko rin naman matanda na rin ako. I’m 31.

"What I told myself, sinabi ko rin naman sa manager ko is that hindi ako nangangarap maging lead ulit."

Ang makilala siya bilang character actress ang hinahangad ni Cris ngayon.

“It will give me more leeway to do other things, which technically is what GMA did for me.

“If certain things come along the way and there are blessings that have come along the way now and next year, sobrang grateful ako.

“But right now, my main focus is my work and kailangan makilala ako ng mga tao as Cris, hindi as anak ni ganito, apo ni ganito.”

Sino naman kaya sa mga character actors ang gusto niyang tularan?

“There’s always Cherie [Gil] or Eula [Valdes].

"Those are the ones who stayed up there and who still have roles and who still get to do a lot of great jobs... Maricel [Soriano].

“Those are the people I look up to and I grew up with when I saw them on the films with my grandmother.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN