Karla Estrada still mourns family tragedy caused by typhoon Yolanda, "Madami sa aming namatay... yung iba, nasa mass grave."

Karla Estrada steadfast in her wont to nag son Daniel Padilla: "Araw-araw ‘yan! Kahit sabihin niyang, ‘Ma, alam ko na ’yan.’ ’Hindi, bago ‘to, anak.’ Gusto kustong nararamdaman niya na normal na tao siya.”


Aminado si Karla Estrada na hanggang ngayon, kapag binabalikan niya ang trahedyang dulot ng Super Typhoon na Yolanda ay nag-iiwan ito ng kurot sa kanyang puso.

Grabe kasi ang pinsalang ibinigay nito sa kanilang pamilya. Kaya hangga’t maaari raw ay ayaw na nilang pinag-uusapan ang pangyayaring ito na naganap noong November 8, 2013, na itinuturing na isa sa pinakamapinsalang kalamidad sa kasaysayan ng ating bansa.

“Bilang one year na ang nakaraan, six months pa lang nasa level na kami ng surviving, e.

“Hindi ko kasi kayang kalimutan, pero nandoon na kami sa, ‘Huwag na nating pag-usapan.’

"Kasi the more na inuulit-ulit, hindi nawawala,” panimulang saad ni Karla sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ginanap na presscon kamakailan para sa free thanksgiving concert sa November 7, 2014 na tinawag na Handumanan: Pasasalamat sa mga Bayani ng Haiyan.

Gaganapin ito sa Quezon City Memorial Circle sa ika-apat ng hapon onwards.

Ito’y mula sa inisyatibo nina Carlo Maceda na tubong-Leyte rin, na isa sa nasa likod ng Haiyan Disaster Governance Initiative (HDGI). Kasama dito ang rehabilitation czar na si former Senator Ping Lacson, former Tacloban City Administrator Atty. Tecson Lim, at iba pa.

Sa pagbabalik-tanaw pa ni Karla, hinding-hindi raw niya makakalimutan ang insidenteng ito na panalangin niya ay huwag na sanang maulit.

“Namatayan kami ng apat na tiyuhin at isang pamangkin.

"Maraming nalagas sa amin, madami sa aming namatay. In fact, yung iba, nasa mass grave.

“When Yolanda was devastating Tacloban at that time, nandoon iyong mother ko.

"Imadyinin mo iyong feeling na nag-news blackout, walang signal [sa cellphone].

“So that was Friday night. So noong Saturday, buong araw… wala na ako, as in talagang hindi ko na kaya.

"Kaya Sunday ng 8 a.m., bumiyahe na ako papuntang Bicol."

Dagdag pa niya, “Pero nakapag-message pa ako sa lahat ng fans ni Daniel [Padilla] na magpadala ng relief goods.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So iyong relief goods ko na dalawang truck ng Pantranco ang unang nakarating doon. Bale isinabay ko iyon sa pagdadalamhati ko.”

Ano ang masasabi niya sa project na Handumanan: Pasasalamat sa mga Bayani ng Haiyan?

“Excited ako kasi ’eto naman talaga ang gusto kong gawin, tumulong.

"Kaya lang, katulad ng sinasabi ko kanina, ang hirap ng marami akong naririnig na explanations. Hindi ko na naarok yung iba, sa dami ng iniisip ko.

“Ang palagi kong sinasabi, ‘Let me know kung anong kailangan ninyo and doon ako manggaling para makapagbigay ng tulong.’

“So, anything about Yolanda, anything about Tacloban or Region VIII, lagi akong handa.

"Kung nakakatulong tayo sa hindi natin kababayan, siyempre priority yung mga kababayan natin.

"Kasi hindi biro yung pinagdaanan nila at pinagdaanan ng buong pamilya ko.”

Kabilang si Karla sa mapapanood sa libreng thanksgiving concert sa November 7.

Ang iba pa ay ang kapwa niya Leyteño na si Kitchie Nadal, ang South Border, Imago, Banda ni Kleggy, Gracenote, Mayonnaise, Phylum and Myrus Bands, at ang international artist na si Steve Steadman.

BUILDING SCHOOLS. Nabanggit din ni Karla ang iba pang proyektong ginagawa nila para sa survivors ng Yolanda.

“Ngayon ay nagga-gather na kami ng mga school na devastated at gusto naming magbigay kami, sampu ng mga endorsements ni Daniel.

"Talagang kinakatok ko para makapagpagawa tayo ng mga classrooms.

“Walang kapalit at wala akong plano kung ano man ang gagawin natin.

"Nandito lang ako para i-share ang naging experience ko at ano ang maitutulong natin.

“Katulad noong huli naming fiesta na inuwi ko si DJ, walang hiningi kahit singkong galing sa ating government sa Tacloban.

"Sobrang nakatataba ng puso iyon na twenty five thousand people ang dumating sa grandstand ng libre, ‘no.”

Sa tingin niya, mabagal ba ang recovery o rehabilitation, lalo na sa Leyte?

“Sa rami nating naririnig na dinonate ni ganito… sa rami nating naririnig na maraming dumating na donation…. kung titingnan mo, talagang mabagal, ‘no.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero hindi ko kasi alam kung ano ang talagang plano o kung ano ang talagang nagawa ng gobyernong local or national government.

"Ayaw ko nang pumunta pa sa loob nun dahil hindi ko naman maiintindihan din kung anoman.

“So, ang ginawa ko, kung anong abot na maitutulong mo, katulad sila Mama, sabi ko, ‘Ma, ‘wag na kayo maghintay, ’wag na kayong nasa kalsada at reklamo ng reklamo.

"’Mamamatay kayo sa gutom niyan. Magpabili ka ng uling at magsaing ka. Buhayin mo yung taniman natin sa Samar para may bigasan ulit tayo.’

“So, ang nangyayari, nag-uumpisa na lang sa sarili, which is tama.

"You can’t wait and puro ka reklamo. Kasi nga, mamamatay kang dilat.

“Sa nakikita ko naman ngayon, bangon na rin ang Tacloban, e.

“Oo bongga na, bumalik na ang mga litson... yun kasi ang palatandaan sa akin e,” nakangiting saad pa ni Karla.

Natagalan daw bago bumalik ang kuryente sa lugar ng mother niya.

“Bumilang din sila ng mga pitong buwan,” maikling tugon niya.

Sabi po ng iba, nang nagkaroon ng kuryente sa kanilang lugar ay napaiyak sila dahil nasanay na sila na ganoon ang kanilang sitwasyon.

“For sure ganoon lahat, kasi hindi lang naman ‘to basta brownout, e.

"’Eto yung pagkawala ng kuryente na ang daming kinatakutan… na papasukin ka ng magnanakaw. May kasamang takot at saka hesitations, e.

“Iyong hindi ka makapanood ng palabas [TV]. ‘Di ba tayo, napakahilig natin sa TV? So, parang ako, hindi ko kaya, e.

“Well, ang nanay ko, kahit anong sabihin mo na dito siya [sa Metro Manila], hindi, e.

"Ang mga matatanda, kung saan ang probinsiya nila, hindi mo na mapapaalis yun dun.

“So nakakalungkot, wala man ako doon sa nangyari, walang makakapagsabi sa akin na wala akong karapatan magsalita tungkol doon.

“Dahil kung kaya mong mawalan at isipin na ilang pamilyang mayroong kang nandoon habang nangyayari ang Yolanda, hindi mo matatapatan yung takot ko noong panahon na yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NAGGING DANIEL. Tungkol naman kina Daniel at Kathryn Bernardo, sakaling mangyari na ang closeness nila ay umakyat sa mas mataas na level, anong magiging reaction niya?

“Okay lang yun, at least, hindi sila nagmadali. Ginawa nilang step by step ang kanilang pagkakaibigan.

"Mainam yun, mainam yun… mas maganda yung magkakilanlan muna sila.

“At mga bata pa, maaga pa para sa atin para mag-speculate. Marami pang mangyayari.

“Kaya walang problema sa akin kahit na sino ang gusto ni DJ,” nakangiting saad pa ni Karla.

Lagi ba rin niyang pinapayuhan si Daniel?

“Ay, araw-araw ‘yan!

"Hindi ako nagsasawa kahit sabihin niyang, ‘Ma, alam ko na ’yan.’

"’Hindi, bago ‘to, anak.’ Wala akong pakialam kahit mainis na siya.

"Importante na iyan, baon niya. Baon niya iyan [pangaral], hanggang pagtanda niya.

“Kahit na matulig yung tainga niya, kailangang lagi siyang paalalahanan.

"I don’t care kahit matulig ang tainga niya.

“Araw-araw ’yan, tatawagin ko siya sa kuwarto niya.

"So, at least, makikita niyo naman ‘pag kausap niyo, maayos naman ang sagot niya.

“And gusto ko ’yang nararamdaman niya na normal na tao siya.”

Tungkol naman sa bashers ni Daniel na sinasabi nilang bad boy daw pala ito?

“Oo, e, naturally… kasi mas siga rin ako, ‘no.

"Actually, ako yung totoong gangster!” nakatawang sagot ni Karla.

“Pero ako, ang sinasabi ko lagi kay DJ is to have a compassionate heart, but a brave heart.”

Iyong ibang bashers ay nagpapatutsada pa na pababa raw ang popularity ni Daniel, pero lahat ng sumisikat ng teen actor ay parating sa kanya pa rin ikinukumpara?

Tumawa muna si Karla bago sumagot.

“Ang mga bashers, kahit saan ka pumunta, maganda man ang gawin mo o hindi, mayroon iyan at hindi mawawala.

“So, puwede nilang sabihin kahit anong gusto nilang sabihin.

“Yung anak ko, hindi naman perpekto dahil wala naman talagang perpektong tao, ‘no.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta’t gagawin na lang niya, gagawin na lang namin ang trabaho nang maayos.

"Unang una, makapagpasaya sa lahat, mula sa network, fans, at saka sa mga endorsements niya.”

Pahabol pa ni Karla, “Iyong bumaba [ang popularity ni Daniel], sa tingin ko, hindi pa ngayon, e.

"Kasi mahaba-haba pa ang ano… nagkataon na pangmatagalan yung bata.”

Idinagdag pa ng ina ni Daniel na lalong dumarami ang fans ng kanyang anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN