Jennylyn Mercado bonds with ex-boyfriend Patrick Garcia’s fiancée

Wala nang namamagitang tensiyon kina Jennylyn Mercado at sa kasalukuyang fiancée ng ex-boyfriend nitong si Patrick Garcia. Sa mga naunang balita, sinabi ni Patrick na ang fiancée na si Nikka Martinez ang nag-reach out kay Jen para palagi silang magkita ng anak na si Alex Jazz.


All’s well that ends well.

Ito marahil ang nais ilarawan ng mga nakakita ng Instagram post ni Jennylyn Mercado noong November 1.

Sa post kasi ng Kapuso actress-singer, makikitang kasama niya rito si Nikka Martinez, ang fiancée ng ex-boyfriend niyang si Patrick Garcia.

Kasama ni Jennylyn ang six-year-old son niyang si Alex Jazz at ang one-year-old daughter ni Nikka na si Chealsea.

Parehong anak ni Patrick sina Alex Jazz at Chelsea.

Nakasaad sa caption: "Happy day with @nixmartinez ❤️ thanks for visiting Kuya Jazz Chelsea!😘"

Happy day with @nixmartinez ❤️ thanks for visiting Kuya Jazz Chelsea!😘

A photo posted by Jennylyn Mercado (@mercadojenny) onNov 11, 2014 at 12:19am PDT

“THANKFUL AKO NA LAHAT NASA MAAYOS NA…” Sa mga huling panayam ng 27-year-old actress/singer, sinabi nitong lahat ay okay na sa kanila ni Patrick at sa kasalukuyang fiancée nitong si Nikka.

Sabi ni Jennylyn sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last October 9, “A, okay lang. Okay na naman kami, e.

"Kung mapapansin niyo yung mga posts ko, ’di ba, sa Instagram, kami ni Nikka o yung anak ni Patrick at si Jazz, lagi silang magkasama.

“Lagi nilang dinadalaw si Jazz sa bahay, kaya happy ako, happy ako talaga.”

Read: Jennylyn Mercado on closure after breakup with Luis Manzano: “Forgive and forget na lang.”

Nauna na ring sinabi ni Patrick na wala nang problema sa pagitan ng kanyang kasalukuyang girlfriend at kay Jennylyn.

Saad niya, “It was my fiancée who approached Jen without me knowing.

“I was telling my fiancée that I have to see my son.

“I don’t want to grow old, you know, my son not knowing me.

“My son is important to me. And you know, what’s important to me is also important to her.

“So, she surprised me by contacting Jen and nagpaalam if I could see Jazz.

“Hopefully, it stays that way. I don’t want any issues or any problems na makakasira roon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You know, baby steps at a time.”

Read: Patrick Garcia wants to "make it right" with fiancée Nikka Martinez

Pabiro namang sinabi ni Jen sa isa pang panayam sa kanya na, “Baka maiyak ako… maiiyak ako sa tuwa,” sa araw ng kasal nina Patrick at Nikka.

Read: Jennylyn Mercado on Patrick Garcia’s upcoming wedding: "Baka maiyak ako… maiiyak ako sa tuwa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN