Iya Villania on returning to GMA: "It really does feel like a homecoming."

Pagkatapos ng sampung taon ay nagbabalik sa bakuran ng GMA Network ang TV host-actress na si Iya Villania. Sabi niya sa kanyang pagbabalik-Kapuso, "Iyon nga ang tinatawag nila, e, sa pagkalipat ko rito—it’s like a homecoming. Kasi nga, it’s been ten years. ’Tapos may mga iba na naging katrabaho ako noon na hanggang ngayon nandito pa rin. May mga familiar faces. That’s why I don’t feel like such a stranger, even though it


Noong Linggo, November 2, ay pormal nang nagbalik si Iya Villania bilang isang Kapuso sa pamamagitan ng musical-variety show na Sunday All Stars.

“Yes, sobrang warm nga ang pag-welcome sa akin,” masayang bungad ng dating Kapamilya star nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng Sunday All Stars.

Dagdag ni Iya, “It really does feel like a homecoming.

“Kasi iyon nga ang tinatawag nila, e, sa pagkalipat ko rito—it’s like a homecoming.

“Kasi nga, it’s been ten years.

“’Tapos may mga iba na naging katrabaho ako noon na hanggang ngayon nandito pa rin. May mga familiar faces.

“That’s why I don’t feel like such a stranger, even though it has been ten years.”

Nagsimula ang TV career ni Iya sa GMA nang maging bahagi siya ng dating youth-oriented series na Click, mula 2002 hanggang 2004.

Regular na ba siyang mapapanood sa Sunday All Stars every week?

“Balita ko, oo daw!” sabay ngiti niya. “I will be regular sa Sunday All Stars from now on.”

PRODUCTION NUMBER. Marami ang bumilib sa production number ni Iya sa show. Mas bongga at daring ba ang production numbers na gagawin niya sa mga susunod na linggo?

“Daring, pero pagkatapos ng SAS, buhay pa ba ako?” natawang biro ni Iya.

“Pero okey lang. And malay natin if I’ll be able to sing more here also.

“Dahil iyon naman talaga ang unang gusto ko when I entered showbiz. Sabi lang ni Lord, huwag muna ngayon!

“I’d love to sing and dance! Yes, I love that.”

So, hindi lang sayaw kundi may song numbers din siyang gagawin sa show?

“Pinaplano ko pa, kasi medyo nabibigla pa rin ako, e.

“And it feels like quite shocking for me na yung Sunday routine ko, naiba. Kasi ngayon, nandito na ako.”

Dating mainstay si Iya ng musical-variety program ng ABS-CBN na ASAP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Speaking of dance numbers, sino sa Kapuso stars ang gusto niyang maka-showdown sa sayawan?

"Nakaka-pressure naman!" tawa niya.

“Ito na lang, para mas madali… gusto kong maka-showdown si Christian Bautista!

“Kasi sigurado ako na mananalo ako dun! Hindi sa kantahan kundi sa sayawan!”

IYA’S HUSBAND. Sa paglipat ni Iya sa GMA, ang isa pang pinakamasaya sigurado ay ang mister niyang si Drew Arellano na isang Kapuso rin.

Reaksiyon ng TV host-actress, “Sana naman! Sana naman masaya siya.

“Kasi parang feeling yata niya, ini-stalk ko siya, e!

“Feeling ko, hindi siya masyadong natutuwa na lumipat ako. Joke lang!”

Is she looking forward na magkatrabaho rin sila ni Drew ngayong nasa iisang network na sila?

“I would love for that! Siyempre, sobrang saya nun.

“Pero sino ba naman ako para magsabi na, ‘Bigyan ninyo kami ng show!’ Hindi naman ako puwedeng maging demanding.

“Antayin na lang natin. Kung sakali na meron silang pinaplano, e, di maganda.”

Bukod sa regular appearance niya every week sa Sunday All Stars, ano pa ang ibang aabangan ngayong Kapuso na siya?

“Abangan ninyo ako sa Ortigas, parati akong tumatakbo doon!” biro na naman niya.

“Nagba-bike ako. Kaya abangan na lang ninyo ako doon at mag-hi kayo sa akin!”

Biking ang sikreto ng pananatili niyang sexy?

“Mamamatay na ako sa gym. Ibigay na ninyo sa akin!” tawa na naman niya.

Mayroon ba siyang upcoming soap sa GMA?

Sagot ni Iya, “Uhm… puwedeng comedy muna?

“Puwedeng comedy muna? Huwag munang iyak-iyak na ‘yan.

“Pero seriously, hindi ko pa alam. Hindi ko talaga alam.

“Kaya abangan na lang natin… Abangan na lang natin kung ano yung niluluto ng aking mga Kapuso para sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN