Marvin Agustin surprised by fans’ reaction to resurrection of his loveteam with Jolina Magdangal

Nilinaw ni Marvin Agustin na per project basis ang pinirmahan niyang kontrata sa ABS-CBN dahil na rin sa pagiging abala niya sa kanyang mga negosyo. Saad niya, “Honestly nga, ito rin, hindi ko rin alam kung paano ko isinaksak sa schedules ko. Pero given kasi na gusto mo yung project, gusto mo yung mga katrabaho mo, twice a week, I can do this.”


“Yung iba, may suka, yung iba may tamis!”

Ito ang natatawang biro ni Marvin Agustin nang tanungin kung ano ang reaksiyon niya pagkatapos mapanood ang video clips ng mga pinagsamahan nilang proyekto ni Jolina Magdangal sa bakuran ng ABS-CBN, sa welcome pocket presscon para sa kanila, kahapon, November 3, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Kapwa nagbabalik sa Kapamilya network sina Marvin at Jolina pagkatapos ng mahigit sampung taon.

Pero dagdag ni Marvin, “Ang saya, ang saya ng memories na yun.

“Yung iba, throwback na throwback.

“Ako, nagbabago ang hitsura ko.

“Si Jolina, nagbabago lang ang posi-posisyon ng bangs!”



TOGETHER AGAIN. Sa kanilang pagbabalik sa ABS-CBN ay magkasama muli sina Marvin at Jolina sa upcoming drama series na Flordeliza.

Ayon kay Marvin, masaya siyang si Jolina pa rin ang katambal niya.

“Very happy! Palagi ko rin naman sinasabi yun na ito ang unexpected blessing na dumating.

“Soap opera, ganda ng project, working with Jolina... parang ano pa ba ang igaganda nito?”

Isiniwalat ni Marvin na biglaan ang paggawa niya muli ng proyekto sa ABS-CBN. Nang kausapin daw siya ay nag-taping na siya agad nang sumunod na linggo.

Malaki rin daw ang kinalaman ang pagkakasama ni Jolina sa cast kaya tinanggap niya ang proyekto.

Kung nagkataong hindi pumayag si Jolina, tatanggapin pa rin ba niya ang soap?

“Tatanggihan ko… yung contract ko, may Jolina!”

Pero seryosong sabi niya, “Well, una sa lahat, nalaman ko na makakatrabaho ko siya noong sinabi sa akin.

“Kaya sabi ko, ‘Teka lang, may contract pa siya with [GMA] 7.’”

Ano ba ang pakiramdam na parang walang kamatayan ang loveteam nila?

“Ang ganda! Ang sarap!” bulalas niya.

Kahit daw ang mga fans nila dati ay biglang naging aktibo ulit at nae-excite sa pagsasama nila.

Saad ni Marvin, “Hindi namin inaasahan na ganoon yung excitement para sa kanila na magtatrabaho ulit kami together.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam namin na, okey, may matutuwa. Pero hindi namin alam na ganoon sila magkakagulo.”

Hindi na raw sila para lumevel pa sa teen loveteams ngayon.

Natatawang sabi ng 35-year-old actor, “Yung mga mommy nila, yun ang nakakapanood sa amin dati.

“At yung mga bata, rumespeto nga. Rumespeto sa mga nakatatanda.”

Pumirma ng network contract si Jolina sa ABS-CBN.

Ganun din ba ang kontrata ni Marvin ngayon sa kanyang pagbabalik-Kapamilya?

Sagot niya, “Ito lang talaga…

“Well, hindi rin naman ako makakagawa ng maraming projects. Mahirap din naman talagang pagsabayin.

“Honestly nga, ito rin, hindi ko rin alam kung paano ko isinaksak sa schedules ko.

“Pero given kasi na gusto mo yung project, gusto mo yung mga katrabaho mo, twice a week, I can do this.”



WERE THEY AN ITEM? Magkaiba naman ng sagot sina Marvin at Jolina nang tanungin kung naging opisyal na sila noon.

Sa interview ni Jolina sa The Buzz noong Linggo, November 2, sinabi nitong hindi talaga naging sila. Pero inamin niyang na-in love siya noon kay Marvin.

Read: Jolina Magdangal overwhelmed by Kapamilya welcome

Sabi naman ni Marvin, “Alam niyo, sinagot na namin ‘yan many times—naging kami po.”

Pero umapela si Jolina sa sinabi ni Marvin.

Kaya natatawang sabi ng aktor, “Ouch! Sige, dine-deny mo ako, ide-deny na rin kita!”

Pero bakit niya sinasabing naging sila dati?

“E, naging kami talaga. Sa puso ko at sa utak ko,” sagot ni Marvin.

Hindi siya nag-‘I love you’ nang personal kay Jolina? Hindi lang talaga naging opisyal?

“Oo, hindi… pero ako, inaamin ko. Ewan ko, nalilito na ako ngayon!” tawa na naman niya.

Si Marvin naman ang nagsabing sa wakas ay may kissing scene na sila ni Jolina sa proyekto nila.

“Tuwang-tuwa ako dun, finally! Basta panoorin niyo, matutuwa kayo.”

Ano yung nami-miss nila sa isa’t isa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Itong saya… itong trabaho. Alam mong trabaho, pero hindi siya pakiramdam na trabaho.”

HAPPY LIVES. Kung si Marvin ay wala pang maipakilalang girlfriend man lang niya, si Jolina naman ay sinasabing masaya sa piling ng kanyang mister na si Mark Escueta at anak nilang si Pele.

Masaya siya para kay Jolina?

Sagot ni Marvin, “Oh, yes, very happy!

“Katulad nga ng sinasabi ko kanina, yung happiness at contentment, nakikita ko sa kanya.”

Kumusta naman ang kambal niyang anak?

“Malaki na, they are nine years old now and makukulit na bata.”

Inamin ni Marvin na gusto raw mag-artista ng kanyang mga anak, pero sinasabi raw niyang mag-aral muna sila.

“Palagi namang nandiyan ang trabaho.

“Kung gusto nila, kunin nila ang trabaho ko, magpapahinga na ako, e. Sarap nun!” natawa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN