Toni Gonzaga on marrying Paul Soriano: "[We’re] heading towards that direction."

Toni Gonzaga on celebrity couples who either got engaged or getting married: “Siguro mapi-pressure kami kung pareho kaming artista, loveteam kami. Pero dahil parehong may pribado kaming buhay, I mean, known sa public na we’re together, pero yung buhay namin bilang magkarelasyon ay pribado, hindi na kami napi-pressure.”


Sa tuwing nai-interview ng entertainment press si Toni Gonzaga ay hindi nawawala ang tanong tungkol sa pagpapakasal.

Matagal na kasi ang relasyon nila ng direktor na si Paul Soriano kung kaya’t hindi maiwasang tanungin ang TV host-actress tungkol dito.

Naiinis ba si Toni tuwing may magtatanong kung kailan sila magpapakasal ni Paul?

Pag-amin ng 30-year-old Kapamilya star, “Noong una, noong first year namin ni Paul, inis na inis ako.

“’Ano ba ‘to, kami pa lang, ikakasal na agad?’

“Basta yung first year talaga, isang buong taon yun. Asar na asar ako.

“Pero tumigil sila noong ika-third, fourth, fifth… Hindi na ako masyadong tinatanong.

“Pero noong nauso ang kasalan, ‘eto na naman, tanungan na naman.”

Kahit naman si Paul ay palaging natatanong sa mga interview kung nag-propose na ba siya kay Toni at kung kailan sila ikakasal.

Napag-uusapan nila yun?

Sabi ni Toni, “Oo, natatawa kami… E, kasi, may mga future plans naman kami.

“Ang maganda nga kay Paul, hindi siya artista, hindi siya showbiz, nagiging pribado yung mga pag-uusap namin.

“Hindi na namin nakukuwento yung mga detalye, yung mga plano.”

Napag-uusapan na nila ang kasal?

“Oo, napag-uusapan na yung future talaga,” pag-amin niya.

NOTHING TO HIDE. Nitong mga nakaraang linggo ay may ilang showbiz couples na umaming engaged o kasal na pala sila, ngunit hindi lang nila agad ipinaalam sa publiko

Hindi naman sila katulad ng mga ito na engaged na pala, pero hindi lang nagsasalita?

Saad ni Toni, “Hindi ako ganun.

“Kasi, noong naging kami, noong naging siya ang boyfriend ko, talagang inamin ko.

“So, bakit ko naman ide-deny na engaged kami?

“At saka, hindi talaga. Wala nang excitement kung itinago mo.”

Hindi kaya sa 2015 ay mag-propose na sa kanya si Paul?

“Baka… ako, hindi ko na rin masabi,” maikling tugon ni Toni.

Naghihintay na lang ba siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman paghihintay, pero nakikita mo na you’re heading towards that direction.

“Hindi na paghihintay kasi alam mo naman ng doon na rin pupunta yun eventually.

“Ang dami niyo nang pinag-uusapang plano in the future, yung families niyo, okey na okey na.”

ALL READY. Kahit daw ang mga magulang ni Toni na sina Daddy Bonoy at Mommy Pinty ay nakikita niyang nakahanda na rin kung sakaling gusto na niyang lumagay sa tahimik.

“Sa tingin ko, oo.

“Palagi na silang nanghihiram ng mga pamangkin na bata.

“Nasa lola mode na sila, ganun.”

Hindi naman nagtatanong ang parents niya kung kailan sila magpapakasal ni Paul?

Sabi ni Toni, “Wala naman, palagi lang nila akong pinipilit na magpakasal.

“Hindi naman pinipilit… ‘Uy, kailan kayo pakakasal?’ Yung ganun. Pati ang mommy at daddy ni Paul.

“Kaya lang pala, kapag ganun na lahat ng tao, ‘Pakasal na kayo, pakasal na…’ Kayo naman ang, ‘Hmmm, ayoko pa nga!’

“Siguro ganoon talaga kapag the more na pinipilit. Kapag wala naman, go!”

Nakakaramdaman sila ng pressure ni Paul?

“Hindi,” tanggi ni Toni.

“Siguro mapi-pressure kami kung pareho kaming artista, loveteam kami.

“Pero dahil parehong may pribado kaming buhay, I mean, known sa public na we’re together, pero yung buhay namin bilang magkarelasyon ay pribado, hindi na kami napi-pressure.”

CAREER. Kapag ikinasal na sila ni Paul, magla-lie low ba si Toni sa kanyang showbiz career?

Tugon niya, “Baka… siyempre hindi ko pa masasagot yun sa ngayon.

“Depende sa pag-uusap namin ng asawa ko. Kung papayagan niya ba ako.”

Sa pagkakakilala niya kay Paul, posible bang limitahan siya sa mga puwede niyang gawin?

Ayon kay Toni, “Si Paul kasi ang tipo ng taong palagi ka niyang ipu-push to be the best version or yourself.

“At ano ang pangarap mo, palagi siyang nakasuporta.

“Pero katulad ng sinabi ko, iba pa rin kapag may asawa na. Baka may mabago… tingnan natin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN