Iñigo Pascual understands dad Piolo’s concerns about allowing him to enter showbiz

Iñigo Pascual on dad Piolo Pascual: “Growing up, napapanood ko lang po siya. ‘Tapos na-inspire niya po ako talaga. He’s one of the reasons why I love singing, why I love performing. Talagang na-inspire niya ako.”


Kahit visible ngayon si Iñigo Pascual sa kanyang showbiz commitment, patuloy pa rin ang kanyang pag-aaral sa isang online school.

Ito ay patunay lamang daw na sinusunod niya ang kasunduan nila ng amang si Piolo Pascual na tatapusin niya ang pag-aaral at babalik din sa normal school.

Sabi ni Iñigo sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Yung plan po namin, babalik po ako sa normal school.

“Then, yung sa boyband po, it requires me to be out of school, do home school… we really don’t support that.

“Yun po ang pinag-uusapan po namin, kasi po yung contract, long-term po talaga.

“So, we’re still deciding it, kasi malaking exposure po yun, malaking thing na maging artist sa Hollywood po.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Iñigo para sa presscon ng Relaks, It’s Just Pag-ibig last week.

CHANGE OF PLANS. Pinagtatakhan naman ng marami ang pagbabago ng desisyon ni Piolo na payagan niyang idire-diretso ni Iñigo ang pagsabak sa showbiz.

Ayon sa manager-handler ni Iñigo mula sa Star Magic, pinagtulungan daw nina Erickson Raymundo at Direk Joyce Bernal na kumbinsihin si Piolo na hindi lang paartehin sa Relaks, It’s Just Pag-ibig ang anak kundi payagan na rin itong mag-promote.

Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Direk Joyce ay sinabi nito ang naranasang hirap sa pagkumbinsi kay Piolo na payagan ang anak sa lahat ng pangangailangan sa pelikula, gaya ng promotion at pagharap nito sa isang presscon.

Pagpapatunay naman ni Iñigo, “Ang galing po talaga nina Direk Joyce at Tito Erickson mag-convince.”

Maliban sa Relaks, It’s Just Pag-ibig ay may gagawin ding pelikula si Iñigo para sa Viva Films, kung saan makakasama niya sina James Reid, Nadine Lustre, at Julia Barretto.

Paliwanag ni Iñigo, “We’re just trying to accept every opportunity coming ‘coz, you know, it’s not always gonna be there.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And since I’m doing online school, I may be able to do other things. You know, it’s things to learn”

Kung hindi siya anak ni Piolo Pascual at isa lang ordinaryong binatilyo, mapipigil ba siyang pasukin ang showbiz?

Sagot ni Iñigo, “That’s a hard question, pero siya naman po ang reason kung bakit gusto kong mag-perform, bakit gusto kong kumanta, gusto kong mag-artista.

“Growing up, napapanood ko lang po siya. ‘Tapos na-inspire niya po ako talaga.

“He’s one of the reasons why I love singing, why I love performing.

“Talagang na-inspire niya ako.”

Ano ba ang takot ng kanyang daddy at ayaw nitong pasukin ni Iñigo ang showbiz? Ito ba ay dahil baka tumigil si Iñigo sa pag-aaral o dahil ayaw nitong maranasan ng anak ang ma-expose sa intriga at kontrobersiya gaya ng kanyang mga pinagdaanan?

Saad ni Iñigo, “I think both naman po.

“He knows the life of an actor, he knows yung life being in the limelight. He knows what it’s like.

“He’s just protecting me and I’m thankful for that.

“But, you know, I wanna be able to learn from my mistakes, my own experiences, and he’s letting me do that.

“But he’s always there giving tips and advices.”

Alam ba ni Piolo kung ano ang saloobin niya?

Sabi ni Iñigo, “Opo, ever since, when I was a kid, I’ve been asking him.

"Like, every summer that I come, I always ask him, ‘Can I please do something, a commercial or something? Can I do a production in ASAP?’

“But he always say no, it’s not good.”

Nagtampo ba siya noong hindi siya pinapayagan?

“Hindi naman tampo.

“I thought, like, he doesn’t want me to do this, this is what I want.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero looking back at it now, he was just trying to protect me.

“He doesn’t want something to harm me or make me feel bad.

“It was just something to protect me.”

At what point na na-convince ang kanyang ama na pag-artistahin siya?

“Dapat po talaga after high school, yun ang deal namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN