Piolo Pascual sends his condolences to Cuneta family for the passing of Mommy Elaine

Piolo Pascual says he’s not yet sure if he will attend the wake of ex-girlfriend KC Concepcion’s grandmother, Elaine Cuneta, but sends his condolences to her family: “Of course, my condonlences go to the family. Right away, even when I told my mom about it yesterday, she told me to send some flowers para, you know, as a sign from us to offer a prayer for them.”


Ipinaabot ni Piolo Pascual ang kanyang pakikiramay sa pamilya ng ex-girlfriend na si KC Concepcion dahil sa pagpanaw ng lola nitong si Mrs. Elaine Gamboa-Cuneta.

Sabi ni Piolo, “Of course, my condolences go to the family.”

Sa ngayon, hindi pa sigurado ang Kapamilya actor kung makakapunta siya, ngunit balak nitong magpadala ng bulaklak sa burol ng ina ng Megastar na si Sharon Cuneta.

Ani Piolo, “Right away, even when I told my mom about it yesterday, she told me to send some flowers para, you know, as a sign from us to offer a prayer for them.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Piolo sa press launch ng Ayala Malls Christmas events, sa The Peninsula Hotel, sa Makati City, kanina, November 6.



PROUD FATHER. Sa kabilang banda, ipinagmamalaki man, nangingibabaw pa rin ang pag-aalala ni Piolo sa anak na si Iñigo Pascual dahil na rin sa madalas nitong nakikitang pagod ang anak dahil sa puno ang schedule nito.

Sabi ni Piolo, “You know, as much as I am proud, I’m also bothered because ever since he came back, ever since Sun Life gave him an endorsement, of course ABS-CBN came into the picture.

“He has a movie coming out next week, he’s doing an album, he’s doing corporate shows.

"He’s doing Wansapanataym with Julia [Barretto], he’s doing TV shows, he’s doing a movie with Julia.

“Parang it’s crazy, I mean, naaawa ako sa bata, kasi wala siyang tulog.

“But sabi ko, ‘This is what you wanted and now that you have a taste of it, bahala ka mag-decide.’”

Ikinatutuwa naman ni Piolo ang nakikitang commitment ng kanyang anak sa ginagawa nitong trabaho, at nakikita rin daw niya ang kanyang sarili kay Iñigo nung nagsisimula pa lang siya sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang for me, it’s the same passion that I had when I’m starting out na, ‘Ito yung gusto ko, e, so paninindigan ko ‘to kahit konting tulog.’

“But I’m happy na he’s very humble and, at the same time, wala ako naririnig na masama about him or from people that he’s worked with.

“Hindi siya… hindi mayabang, and that’s my worry lang.

“Ayoko naman din na just because I’m his father, you know.

“[He’s] very grounded.”

Pinili raw ni Piolo na hindi bumisita sa set ng kanyang anak upang maiwasan ang pagkumpara sa kanilang dalawa.

“We’ll, I don’t go to his tapings, I don’t go to his sets.

"Kasi ayokong isipin ng mga tao na, ‘Oh, he’s the son of Piolo.’

“Parang I let him be and he’s with his mom anyway.

“So, as much as possible, I stay out of it.

“Parang at least, you know, he’s more independent.

“Lalaki naman yun, so puwede iwan.”

Ano pa kaya ang dapat pagbutihin ng kanyang anak?

Sagot ni Piolo, “He’s been singing, he’s been doing a lot of shows, he’s doing workshops.

“Tagalog na lang, konting Tagalog pa.”



LAST TWO WEEKS. Samantala, ikinalulungkot naman ni Piolo ang nalalapit na pagtatapos ng kanyang primetime series sa Kapamilya network, ang Hawak Kamay, kasama sina Iza Calzado, Nikki Gil, Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, at Yesha Camille.

Dalawang linggo na lang kasi ang nalalabi bago tuluyang magtapos ang kanilang programa.

Saad ng Kapamilya star, “’Pag nagtatapos ka ng show, parang nakakalungkot.

“But, at least, there was another family that was created and, at the same time, yung mga kids, sila talaga yung mami-miss ko.”

Kahit na nalalapit na ang pagtatapos ng Hawak Kamay, ikinatuwa naman ng aktor na maraming magandang natutunan ang kanilang mga manonood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“What I like about the show is that, it taught so much values.

“So much good things about life, in general.

“And it’s the first time that I played a father, so parang nakakatuwa siya.

“But I hope after this, something different na naman ulit.

“But I’m really happy with how we’ve been. From the time na nag-start kami until mag-end kami.

"And for so many things that we were able to show for the people to learn from, ’di ba?

“That’s something good out of what they watch.”



CHRISTMAS PLANS. At dahil magkakaroon na ulit ng oras para sa kanyang pamilya, prayoridad daw ngayon ni Piolo ang makasama ang pamilya niya ngayong Pasko.

Saad ng aktor, “Well, I’m going to the States with my family.

“It’s the first time that the whole family, more than 20 of us, are going to the States.

“So, that’s always been my dream—to be in one place altogether.

“Last year, we did an Asian cruise, but this year, I made sure that my whole family is gonna be in one place—for Christmas and New Year.”

Marami raw sa kanyang pamilya ang nakatira na sa Amerika kaya naman doon niya nais salubungin ang Pasko at Bagong Taon.

Sabi ni Piolo, “Some of my family members, nandoon.

“I have nieces and nephews na doon nakatira and then, my mom is based there.

“So sabi ko, it would be nice to have everyone together in one house in [Los Angeles].

“And then, New Year’s is [Las Vegas], in another house, so I’m so excited.”

Dagdag pa niya, “I’m so excited for the kids, we’re taking them to Disneyland.

“So, it’s really for them, it’s really for the kids.

“Christmas is for the kids.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN