Robin Padilla surprised by family and friends at his birthday special on Talentadong Pinoy

Sinorpresa si Robin Padilla ng kanyang mga kapatid na sina BB Gandanghari at Rommel Padilla at kaibigang si Dennis Padilla sa kanyang birthday special sa Talentadong Pinoy.


"I am the happiest man tonight!"

Ito ang bulalas ni Robin Padilla nang sorpresahin siya ng kanyang mga kapatid na sina BB Gandanghari at Rommel Padilla at mga kaibigang sina Claudine Barretto, Dennis Padilla, at Joyce Bernal sa taping ng Talentadong Pinoy kagabi, November 5.

Ang taped episode kagabi ang magsisilbing birthday special ni Robin, na magdiriwang ng kanyang 45th birthday sa November 23.

Robin’s birthday celebration in Talentadong Pinoy will be aired on Saturday, November 22, at 7 P.M.

Pasasalamat pa ng action star-TV host, "Sa inyong lahat po na nag-surprise, maraming salamat... sa mga pamilya ko, mga kaibigan ko.”

Naisatinig ito ni Robin sa simula ng show matapos siyang handugan ng ’80s songs ng banda, sa pamumuno nina Dennis at Rommel.

Mayroong "pa-cake" for Robin na dala ang kanyang masusugid na tagahangang magkahalong mga Kristiyano at Muslim na nanood sa studio.

Ang mga cake ay iba’t iba ang greeting at edad na nakasaad para sa may birthday.

Pansin ni Robin, “Teka muna, kanina 10 years old... payag na ako, e. Naging 20, naging 30... ‘tapos kuwarenta!”

Pero may cake na nakasaad, ‘Happy 51st birthday, Robin!’ kaya sabi ng aktor, "Teka muna, forty-five lang ako, e, bakit naging 51?"



TOUCHED BY MARIEL. Ang misis ni Robin na si Mariel Rodriguez was also around to co-host the show at lalo pang bigyan ng kasiyahan ang may kaarawan.

Emosyunal si Mariel nang bumati sa asawa niya, matapos siyang pagsalitain ni Tuesday Vargas at mga kasama sa stage.

Maluha-luhang sabi ni Mariel, "Kasi baka maiyak ako, e.

"Kasi ako... lahat ng tao na part ka sa buhay nila, lahat sila super blessed talaga!

"You’re such a blessing to everyone!"

Touched by his wife’s message, hindi muna masayadong nagsalita si Robin.

"Action star ako, e, bawal umiyak!" biro niya.



SURPRISED BY BB GANDANGHARI. More or less, katulad din ng mensahe ni Mariel ang nasambit nina Claudine at Direk Joyce sa hiwalay na panayam sa kanila ng PEP, minutes before the start of the taping proper.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Claudine, "Yung wish ko kay Robin, talagang sobra-sobrang happiness, and more blessings! Kasi blessing siya sa ibang tao.

"Kami ni Utol, we’ve gone a long way already... nung bata pa ako at hindi pa nag-aartista, naging very close ako sa kanya."

Mahigpit na nagyakap sina Robin at Claudine nang magtagpo uli sila sa stage ng Talentadong Pinoy.

Aware si Robin sa pinagdadaanan ng naging kapareha niya sa pelikulang Oops, Teka Lang, Diskarte Ko ’To (2000), at napag-usapan nila ito ni Mariel during the show.

Ayon kay Robin, si Mariel ay “Claudinian” kaya hindi rin nagdalawang-isip ang aktres na mag-guest sa show at umupong isa sa mga hurado.

Ang isa pang naging hurado, si Direk Joyce, ay nagpahayag din ng kanyang wish for the birthday celebrator.

"Great films na maiko-contribute pa niya, para sa uplift ng ating movie industry."

Ilan sa mga pelikula ni Robin na idinirek ni Joyce ay ang mga sumusunod: Kailangan Ko’y Ikaw (2000), Tunay Na Tunay, Gets Mo, Gets Ko (2000), Buhay Kamao (2001), Pagdating ng Panahon (2001); at ang big winner sa Metro Manila Filmfest 2013 na 10,000 Hours.

Meanwhile, ang "prodigal sister" ni Robin na si BB Gandanghari (formerly Rustom Padilla) ay naging malaking sorpresa sa may kaarawan.

Sa unang pagkakataon ay naghandog si BB ng isang sayaw, na nagmula siya mula sa pagkakalambitin sa duyang nagmula sa itaas ng studio pababa ng stage.

Sexy dance ang handog ni BB, in colorful tanga; binubuhat siya’t iniikot-ikot ng mga kasamang dancers.

"Ang galing mo, BB!" pagpuri naman ni Robin sa kapatid matapos mapanood ang number nito.

"Pero grabe ka, paano pa tayo magkakasama, e, action star ako?

"Ang tapang mo! Pero ang galing-galing mo!"

Natuwa naman si BB sa pangyayari.

During the show, matapos siyang yakapin din ni Robin, natutuwang sabi ni BB, "I am now officially a Padilla!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Public knowledge na nagkaroon ng tampo at hindi agad natanggap ni Robin at ng mga kapatid ang pagbabagong-anyo ni Rustom, nang mag-decide itong mag-come out sa bagong pangalang BB Gandanghari.

At ang wish ni BB para kay Robin: "I said it already I’ll say it again... you are a blessed person because you give blessings to others.

"I hope you have many more birthdays to come, kasi marami pang taong naghihintay ng mga blessings mo."

Ayon din kay BB, sa hiwalay na interview ng PEP, tuloy na ang show nila nina Robin at Rommel, ang Two and a Half, na malapit nang mag-taping upang maging year-opener ng TV5.



MESSAGE FROM DAUGHTER CAMILLE. Lalo namang natuwa si Robin nang makita sa VTR ang kanyang mga anak na bumati at nagpahayag ng kanilang birthday wishes sa kanilang ama.

Kabilang dito ang ang mahiyaing si Camille Orosa, anak ni Robin sa dating aktres at model na si Leah Orosa.

Sabi ni Robin, "Sa [mga] anak ko naman... mga anak ko, siyempre may mga tampo ako sa kanila.

"Pero ngayon, wala na. Napabilib niyo ako, pati si Camille, yung panganay ko, napagsalita niyo!"

Sabi ni Camille sa ama, "Salamat po sa pagtulong niyo sa amin, sa tamang disiplina.

"I wish you and Tita Mariel the best, and I hope you guys are happy.

"Oh, I know you guys are happy! And I hope that you’re gonna last forever and ever! Yun.

"Happy, happy birthday!"

Si Camille ay isa ring model at aspiring actress.

Bukod kay Camille, ang mga iba pang anak ni Robin ay sina: Queenie, Kylie, Zhen-Zhen, at Ali (with Liezl Sicangco, now based in Australia); and a son, Mico, with actress Jobelle Salvador.



WISHES FOR HIS “INANG BAYAN” AND OTHERS. Matapos ang taping, personal ding nakausap ng PEP si Robin para sa iba pa niyang wishes at pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang aking birthday wish para sa Inang Bayan... sana ay mamulat na tayo sa katotohanan; at magising na tayo sa mga nagaganap na panloloko sa atin."

Para sa local showbiz industry, sabi ni Robin, "Sana ay mas marami pa ang gumawa ng mga pelikula.

"Katulad ng sinabi ni Direk Joyce, mga pelikulang makabuluhan. Yung makapagbibigay ng tinatawag nating kaalaman at, higit sa lahat din, tumataas yung antas ng pelikula."

Malaki ang maitutulong ni Robin sa nasabing bagay, bilang isa ring movie producer.

"E, siyempre, pero ang pisi natin, may hangganan. ’Pag di pa kumita ang Bonifacio... wala na!" birong-totoo rin ni Robin.

Kalahok sa Metro Manila Film Festival 2014 ang lead-starrer ni Robin na Bonifacio: Ang Unang Pangulo.



HAPPY TO SEE DIREK JOYCE, CLAUDINE, AND DENNIS. Masayang-masaya rin si Robin sa pagpunta nina Direk Joyce, Claudine, at Dennis.

"Si Direk Joyce, alam mo, ang pinagsamahan namin ni Direk, sa mapayapang rebolusyon, e.

"Hindi dapat mawala yun, oo. Salamat, salamat..."

As for Claudine, ani Robin, "Parang kapatid ko yun... hindi ko lang kaibigan yun. Lumaki sa akin yun, bata pa lang yun.

"Ano ‘yan... lahat ng pinag-uusapan namin ni Mariel sa kuwarto, natutuwa ako, ginawa niya ngayon."

Matagal na raw gustong mapa-guest ni Robin si Claudine sa show nila ni Mariel, para magkausap sila.

"Nang dumadaan siya sa ano [pagsubok], gustung-gusto ko siyang makita," patotoo ni Robin.

Si Dennis ay may problemang konektado rin kay Claudine, dahil anak nito si Julia Barretto kay Marjorie Barreto, Claudine’s sister.

Apparently, kay Marjorie at Julia ay at odds si Dennis, pero okay sila ni Claudine.

"Nagkakaproblema siya sa anak niya, apektado din ako," sabi ni Robin.

Hindi naman nakapunta ang anak ni Robin na si Kylie Padilla at pamangkin na si Daniel Padilla.

Si Kylie ay nakakontrata sa GMA at si Daniel naman ay sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN