Jericho Rosales challenged by required love scene with Mercedes Cabral in Red

Jericho Rosales on doing a love scene: “Iniisip kasi ng mga tao kapag love scene, parang madali lang. For us, mahirap siyang gawin kasi kailangan artistic ang paggawa mo.”


Nahirapan daw si Jericho Rosales sa ginawa niyang love scene kasama si Mercedes Cabral sa Cinema One Originals Film Festival entry na Red.

Sa press conference ng nasabing indie film kanina, November 6, natatawang ikinuwento ng Kapamilya actor, “Nahirapan ako sa love scene namin ni Mercedes.

“Wala, awkward lang kasi kapag sa love scene, so tawa lang kami nang tawa sa set.

“Lima lang kami doon, pero tawa lang kami nang tawa sa set.”

Ipinaliwanag ni Echo kung bakit hindi naging madali para sa kanya ang naturang eksena.

Aniya, “Iniisip kasi ng mga tao kapag love scene, parang madali lang.

“For us, mahirap siyang gawin, kasi kailangan artistic ang paggawa mo.

"’Tapos may love, may feeling, mainit, hindi siya perfect, like, sa mag-asawa.

“Nakakailang din kasi may nakikinig sa labas, may gustong mamboso, yung mga ganun na hindi mo naman alam.

“Yun ang isa sa mga pinakamahirap na eksena para sa akin.”

Bukod dito, nabanggit din ni Echo na nahirapan siyang gawin ang huling eksena niya sa Red.

Kuwento niya, “Yung dulo na eksena, sabi ko kay Jay [Abello, director], ito yung isa sa pinakamahirap na eksena na ginawa ko sa lahat.

“Of course, with the [Ilonggo] accent, with the emotions, iba siya, e.

“Kasi, malayo siya sa akin, so iba siya.

"Puwede ko rin sabihin na may pagka-fictional, parang hindi totoo pero totoo, sobrang unique niya na tao.

“Nahirapan ako sa end scene namin na nasa last scene namin sa pelikula.”

Ang Red ay isa sa sampung pelikulang kalahok sa 10th Cinema One Originals Film Festival, na gaganapin sa November 9-18 sa mga sinehan ng TriNoma, Glorietta, Fairview Terraces, at Greenhills Dolby Atmos Theater.



NO LIMITATIONS. Kahit kasal na, sabi ni Echo, hindi ito magiging dahilan para limitahan ang sarili sa mga gagawing proyekto.

’Tulad halimbawa ng love scene niya sa Red, ayon kay Echo, “Well, there are two things to consider.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Number one is my conviction and number two is, of course, the people na responsable ako.

“So, kapag tumanggap ako ng pelikula, ang limitation ko is kung gagawa tayo ng bagay na hindi naman angkop sa mensahe mo.

“Noong kinausap ako ni Jay, sabi niya, ’Ano ’to, bro, panglalaki. Makikita mo may violence siya, may action siya, pero may love story.’

“Kapag sinabing ganun, okay, may love scene siguro, pero nandun siya sa story.”

Paglilinaw pa ng aktor, “Ang only limitation ko is kung gagamitin mo ang isang kissing scene o love scene para lang pumunta ang mga tao sa sinehan. I’m not that kind of actor.

“I’m a messenger also, e, I’m a delivery boy, so kailangan nandun ka lang sa sinabi mo. Kapag lumabas ka doon, ’tapos na.”



KIM KNOWS EVERYTHING. Nilinaw naman ni Echo na hindi naging problema sa asawa niyang si Kim Jones ang mainit na eksena nila ni Mercedes sa pelikula.

“Kim is the most supportive wife ever!” sabi ni Jericho, na ikinasal kay Kim noong May.

Nang tanungin kung ano ang reaksiyon ni Kim tungkol dito, nagbiro ang The Legal Wife actor, “Basta sabi niya, ’Umuwi ka na ’tapos mag-love scene tayo.’

“Puwede na akong mag-joke ng ganun kasi may asawa na ako.”

Dagdag na paliwanag ni Echo, “Lahat naman, part siya ng lahat ng decision-making process sa lahat ng project na gagawin ko.

“Okay lang naman sa kanya, coming from Legal Wife.

“Alam naman niya hindi ako basta-basta gumagawa ng ganung bagay

“Alam niya ’yon, kasi bilang real life story ’to, kailangan naming ipakita.

“Of course, sana hindi na mag-love scene kasi kasal na. Pilipino pa rin, e.

“Pero ito, makikita niyo, hindi siya makatotohanan kung may iiwasan kang mga bagay.”



KIM WANTS TO BE AN INDIE ACTRESS. Noon pa man, ayon kay Echo, ipinaalam na niya ang buhay-artista sa kanyang asawang si Kim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam niya kung papaano ang budget ng indie, ang budget ng mainstream.

“Alam niya ang schedule kasi every day I talk to her about it.

“Alam niya ang pangarap ko na, one day, I want to become a director and a producer.”

Dahil daw dito, nagkaroon na rin ng interes si Kim na subukan ang pag-arte.

“Si Kim, gusto niyang mag-artista, at gusto niya sa indie. Mataas ang respeto niya sa indie.

“Gusto niya ’yon, interesado talaga siya. She likes it.”

Nagkaroon na raw ng offer kay Kim na gumawa ng indie film, subalit hindi raw ito tinanggap ng kilalang TV host dahil may iba na siyang commitment sa ibang bansa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN