Jericho Rosales on leaving Manila Genesis: “Parang ampon pa rin naman ako ng mga Valenciano.”

Jericho Rosales explains why he and wife Kim Jones do not intend to have a baby yet: "I don’t think I can right now. Our relationship right now is our baby. Kumbaga, ’yon ang inaalagaan namin."


Nananatiling tikom ang bibig ni Jericho Rosales tungkol sa pagbabalik niya sa management ng Star Magic mula sa Manila Genesis.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment reporters si Jericho sa press conference ng pagbibidahan niyang Cinema One Originals entry, ang Red, kahapon, November 6.

Sa halip na magbigay ng detalye tungkol sa kanyang pagpapalit ng management, sinabi na lamang ni Echo, “I don’t think it’s [an issue].”

Nilinaw rin niyang bagamat wala na siya sa Manila Genesis, na pinamumunuan ng asawa ni Gary Valenciano na si Angeli Pangilinan-Valenciano, “For us, family pa rin naman kami. Best friends kami ni Paolo, si Gab.

“It’s just a professional decision, pero nasa amin pa rin ang relationship.

“Parang ampon pa rin naman ako ng mga Valenciano.

“At saka may blessing naman ang pagpunta ko sa Star Magic dahil doon naman talaga ako nanggaling, parang bumalik lang ako.

“For them, the most important thing is happy ako.”

Sa kabilang banda, natutuwa rin ang aktor dahil napanatili niya ang magandang relasyon sa talent arm ng ABS-CBN na unang humawak ng kanyang showbiz career.

“Noong umalis ako, mayroon pa rin kaming relationship nina Mr. M [Johnny Manahan], Ms. Mariole [Alberto], Kuya Allan [Real], at lahat ng mga taga-Star Magic.

“So, noong bumalik ako, sobrang saya nila.

"They even welcomed my team, lahat ng mga kasama ko sa trabaho,"saad ni Echo.

Sa ngayon, si Jericho ay co-managed ng Star Magic at Cornerstone Entertainment Inc, ang talent management na namamahala sa career nina Sam Milby, Yeng Constantino, Angeline Quinto, at Erik Santos.



EXCITING PLANS AHEAD. Samantala, itinuturing ni Jericho na isang magandang taon para sa kanya ang 2014 dahil, bukod sa pagpapakasal nila ni Kim Jones, marami rin daw nangyari sa kanyang showbiz career.

“It’s a very exciting state sa buhay ko, and I wish sana hindi na matapos ang year na ’to.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kami ni Kim kasi, ang dami na naming napagdaanan, great challenges yung dumating din sa akin,” sabi ni Echo.

Ngayon taon, nakita raw ng Kapamilya actor na marami pa ang puwedeng mangyari sa kanyang showbiz career.

Pahayag niya, “This time, I just feel that the next three years will be very exciting.

“I have a five-year plan for myself. My new management, Cornerstone and Star Magic, they presented things sa akin.

“Para akong guinea pig ngayon, and we all agreed on what we’re going to do.

"We’re all very excited locally, regionally, from acting and music, with the balance I take and with the support of my wife.

"For us, everything is doing well."

Dagdag pa ni Echo tungkol sa mga posibleng mangyari sa career niya sa mga susunod na taon, “I’m not worried about that because I have a great team.

“I’ve spent time and met with people so many times.

"Naghintay talaga ako ng tamang panahon kung sino ang makakatrabaho ko.

“Nandiyan pa ang career ko, e. May future pa ang career ko, something’s happening.

“After Legal Wife’s success, I said, gumagana ang mga may lesson na story, e, nandoon ako.

“The people love it. I still feel na malayo pa. Marami pa akong magagawa.”



NO BABY YET. Ang kani-kanilang career ang isa rin sa mga dahilan kung bakit wala pang balak sina Jericho at Kim na magkaanak.

Sabi ni Echo, “I don’t think I can right now.

“Our relationship right now is our baby. Kumbaga, ’yon ang inaalagaan namin.

“I still has a lot to learn about Kim, she still has a lot to learn about me.

“We just figured out kung ano ang cultural differences namin.

"We just decided na puwede kaming magsama kasi pareho kaming sira-ulo.

“I mean, pareho kami ng direction path.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli, sabi pa niya, “Right now, there’s this big ball of excitement in my heart for what’s about to happen because the foundation is right.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN