Martin Escudero breaks silence about being replaced in Moron 5.2

"Siyempre malungkot kasi nandun ako sa Part One. Pero naniniwala ako na marami pang darating. Hindi naman pahihintulutan ng Diyos yun kung hindi dapat mangyari,” says Martin Escudero in an exclusive interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) today, November 7.


Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si Martin Escudero tungkol sa pagkakatanggal sa kanya sa pelikulang Moron 5.2 The Transformation.

Kabilang si Martin sa Moron 5 and the Crying Lady, na pinagbidahan nila nina Luis Manzano, Billy Crawford, Marvin Agustin, at DJ Durano.

Ngunit sa sequel ng naturang pelikula, ipinalit kay Martin si Matteo Guidicelli dahil sa existing contract ng huli sa Viva Films.

Aminado si Martin na nakaramdam siya ng lungkot dahil sa pagkawala niya sa pinagbidahang pelikula.

Ngunit nilinaw niyang hindi siya nagtanim ng anumang sama ng loob sa naging desisyon ng pamunuan ng Viva Films ukol dito.

“Nasabi na nila lahat. Nag-presscon sila so okay na ako dun.

“Pero siyempre, malungkot, kasi nandun ako sa Part 1.

“Pero naniniwala ako na marami pang darating.

“Hindi naman pahihintulutan ng Diyos yun kung hindi dapat mangyari,” pahayag ni Martin.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Martin sa ginanap na story conference sa pagbibidahan niyang series sa TV5, ang Wattpad Presents: Just For A While.

Ginanap ang storycon sa Studio 4 ng TV5 Reliance Center, sa Mandaluyong City, ngayong Biyernes ng tanghali, November 7.

GRATEFUL TO DIREK WENN. Sa presscon ng Moron 5.2. noong October 7, matatandaang inihayag ng direktor na si Wenn Deramas na ipinaglaban niya ang role ni Martin para sa naturang proyekto.

Ngunit sadyang kailangan umanong i-honor ang kontrata ni Matteo, kung saan nakasaad na gagawa ito ng pelikula sa ilalim ng Viva Films.

Ikinatuwa naman ni Martin na malaman ang tungkol sa pagtatanggol sa kanya ni Direk Wenn.

“Siyempre ang aking kalooban ay na kay Direk Wenn at napakabait naman talaga niya.

"Mapagmahal na direktor ‘yan. Mahal ng lahat ‘yan.

“Masaya ako na ginawa niya yun. Pero siyempre, nasa management pa rin ang huling desisyon.

"Pero napakasaya ko na ginawa pa rin niya yun," saad ng StarStruck alumnus.

Kinumpirma rin ng TV5 star na nauna nang ipinaliwanag sa kanya ni Direk Wenn kung bakit hindi siya makakasama sa Moron 5.2.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Martin, “Oo, tinawagan niya ako nun. Ikinuwento niya yung nangyari na ganun.

“Sabi ko, ‘Okey lang Direk, kung hindi mamarapatin, ‘wag na natin ipilit.

“Pero siyempre, ako na yung nag-give way para hindi na makagulo. ‘Hayaan na lang natin, Direk. Next time na lang,’” lahad ng 24-year-old actor.

Sa ngayon, umaasa si Martin na tutuparin ni Direk Wenn ang pangako nitong kasama siya sa susunod na proyekto ng box-office director.

“Sana nga. Ako naniniwala ako kay Direk.

"Kahit anong pelikula ginagawa niya, mahusay naman talaga, walang duda dun.”

MATTEO GUIDICELLI. Samantala, nilinaw rin ni Martin na wala siyang sama ng loob kay Matteo, na siyang pumalit sa role ng una sa grupong Moron 5.

Bahagyang nagulat pa ang TV5 actor nang sabihin ng PEP na nabanggit ni Matteo na minsan na silang nagkatrabaho sa GMA Network noon.

“Ay, oo! Nakalimutan ko na, ang tagal na, seven years ago. Nagkatrabaho kami sa SOP.

“Mabait yun. Tropa-tropa kami nun.

"Pero simula kasi nung nag-ABS-CBN siya, wala na kaming communication. Hindi na kami nagkita.

“Pero masaya ako na inilagay siya dun [sa Moron 5.2]. Ibig sabihin, karapat-dapat siya doon,” saad ni Martin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN