LJ Reyes on Paulo Avelino and KC Concepcion ending up together: "E, di, dalawa na kaming nanay ni Aki."

LJ Reyes is becoming a popular indie actress and she is flattered. “Ang taray! Compliment iyon for me!" she says.


Kabilang si LJ Reyes sa cast ng pelikukang Bigkis, na nagkaroon ng gala night sa ongoing Quezon City International Filmfest, sa Trinoma Mall, noong Huwebes, November 6.

Bago nagsimulang ipalabas ang pelikula ay nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si LJ.

Kinuha namin ang reaksiyon ng Kapuso actress sa balitang ipinakilala na raw ni Paulo Avelino ang anak nilang si Aki sa napapaulat na karelasyon nitong si KC Concepcion.

“Okay lang naman po kasi mukhang si KC naman po ay mahilig sa mga bata,” nakangiting sabi ni LJ.

At kung sakali man daw na magkatuluyan ang dalawa ay magiging masaya rin daw siya para kay Paulo.

“Kasi happy siya, ganyan."

Nakatawang saad pa ni LJ, “If ever man na magkatuluyan na sila talaga, e, di dalawa na kaming nanay ni Aki.

"Mayroon na akong katulong [sa pag-aalaga kay Aki].

“Mahirap yatang maging single mother, hindi ko na mahati ang katawan ko!

"Hindi, joke lang!”

Bakit kasi hindi na lang siya maghanap?

“Ha? Mauna na muna siya [Paulo]!” nakatawang sagot niya.

Ipinahayag din ni LJ na maingat talaga siya ngayon pagdating sa kanyang lovelife.

“Oo, may umaaligid naman, pero huwag na nating ipilit.

“Siyempre very careful ako.

"Ayaw ko namang magpasok sa buhay ni Aki ng tao na hindi naman ako sigurado na magtatagal."

Open naman daw siya, pero kung papasok siya sa isang relasyon, kailangan daw ay talagang deserving ang lalaki.

“Importante talaga, dapat na mamahalin niya ang anak ko. Kung hindi, wala. No deal!”

MORE MATURE. Halimbawang humingi ng advice sa kanya si KC tungkol sa pakikitungo kay Paulo, ano ang sasabihin niya?

Ayon kay LJ, “Naniniwala kasi ako na ang tao ay nagbabago.

"I’m sure, by now, iba nang tao si Pau, mas mature na siya.

"And, I think, kaya naman siyang paligayahin or kaya na ni Ms. KC na pumasok sa isang relasyon with him without asking any advice from me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dyusko, nakakahiya naman!”

Ibig bang sabihin nito, isa sa rason ng paghihiwalay nila ni Paulo ay dahil sa pagiging immature pa that time ng aktor?

Sagot ni LJ, “Hindi naman, I’m just saying na time has passed.

"I’m sure whatever we’ve gone through and whatever happened to us, nagbigay ng aral iyon sa amin pareho, hindi lang naman sa kanya."

Nakiramay na ba si LJ kay KC sa pagkamatay ng Lola Elaine nito?

“Mayroon po kaming group sa… kasi nag-bridal shower si Yanyan [Marian Rivera].

“’Tapos nandoon kami pareho sa Viber group sa bridal shower ni Yan, kaya nag-condolence na po ako sa kanya,” saad ni LJ.

INDIE ACTRESS. Hinggil naman sa pelikula nilang Bigkis, ayon kay LJ, kahit na maganda ang feedback sa performance niya rito, base sa trailer ng movie, hindi raw siya nag-e-expect ng award.

“Ay naku, hindi po ako nag-e-expect! Never po akong nag-expect.

“Iyon lang pong may magsabi ng magandang mga komento sa performance ko, masaya na po ako sa mga ganyan.

"Nakakataba na po ng puso iyon.

"Pero ang mag-expect po ako ng award, parang hindi po, e."

Sa magagandang feedback na nakukuha ko ay natutuwa na po ako. Iyon pa lang po, para na rin akong nanalo [ng award].”

Ang iba pang cast ng pelikulang ito, mula BG Production sa panulat at direksiyon ni Neal ‘Buboy’ Tanay, ay sina Mike Tan, Lauren Young, Rich Asuncion, Rosanna Roces, Enzo Pineda, Perla Bautista, Rico Barrera, at Pancho Magno.

Ito’y isang advocacy film ukol sa kahalagahan ng breastfeeding at epekto sa kabataan ng unwanted pregnancy.

FLATTERED. Parang nalilinya na siya sa mga indie, okay lang ba ito sa kanya?

“Opo, masayang-masaya po ako na nakakagawa ng indie.

"Dahil sa indie ko po nagagawa iyong mga kakaibang characters talaga, mga roles na napu-portray at yung mga kakaibang kuwento talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit nga po dito sa Bigkis, ang dami ko po talagang natutunan.

"Sa Intoy Siyokoy, sa The Janitor ay ang dami kong natutunan.

“Talagang iba po ang pakiramdam, hindi lang dahil na-portray mo ang isang role, ganyan.

“Iyong istorya mismo na ginagawa ng mga writer, ng mga director.

"Ang dami po nilang naiko-contribute sa knowledge ko ngayon as an actor, as a person, as an individual, as a civilian. So, yun.”

Kapag sinasabing pang-indie si LJ, ano ang reaksiyon niya?

“Ang taray! Compliment iyon for me!

"Kasi mahirap talaga yung ginagawa namin.

“First of all, iyong story ay mabigat. Second, iyong challenge sa budget.

"Kasi kung kaunti ang budget ay mas marami kaming kinukunan na eksena sa isang araw.

“Iba-iba ang emosyon namin sa isang araw, so para na kaming baliw!

“I’m very proud po na maging indie actress.”

Nagpa-sexy na si LJ sa FHM. Kung may magandang project talaga na super-daring at kailangang magpakita ng flesh, gagawin niya?

“Magwo-workout lang muna po ako, wait lang! Hindi, joke lang!” pabirong sagot ng Kapuso actress sabay tawa.

Patuloy pa niya, “Never naman po talaga akong nagsara ng pinto ko sa kahit anong project.

"Lagi ko pong sinasabi na basta maganda talaga ang istorya, gagawin ko po iyan.

“Hindi naman po ako gagawa… kunwari mayroon pong eksena na maghuhubad ako, ’tapos wala naman pong sense iyon.

“I’m sure, kung sakaling gagawa man ako ng ganoon, iyong talagang may kabuluhan kung bakit ko gagawin iyon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN