Daniel Padilla on his charity efforts: “Kapag tumutulong ka, hindi mo naman kailangan ng award, ’di ba?”

Daniel Padilla on keeping his charity efforts low-key: “Masaya kasi... actually, nung una naman, hindi naman namin inano yun para mapansin. Hindi naman yun ang mahalaga. Pero kapag binigyan ka, parang mas lalong ang sarap tumulong, ’di ba?”


Binigyan ng natatanging parangal si Daniel Padilla bilang isang "Bayani ng Haiyan" sa Handumanan: Pasasalamat Sa Mga Bayani ng Haiyan free concert, sa Quezon City Memorial Circle, kagabi, November 7.

Ito ay iginawad sa kanya ng Haiyan Disaster Governance Initiative sa pangunguna ng film producer-actor na si Carlo Maceda, na siyang tumatayong communications director ng nasabing organisasyon.

Matatandaang sa kasagsagan ng pagbibigay-tulong sa mga naging biktima ng supertyphoon Haiyan, na mas kilala bilang supertyphoon Yolanda, isa si Daniel sa mga artista na nagpadala ng donasyon at naghandog pa ng free concert para sa pamilya ng mga nasawi sa Tacloban.

Katuwang niya rito ang kanyang ina, ang aktres na si Karla Estrada, na tumanggap din ng parehong parangal kagabi.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at niba pang miyembro ng media si Daniel matapos niyang tanggapin ang pagkilala sa kanyang naging kontribusyon, hindi masidlan ang katuwaan niya habang pinag-uusapan ang tungkol dito.

Pahayag ng Kapamilya teen actor, “Siyempre, maraming-maraming salamat sa award na ibinigay po sa amin ni Mama.

“Maraming-maraming salamat na yung tumutulong ka at may award ka rin.

“Siyempre, yung free concert na ginawa namin sa Tacloban kamakailan lang, para mapasaya namin ang mga tao.

“Pero si Mama... siya talaga yung ano kasi, pumunta siya roon, nagpa-feeding siya roon.”

Ano ang pakiramdam na yung pagod at suporta niya ay nabibigyan ng recognition, kahit sabihin na ngang hindi naman talaga siya naghihintay ng kapalit?

Saad ni Daniel, “Masaya kasi... actually, nung una naman, hindi naman namin inano yun para mapansin.

“Kapag tumutulong ka, hindi mo naman kailangan ng award, ’di ba?

“Hindi naman yun ang mahalaga.

“Pero kapag binigyan ka, parang mas lalong ang sarap tumulong, ’di ba?

“Yun yung panalo, parang mas gusto ko ng award parati,” pagbibiro na niya.

Panata na raw niya ito sa kanyang sarili na hangga’t kaya niya ay patuloy niyang gagawin hindi lamang sa mga biktima ng Yolanda, kundi kahit sino na nangangailangan ng pagtulong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Giit niya, “Hangga’t meron akong maitutulong, gagawin ko.

“Tumira rin kasi ako ng isang taon sa Tacloban, nag-aral ako dun [Grade 4], so yung isang taon, matagal din yun.

“Talagang naramdaman ko yung pagsalanta ng bagyong yun, nakakalungkot.

“Pero hindi tayo kailangang malungkot habambuhay, ’di ba?

“Kailangan din nating gumalaw, na bumalik sa dati.

“Kaya ako, masaya talaga ako na nakatulong ako sa kanila at napasaya ko sila.”

MOM’S BIRTHDAY. Samantala, nalalapit na ang birthday ng kanyang inang si Karla. Sa November 21 ang araw ng kapanganakan ng singer-actress.

Ano ang plano niyang iregalo sa 40th birthday ng kanyang ina?

Natatawang biro ni Daniel, “Hindi ko na kailangang regaluhan ’yan, baka humingi pa ’yan.

“Joke lang, ’di ano... siyempre surprise.

“Ang alam ko, may pa-concert ’yan, e.”

TRAVELLING WITH KATHRYN. Pagkatapos nito ay nabaling ang usapan tungkol sa kanilang dalawa ng kanyang ka-loveteam na si Kathryn Bernardo.

Kagagaling lang nila sa Canada at USA para sa isang series of shows, kung kaya kinumusta namin ang pagsasama nila sa ibang bansa.

Muling pagbibiro ng on- and off-screen partner ni Kathryn, “Sabi ko na nga ba, mapupunta roon ang usapan.

“Okey! Masaya kami, actually, hindi siya nakakapagod, yung kalaban talaga namin ay yung puyat.

“Masaya kasi ang dami na naming napuntahang lugar.”

Marami bang memorable experiences silang dalawa?

“Marami... isang buwan mo ba namang makasama, ’di ba?

“Like, yung pagpunta namin sa Niagara Falls, isa sa pinasikat sa bansa nila [Canada].

“’Tapos, yung pumunta kami sa San Francisco, sa Golden Gate, talagang super-saya.”

Ibig bang sabihin nito ay mas lumalim ang kanilang samahan lalo na’t walang nakabantay sa kanilang dalawa?

Natatawang pagbibiro muli ni Daniel, “Walang bantay, andun yung nanay!

“Basta, nag-enjoy lang kami.

“At saka, masaya nga kami na nakapagbakasyon kami slash nakapagtrabaho.

“Sa aming dalawa, okey na yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN