Elmo Magalona on his first topless scene for TV: “Pinaghandaan ko po talaga.“

Elmo Magalona narrates how he primed himself up for his first daring scene for new teleserye: “Pinaalam nila talaga sa akin na sa unang labas ko, kailangan kong magpakita ng body, na topless ako. So, ’yon, naghanda ako for two weeks bago ko gawin yung eksenang yun.”


May pressure bang nararamdaman si Elmo Magalona kapag sinasabing isa siya sa mga prinsipe ng GMA Network?

Tugon niya, “Well, ako natutuwa ako, kasi first time kong marinig ’yan. First time kong marinig na may title.”

Pero alam ni Elmo na may pressure ito on his part, lalo na pagdating sa expectations sa kanya ng publiko at ng TV network na kinabibilangan niya.

“Ako, hindi ko na lang iniisip masyado kasi ang dami ko pang hindi nararanasan and mga dapat ko pang maranasan before ako makapag-deliver.

“Pero kung ano po yung ibigay sa akin, yun yung... I’m willing to give my best and give my all para magawa ko yun,” saad niya.

THANKFUL TO GMA. Hiningan namin ng komento si Elmo sa naging isyu ni Aljur Abrenica sa GMA.

Bago ang paghahain ng reklamo ni Aljur sa Kapuso network ay isa rin si Aljur sa mga prinsipe ng naturang istasyon.

Si Elmo, gaano siya kasaya at ka-satisfied sa pag-aalaga sa kanya ng GMA?

“Well, ako, I’m really happy because sobrang bilis ng follow-up namin ni Janine.

"And ako, I just wanna do my best.

“Na parang kung ano yung responsibility na ibinibigay nila [ng GMA] sa akin, I want to be able to embrace that,” sabi niya.

Dream role ni Elmo ang isang action project, na maaaring isang superhero project.

“Any action basta yung... siguro kahit superhero.”

Willing daw siyang magsuot ng super-tight costume na magpapakita ng hugis at sukat ng katawan niya.

“Oo, kakayanin ko yun, kakayanin ko yun!”

TOPLESS SCENE. First time naghubad ni Elmo sa telebisyon sa isang eksena sa More Than Words, ang bagong teleserye nila ni Janine, kung saan may eksenang nagtanggal siya ng pang-itaas.

Pinaghandaan niya raw iyon.

Kuwento ni Elmo, “Nagtanong naman sila kung puwede ako and I said, ‘Oo, kaya ko naman.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pinaghandaan ko po talaga. Weeks!

"Pinaalam nila talaga sa akin na sa unang labas ko, kailangan kong magpakita ng body, na topless ako.

“So, ’yon, naghanda ako for two weeks bago ko gawin yung eksenang yun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Elmo sa presscon ng upcoming light-hearted drama series ng GMA na More Than Words noong October 28, sa GMA Network Center.

Ipapalabas na ito sa November 17 pagkatapos ng 24 Oras.

WORKING WITH JANINE. Tinanong naman namin si Elmo kung ano ang kaibahan na katrabaho ang kanyang girlfriend.

Hindi pa kasi sila magkarelasyon ni Janine noong ginagawa nila ang Villa Quintana.

Tugon niya, “It’s really different. Parang mas masaya!

"Kasi ilagay mo yung time mo sa work mo, ’tapos kasama mo pa yung taong gusto mong makita araw-araw.

“Ayun, so parang bonus. It’s a bonus na sa work pa kami nagkikita madalas. Ayun!”

Sa tingin ba ni Elmo ay si Janine na ang nais niyang mapangasawa in the future?

Nang si Janine ang tanungin namin tungkol dito ay sinabi ng dalaga na, “Wala pa po akong iniisip na ganun siyempre.

“Focused lang talaga kami sa ngayon at masaya kami na nag-e-enjoy kami ngayon, masaya kami na may trabaho kami together, so iyon.

“Siyempre ayaw naming pangunahan ang mga bagay-bagay.”

Sinang-ayunan ito ni Elmo.

Sabi niya, “Opo, focused naman po talaga sa trabaho and I think it’s too early and, iyon, ini-enjoy namin yung time namin together.”

Samantala, sa mga panayam kay Lauren Young na napabalitang karelasyon dati ni Elmo, ay magaganda ang mga sinasabi nito tungkol kay Janine.

“I’m happy to hear that,” reaksiyon naman ni Elmo.

Wala pa raw plano sina Elmo at Janine kung paano nila ise-celebrate ang Pasko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN