Ai-Ai delas Alas on 30-year age gap with boyfriend Gerald Sibayan: "Ang pag-ibig naman, wala ‘yan sa edad, e."

Ayaw magpakuha nina Ai-Ai delas Alas at Gerald Sibayan ng larawang magkasama sila sa event na inorganisa ng komedyana. Kaya panakaw na lang na mga larawan ang nakuha ng media na dumalo sa event.


Kitang-kita ang pagiging sweet-an ng magkarelasyong Ai-Ai delas Alas at Gerald Sibayan sa ginanap na Ai-Ai 1st Badminton Cup ngayong araw, November 8, sa Asuncion Badminton Center, San Juan City.

(In photo: Ai-Ai, Gerald, Sancho delas Alas, and Dennis Padilla; Photo credit: Noel Orsal)

Nilinaw ni Ai-Ai na bago pa man niya nakilala ang 20-year-old boyfriend, na miyembro noon ng national badminton team, marunong na talaga siyang maglaro ng sport na ito.

(Photo by Noel Orsal)

Pero inspired naman daw ang magsi-celebrate ng kanyang ika-50 na kaarawan sa darating na Lunes, November 10.

Nakangiti nitong saad, “Alam niyo na naman yun, pero huwag niyo nang tanungin.

“Pero in fairness naman sa akin, bago ko siya nakilala, marunong naman akong maglaro ng badminton.”

Unang umamin si Gerald sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na sila na nga ni Ai-Ai noong September 15, 2014.

Read: FIRST READ ON PEP. La Salle badminton player Gerald Sibayan confirms relationship with Ai-Ai delas Alas


WANTS LOVELIFE TO REMAIN PRIVATE. Inusisa ng PEP at ilan pang media si Ai-Ai kung kailan nga ba niya ipakikilala nang pormal sa publiko at press ang kanyang nobyo.

Sa event kanina, ayaw magpakuha ang dalawa na magkasama kaya panakaw lang lahat ng kuha sa kanila.

(Photo by Noel Orsal)

Ngunit ayon kay Ai-Ai, “A, hindi na, okay na yung ganun. Wala nang ganun, wala nang official.”

Nasa harap lang ni Ai-Ai si Gerald habang ini-interview siya, pero natatawang sabi ng komedyana, “Hayaan mo na siya. Pabayaan niyo na siya, patahimikin na natin ang buhay niya.”

Bakit ayaw niyang ipakilala sa publiko ang kanyang boyfriend?

Sabi nito, “Okay na yun. Hindi dahil sa hindi ko siya mahal, ayoko na lang na masyadong maingay ang lovelife ko, dahil nadala na ako dati, e.

“Masyadong open yung lovelife ko sa tao, sa buong Pilipinas, sa buong mundo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, nung merong nangyaring hindi maganda, alam mo yung malungkot din naman, wala namang may gustong maging hindi maganda ang lovelife mo.

“So, ngayon, mas maganda yung tahimik, mas may mystery naman, at ’tsaka huwag na lang.

"Siguro kasi naman, private na buhay ko naman ‘to.

"Kung noon, inilahad ko sa inyo yung buhay ko, ngayon siguro meron naman akong itago para sa sarili ko."

RECOVERY FROM HEARTACHES. Sa ngayon ba, pakiramdam niya ay natanggal na ang lahat ng sakit na idinulot ng relasyon niya sa dating asawang si Jed Salang?

Sagot ni Ai-Ai, “Hindi naman nawawala yung phobia, e, siyempre may fear.

"Pero kasi mabait naman siya [Gerald], so parang lahat, nabawi na niya lahat ng mga ano, kamalasan ko sa pag-ibig.”

Pero hindi pa raw sumasagi sa isip ni Ai-Ai na muling magpakasal.

“Wala na muna, wala na munang ganun. I-enjoy lang muna natin ang buhay natin.”

Kuntento na raw si Ai-Ai sa kanyang buhay ngayon.

“Oo, happy naman ako. And happy naman ako sa life ko, mas happy lang kasi nandiyan siya,” pagtukoy niya sa nobyo.

Napansin ng media na maiiksi ang sagot at halos umiiwas si Ai-Ai na pag-usapan si Gerald.

Kaya naman naglambing kami ng tanong kung paano nagtagpo ang frame of reference nila dahil sa 30-year age gap sa kanilang edad.

Seryosong sagot ni Ai-Ai, “Ang pag-ibig naman, wala ‘yan sa edad, e.

"Dumating siya sa buhay ko ng… siguro ibinigay siya sa akin kasi hindi ko naman ini-expect yun e.

“Yun yung time na ayoko na talagang mag-boyfriend.

"Pero nung dumating siya, may mga bagay pala na, ‘A, may mga mababait palang lalaki talaga.’

“Or, ‘Meron pala talagang lalaking para sa iyo.’

"Siguro, yun ’yon."

Ipinagdasal ba niya si Gerald?

Ayon kay Ai-Ai, “Hindi siya in particular, pero nagdasal ako na, ‘Sana po ganito sa susunod yung ibigay Niyo po sa akin.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And almost yun naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN