Mikael Daez remains evasive about real score with Megan Young: “I shall not deny and I shall not admit!"

Mikael Daez continues to puzzle showbiz watchers about his relationship with Miss World 2013 Megan Young. Although he hasn’t admitted anything, he stresses, “Ako hindi naman ako nagtatago, e.”


Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Mikael Daez sa taping ng Ang Lihim ni Annasandra noong Biyernes, November 7, sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center sa Quezon City, tinanong namin siya na kung halimbawa, sa tunay na buhay ay nalaman niyang nagiging awok o baboy-damo ang girlfriend niya tuwing gabi, ano ang gagawin niya? Iiwanan ba niya ito?

Sa Ang Lihim ni Annasandra kasi ay kasintahan ni Mikael (bilang si William) si Annasandra (na ginagampanan naman ni Andrea Torres) na nagiging awok pag gabi.

“Teka lang, ha? Pag ini-imagine ko, William yung character ko, e. Kailangan Mikael.

“So, puwede na lang akong magkaroon ng different girlfriend ’pag gabi,” at tumawa nang malakas si Mikael.

MARIAN-DINGDONG WEDDING. Samantala, tinanong namin si Mikael kung ano ang masasabi niya na ikakasal na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Si Marian ang pinaka-unang leading lady ni Mikael simula nang pumasok siya sa showbiz; ito ay sa Spooky Nights.

Pagkatapos nito ay muli silang nagkasama sa Amaya, sa My Beloved at sa Temptation Island.

Masaya niyang saad, “Tuwang-tuwa ako! You know, hindi ko alam kung naaalala n’yo pero yung time na nagtatrabaho kasi kami ni Yanyan sa Temptation Island, sa Spooky Nights, sa Amaya, sa My Beloved, wala akong masabing masama sa kanya.

“I always had positive things to say kasi siya yung nagturo sa akin how to be professional, she’s the one who showed me the ropes.

“Para sa akin, mas naging kumportable ako sa industriya dahil sa kanya because very welcoming siya sa akin noon.

“So dahil dun I guess, nagkuwentuhan na rin kami, so natutuwa naman ako na sila ni Dong ang nagkatuluyan.

“So ako I’m very, very happy for her. Nakakatuwa dahil nakita ko siya sa Ismol Family, nag-guest siya.

“Nakita ko siya doon, I said ’Hi,’ I congratulated her, it’s the first time na nakausap ko talaga siya ulit after a really long time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And tuwang-tuwa ako para sa kanya.”

WEDDING PLANS? Speaking of kasalan, si Mikael ay walang ideal age para lumagay sa tahimik.

Sabi niya, “Akala ko dapat two years ago nagpakasal na ako.

“When I was in college, ha?”

Pero ngayon ay nagbago na ang pananaw ni Mikael, at iba na ang priority niya.

Aniya, “Siyempre work. Naiiba ’yan.”

Magpapayaman muna yata siya nang husto.

“Ah hindi,” at natawa si Mikael.

“Kasama na yun.

“And then ang dami ko nang nakausap, kinukuwento nila na halos lahat ng tao, may age sila na gustong magpakasal.

“Pero never nangyayari. Most of the time, hindi nangyayari yun.

“So ako, parang yung sinabi nila sa akin is ’pag nalampasan mo na, huwag ka nang mag-set ng bago. Kasi wala e, hindi masusunod yung ganun, e.

“So dapat go with the flow, pakiramdaman mo lang.

“And right now, parang, bahala na. Bahala na.

“Right now obvious naman na work ang focus ko,” pahayag niya.

Ayaw na niyang mag-asawa?

Paliwanag niya, “Hindi naman sa ayaw ko, gusto ko pa rin kaya sabi ko nga two years ago gusto ko nga sanang magpakasal.

“Pero siyempre it isn’t the priority, e. Iba yung want mo sa priority mo, e. So yung priority ko talaga ngayon is work.

“Siyempre parang, puwede ka namang magpakasal kahit 60 years old ka, pero yung work na ganito, at this age mo lang nagagawa yung work na ganito, e.”

ON MEGAN RELINQUISHING HER CROWN. Ano ang nararamdaman niya na matatapos na ang reign ni Megan Young bilang Miss World?

“I’m happy for her, I’m proud of her. I think she did well as our first Miss World,” pagmamalaki niya.

Pero extended ang mga obligasyon at charity works ni Megan para sa Miss World organization.

“Yeah, well that’s good for her,” dagdag pa ng Kapuso hunk.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CRYPTIC ADMISSION. Ngayong patapos na ang reign ni Megan bilang Miss World, maaari na kaya silang lumantad bilang magkasintahan?

Pakli niya, “Ako hindi naman ako nagtatago, e.”

At for the first time ay hindi na nag-deny si Mikael na may relasyon nga sila ni Megan.

“I shall not deny and I shall not admit!

“In fairness naman, nag-step up na ako ha,” at tumawa si Mikael.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN