Jaya loses her unborn baby after undergoing operation

Hindi raw alam ni Jaya na nung sumailalim siya sa operasyon upang tanggalin ang kanyang gallbladder ay mawawala rin ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Kaya aniya, "Parang I made a deal with God na kung hindi magwu-work yung baby, kunin na lang Niya at this early stage kesa naman mabuhay siya ‘tapos maraming damage."


Nag-celebrate si Jaya ng kanyang 25th anniversary sa showbiz noong Linggo, November 9, sa Sunday All Stars.

Pero sa likod ng nararamdaman niyang saya kaugnay ng mga naging achievements niya as an artist sa nakalipas na mga panahon, hindi niya naiwasang maging emosyunal din.

Ito’y dahil sa pagkawala ng sanggol na kanyang ipinagbubuntis.

Ito ang naging resulta matapos siyang sumailalim sa operasyon kung saan tinanggal ang kanyang gallbladder.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng crew ng Startalk, “Hindi talaga dapat gagawin ng procedure. Pero hindi rin puwedeng hindi gawin yung procedure.

“So, parang I made a deal with God na kung hindi magwu-work yung baby, kunin na lang Niya at this early stage kesa naman mabuhay siya ‘tapos maraming damage.

“Na may brain ganyan o may spinal... ganun.

“So, sabi ko, kunin na Niya lang kung hindi naman niya [her baby] kakayanin yung mga gamot at anaesthesia,” pagtukoy ni Jaya sa mga gamot na kinailangan nang tanggalan siya ng gallbladder.

“Sa madaling-salita, last Thursday, nung tsinek yung baby, wala na siyang buhay.

“So, nag-decide kami agad dahil may Sunday All Stars, may concert, may… ang dami kong trabaho.

“Hindi ko rin napansin na wala na pala siya. So, agad-agad, kailangan siyang tanggalin.

“So, nag-undergo ako nung process ng pagtanggal ng fetus.

“Okey naman, walang kaproblema-problema yung procedure."

Dagdag niya, “But I just want to explain nga kanina sa Sunday All Stars kasi parang marami kasing nagtatanong na nakasaksi sa Instagram at saka sa Facebook.

“Para hindi na lang… kasi ang akala ng mga tao, kunyari lang. Or iba yung namatay.

“Sabagay, yung iba nga, ang akala, nanay ko [Elizabeth Ramsey]. Hindi po, buhay na buhay po si Madir!

“Ang sa akin lang, I wanted to explain it para sa akin mismo manggaling. So, ‘yon lang.”

IT STILL HURTS. Pero bilang ina, kahit fetus pa lang ang nawala sa sinapupunan niya, masakit pa rin daw para sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, nasa three months na siya.

“Masakit kasi parang ang unang bugso na papasok sa isip mo, kasalanan mo. Kasalanan ko, ‘di ba?

“But, you know, may mga rason nga pala talaga. Sa buhay, may mga pangyayari.

“Biruin mo, nakadalawang pagbubuntis ako before.

“Nagtrabaho ako, nag-All Star K, nag-concert, nag-recording… buong-buo sila.

“At this point, ang daming nangyari na hindi rin pala siya puwedeng mabuhay.

“Ang akin lang is… natanggap ko naman ‘yon agad. I just didn’t expect it na mangyari.

“Pero ganun talaga ang buhay. Madali ko naman siyang natanggap actually.”

SUPPORT FROM HER HUSBAND. Malaking bagay raw para kay Jaya ang suporta ng kanyang pamilya, lalo ng kanyang mister na si Gary Gotidoc na lagi lang nasa tabi niya.

“Ay, oo, maagapay. The best husband talaga siya!

“Of course, actually nakakaantig ng puso. Marami akong hindi nabanggit kanina.

“From my manager, si Maristel [Fernandez] na agad-agad nasa… lahat ng… sina Perry Lansigan, sina Regine [Velasquez], sina Ogie (Alcasid).

“Ang dami… basta ang daming tumawag.

“May mga nag-text. Ang daming nagparamdam ng care.

“Kasi ang akala nila, talagang sabog-sabog na ako.

“Pero actually, nung Thursday, nung ginawa ang procedure ng pagtanggal nung fetus, okey na ako.

“Tanggap ko. Ano na… klarong-klaro na ‘yon na okey lang.

“And then, my husband was really the one who explained it better.

“Mayroon siyang naipaliwanag sa akin na, oo nga naman, na tama nga naman.

“Siya talaga yung voice of reason. Siya yung liwanag ko sa dilim.

“So, Gary, parang you’re the solid foundation who have really helped me every time something is wrong with me.

“Ako yung laging lumalambot, siya yung nagpapatigas. Salamat!

“And of course, to all my friends, sa manager ko, sa GMA, sa lahat ng mga artist dito sa Sunday All Stars at sa lahat ng staff, sa lahat-lahat talaga, salamat, salamat, salamat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi ang gaan lang ng dating.”

NOT ANYMORE. Posible pa rin naman siyang magbuntis ulit, ‘di ba?

“Ayoko na!” sabay ngiti ni Jaya.

Pero masasabi nga ba niyang ayaw niya? Minsan ay basta na lang dumarating, nandiyan na kahit hindi inaasahan.

“Puwede naman ‘yon, di ba?” i-prevent na magbuntis ang ibig niyang sabihin.

“E, ako, ha… forty-four na ako.

“Hindi ko na ‘yan pinangarap na maging nanay ng teenager at the age of 60 o 65. Senior na ako!” tawa pa niya.

“So, mahirap, ’di ba? Pero kung ibibigay, let’s go.

“Pero sa nakita kong nangyari, feeling ko, it was just something… parang lesson siya. It’s a major lesson in a positive light.

“Hindi siya lesson na ginagabaan ka, kinakarma ka. I don’t think God is that mean, ano?

“Everything has a reason. And every time may nangyayari sa atin, lalo akong nagpapasalamat.

“Kasi feeling ko, laging blessing. Kahit masama ang nangyayari o masakit, it’s really just a blessing in disguise, ‘di ba?”

Paano yung dalawang anak niya?

“Alam na nila. Ready na sila sa mga tasks nila, kung ano’ng gagawin nila bilang ate at kuya.

“Nung nawala ang worry lang nila, ‘Hindi na ako kuya? Hindi na ako ate?’

“Ganun lang kakaswal.

“And then after a few days, saka sila, ‘Are you sad, Mom? Are you okay?’

“Caring talaga sila, very caring.

“Kaya sabi ko, ‘Wow, suwerte ko rin!’ Kasi yung mga anak ko, maliliit pa lang, pero may puso na.”

Pagkatapos ba nito ay wala nang anumang matinding problema o pagsubok na hindi niya kayang tawirin at lagpasan?

Sabi ni Jaya, “Kaya naman lahat, e. Nasa utak mo lang ‘yan na hindi mo kaya.

“Kaya ‘yan. Super!

“Noon nga, ‘no, kinaya kong magutom, kinaya kong mawalan ng tahanan, kinaya ko na lahat, lahat-lahat-lahat.

“Ito… ano, mahirap siyempre. Mahal mo, e, kahit hindi mo naman nakita or nakilala, mahal mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dahil nasa katawan mo ‘yon, e.

“But there’s nothing that Jesus can’t give me na I can’t handle.

“Because He takes it, e. It’s His yolk, not mine.

“So, okey na okey naman ako dun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN