Zsa Zsa Padilla clarifies wedding date rumors

Zsa Zsa Padilla on boyfriend Conrad Onglao: “We’ve been together for eight months, ‘di ba, getting-to-know-each-other period pa rin. Siyempre magkaiba kami ng mundo, he gets out of his way na malaman niya ang mundo ko... “Ako din, I get out of my way to know his world, more of his world, ganun.”


Nilinaw ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla ang usap-usapang magpapakasal na sila ng nobyong si Architect Conrad Onglao sa first quarter ng 2015.

“Wala pa naman, hindi pa naman klaro.

“Siyempre when you are in a relationship with someone, you make plans, you build dreams together.

“Ang prayer ko lang sana, kung anuman, ‘di ba, umabot din dun.

“I don’t know… wala namang nakakaalam pa nun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zsa Zsa sa ASAP noong Linggo, November 9.

Buung-buo naman ang suporta ng mga anak ni Zsa Zsa na sina Karylle at Zia sa relasyon ng Divine Diva kay Conrad.

Minsan nga ay nagbiro pa si Karylle na kung saka-sakali ay magiging sukob sila ng ina.

Si Karylle ay nagpakasal sa mister niyang si Yael Yuzon noong March 21, 2014.

Sabi ni Zsa Zsa, “Ewan ko…joke niya, sukob, ‘di ba? Wala pa namang plano, malalaman ninyo naman yun kung mayroon man.”

Kumusta naman ang relasyon nila ngayon ni Conrad?

“Okay naman, we’re still getting to know each other.

“We’ve been together for eight months, ‘di ba, getting-to-know-each-other period pa rin.

“Siyempre magkaiba kami ng mundo, he gets out of his way na malaman niya ang mundo ko.

“Kanina nga, naghintay siya sa ASAP.

"Ilang oras siyang nakaupo lang, nagso-solitaire lang siya, nag-aabang lang siya. He will go in and out of the studio.

“Ako din, I get out of my way to know his world, more of his world, ganun.”

Kung noong mga nakalipas na Pasko ay malungkot itong ipinagdiriwang ni Zsa Zsa dahil sa pagkamatay ng longtime partner niyang si Dolphy, ngayong taon ay ie-enjoy niya ang espesyal na okasyon kasama ang kasintahan.

“I’m good, home lang.

“Not this time, ‘di ba, sabi ko nga na-boycott ko ang Pasko for three years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko namang ma-experience uli ang Christmas sa Philippines.

“Siyempre, alam naman ng lahat na masaya na ako, so ayun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN