Jaclyn Jose tired of answering questions about daughter Andi Eigenmann

Jaclyn Jose attended the awards night of QCinema International Film Festival, last November 9, with her 13-year-old son Jake. The veteran actress says, “I’m letting my son na makapasok sa mundo ko. So, unti-unti ko siyang ipinapasok. Sa indie, sa main, soap… para makita niya yung variations ng bawat pagganap. Makita niya yung klase nung trabaho ko.”


Kahit umay na umay na si Jaclyn Jose na matanong tungkol sa anak niyang si Andi Eigenmann, hindi talaga maiiwasang mausisa siya tungkol dito.

Lalo na’t nagiging sentro pa ring madalas ng mga intriga at kontrobersiya ang Kapamilya young actress, partikular na ang on and off relationship nito kay Jake Ejercito.

Kaya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters kay Jaclyn sa awards night ng QCinema International Film Festival, sa Trinoma Cinema 4, noong Linggo, November 9, ay sinabi ng aktres na nagsasawa na siya na pag-usapan ang tungkol kay Andi.

Aniya, “Paulit-ulit na, e. Parang wala akong sarili kong buhay.

“E, ang fruitful-fruitful ng buhay ko.

“Palagi na lang ang lumalabas kapag ako ang ini-interview, si Andi at saka si Jake.

“So, parang, ‘Why? Don’t I have my own life?’

“Like this, I’m busy doing a lot of things in my life, ‘di ba?”

Isa si Jaclyn sa nagsilbing jury sa QCinema International Filmfest.

Sabi naman sa kanya ng press, masyado pa rin kasing kontrobersiyal si Andi.

“Well, it’s none of my business,” napakibit-balikat na sabi ni Jaclyn.

Patuloy ang usap-usapang nagkabalikan na raw sina Andi at Jake. Ano nga ba ang totoo?

Buwelta ni Jaclyn, “I don’t care anymore… hindi ba kayo nagsasawa?

“Si Andi, bahala siya sa buhay niya.”



“SHE’S OKAY.” Okey naman daw si Andi kahit sa ngayon ay may mga nagiging intriga at mga isyu pa rin.

Saad ni Jaclyn, “Naging manhid na rin siya sa mga intriga.

“At saka wala rin namang pakialam ‘yon, e.

“She doesn’t read. She doesn’t watch locals… so, deadma.”

Open ba si Andi sa mga gustong manligaw sa kanya?

“Open naman siguro.”

Wala na siyang anumang restrictions kay Andi?

Sagot ni Jaclyn, “Bahala siya sa buhay niya.

“Basta be professional sa trabaho and take care of your name. Because it is my name that you’re carrying.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But I’ll let her be, hahayaan ko siya.

“Hahayaan ko si Andi na magdesisyon. May anak na siya, e.

“Nagdesisyon na nga siyang magkaroon ng anak, e. Hindi pa ba niya madesisyunan kung anong buhay ang gusto niyang magkaroon?

“If she’s trying to make it complicated, it’s her choice. Ayokong makialam.

“Basta ang alam ko, anak ko siya. Mahal ko siya.

“Kung lalapit siya sa akin, she’s most welcome.”

Hindi talaga totoo na nagkabalikan na sina Andi at Jake?

“Ayokong mag-comment regarding that.

“Kasi siya [Andi] ‘yon, ‘di ba, mahirap nang sumabit.

“Basta nandito lang ako bilang mother niya. Magluluto ng ulam na gusto niya o kung ano ang gusto niyang kainin.

“Ina ako sa loob ng tahanan. Sa labas, ayoko nang i-complicate yung matters.

“She’s twenty-four years old. Twenty-one ako… diretso na, e, ayos na, e.

“So, okay lang. So far, okay naman si Andi.”



JACLYN’S SON. Kasama ni Jaclyn noong Linggo ang isa pa niyang anak—si Jake o Gwen Garimond Ilagan Guck.

Mag-aartista rin ba ang anak niyang lalaki?

“Mukhang editor o scorer ng pelikula ang gusto niya.

“He’s thirteen, sa Ateneo siya nag-aaral,” sabi ng Ilustrado actress.

Madalas niyang kasa-kasama si Jake sa ngayon, kaya may posibilidad na maengganyo rin itong pumasok sa showbiz.

Parang si Jaclyn noon na dahil sa pagsama-sama niya sa elder sister niyang si Veronica Jones, na artista rin dati, ay nagkaintres na rin siyang pumasok sa showbiz.

Sabi ng veteran actress, “Isinasama ko siya [Jake] kapag may mga aspeto ng palabas.

“So, indie, mainstream, ipinapakilala ko sa kanya lahat at maliwanag naman niyang naiintindihan.

“I’m letting my son na makapasok sa mundo ko. So, unti-unti ko siyang ipinapasok.

“Sa indie, sa main, soap… para makita niya yung variations ng bawat pagganap. Makita niya yung klase nung trabaho ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



LOVELESS. Kumusta naman ang estado ng kanyang lovelife ngayon?

“Wala… matagal nang wala,” sagot ni Jaclyn.

Pinakahuli raw na nakarelasyon ng aktres ay ang ama ng kanyang anak na si Jake.

“Patuloy pa rin naman akong nagmamahal. Yun,nga lang… sa tatlong bata,” pagtukoy niya kina Andi at Jake, at ang kanyang apo na si Ellie.

“Bunso ko kung ituring si Ellie.”

Magkakasama raw silang lahat sa bahay, at ini-enjoy naman daw niya ngayon ang kanyang buhay nang walang anumang stress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN