Coleen Garcia on relationship with Billy Crawford: "Wala kaming problemang tumatagal."

"I’ve been wanting that [happy family] ever since. Yun ang kulang sa buhay ko. And hopefully, I will have that one day. But right now, there are many things I wanna focus on. Although I’m excited, it [marriage] can wait," says Coleen Garcia in an interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).


“I’m the man of the house!”

Ito ang pahayag ni Coleen Garcia, 22, bilang pagkumpirma na siya ang mas mature kumpara sa kasintahang si Billy Crawford, 32, pagdating sa pagha-handle ng kanilang relasyon.

Ngunit sa tuwing magkakaroon sila ng misunderstanding, madali raw nila itong naaayos dahil halos araw-araw silang magkasama bilang co-hosts ng It’s Showtime.

“The advantage to that is we’re forced to settle whatever differences, whatever problems that we’re having before anything.

“Ngayon, wala kaming problemang tumatagal. We fix it right away,” pahayag ni Coleen.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang magkasintahang sina Coleen at Billy sa product launch ng isang watch brand sa Makati City kamakailan.

Nang tanungin kung nakatulong ba na matagal na silang magkaibigan para mas tumatag ang kanilang relasyon, nilinaw ni Coleen na hindi sila malapit sa isa’t isa ni Billy kahit pa magkatrabaho sila mula pa noong 2011.

“Actually, we weren’t close before.

“We work together lang then outside work, we have our own worlds.

“It’s only like last year that we’ve gotten to know each other better,” saad ni Coleen.

Maraming nakapansin na mas bumata ang hitsura ni Billy mula nang maging magkasintahan sila ni Coleen, na mas bata ng sampung taon kaysa sa una.

Ayon kay Coleen, kung minsan ay binibiro niya si Billy na masyadong pa-bagets ang porma nito para lang makasabay ang huli sa edad ng dalaga.

“Sabi ko nga minsan sa kanya, ‘Hoy! 22 years old ako. Hindi ako 17. Lumalagpas ka na!’

“But I’m happy. Nakikita ko na he’s glowing,” nakangiting turan ni Coleen.

Hirit naman ni Billy, “Basta ayoko tumanda!”

“MARRIAGE CAN WAIT.” Sunud-sunod man ang pagpapakasal ng celebrity couples ngayong taon, inihayag ni Billy na hindi sila nagmamadali ni Coleen sa aspetong ito.

“Everyone’s relationship is completely different.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"When people are ready, they’re ready and it’s their decision.

“Siguro nagkataon lang na sunud-sunod silang lahat,” ani Billy.

Sinegundahan ito ni Coleen at pabirong sinabi na sampung taon pa ang hihintayin ni Billy bago siya maging handang pasukin ang isang lifetime commitment.

Ganunpaman, katulad ng karamihan ng babae ay pangarap ni Coleen na maikasal at magkaroon ng sariling pamilya.

“My parents are separated, e. So, it’s always my dream to have a happy family.

“I’ve been wanting that ever since. Yun ang kulang sa buhay ko.

“And hopefully, I will have that one day.

“But right now, there are many things I wanna focus on.

“Although I’m excited, it can wait. He can wait!” saad ni Coleen sabay turo kay Billy.

Ayon naman kay Billy, marami pang ibubuga si Coleen pagdating sa showbiz career nito.

Sa katunayan, nabanggit ng magkasintahang nakatakdang i-redistribute ng Star Cinema ang pelikulang #Y, ang 2014 Cinemalaya entry na pinagbidahan ni Coleen at Kapuso actor na si Elmo Magalona.

Bukod dito ay nakatakdang gumawa si Coleen ng isa pang pelikula at teleserye sa Kapamilya network.

Sabi pa ni Billy patungkol sa kanyang girlfriend, “I want her to grow also as an artist. It’s good for her to experience different types of films.

“Kasi sobrang ang daming nililihim nito, trust me. Ang daming [hindi pa] nilalabas sa skills niya as an actress.

“She’s not really as emotional as a lot of other women are. She’s really passionate.

“She’s a perfectionist. When she puts her mind into something, she wants it to be the best that she’s ever done.”

Para naman kay Coleen, malaki ang pasasalamat niya kay Billy dahil ang singer/TV host daw ang nagbigay-inspirasyon sa kanya upang mas maging dedicated sa trabaho.

Dagdag pa ni Coleen, “I’ve had shows before and I feel like I didn’t give my best acting-wise.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“When I did #Y, I was already with him.

“I really don’t know what it is in him that inspires me to keep doing better and try harder and give more than 100 percent.

"But there’s something in him that does.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN