Kathryn Bernardo clarifies “kissing photos” with Daniel Padilla

“’Pag titingnan mo sa picture, mukha siguro siyang nagki-kiss,” explained Kathryn Bernardo about the alleged "kissing photos" of her and loveteam partner Daniel Padilla that circulated on the Internet. But the young actress insisted that Daniel did not actually kiss her.


Nilinaw ni Kathryn Bernardo na walang halikang naganap sa kanila ni Daniel Padilla kaugnay ng “kissing photos” diumano nila na naging viral sa Internet.

Sa nasabing mga litrato, nasa airport ang dalawang teen stars ng ABS-CBN at makikita sa series of photos na tila hinahalikan ni Daniel ang nakatalikod na si Kathryn.

Kuha raw ang mga larawan sa airport sa Canada, kung saan sila nag-show ng isang linggo.

Paliwanag ni Kathryn sa ulat ng TV Patrol kagabi, November 11, “Mahilig si DJ [Daniel] na ginaganyan [pinipisil] ang mukha ko, inaasar niya kasi ang cheeks ko.

“So, may mga tao kasi andun na naghatid sa amin, so nag-picture sila.

“Siguro nung ginaganun yung face ko, na nasakto na na-block yung face ko, so ’pag titingnan mo sa picture, mukha siguro siyang nagki-kiss.”

Dinepensahan din ng "Teen Queen" ang kanyang loveteam partner.

“Si DJ, kahit sino, inaalalayan niya. Clingy siya talaga. Very comfortable po kasi kami.”


PAST THE AUDIO-VIDEO RECORDING. Samantala, sa ulat naman ng Bandila kagabi, sinabi ni Kathryn na nagkaayos na sila ni Daniel matapos kumalat ang audio-video recording na kinasangkutan ng young actor noong September.

Hindi naman itinanggi ng kampo nina Daniel at Kathryn na ikinalungkot ng young actress ang nilalaman ng nasabing recording, kung saan maririnig si Daniel na sinabing may nag-text sa kanyang babae—hindi si Kathryn—na ikinakilig ng kanyang "tumbong."

Read: Daniel Padilla apologizes for leaked audio-video recording

Paliwanag ng 19-anyos na aktres, “Nalaman mo, normal lang naman kung pa’no niya naramdaman… kung mangyari sa inyo ’yon, parang ganun din siguro ’pag naramdaman ko, pero inayos naman ni DJ .”

Dahil din daw sa nangyari, pareho silang natuto ng kanyang kapareha.

“Basta ngayon, siguro mas nag-grow kami pareho.”

Susunod na magtatambal ang dalawa sa remake ng Pangako Sa ‘Yo at magkakaroon ng pelikula na ipalalabas sa February 2015.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN