Jonalyn Viray wants to be initiated in musical theater

As she already excels in singing, Jonalyn Viray wants to explore the other aspects of the recording industry. As a producer, “Nagkakaroon po ako ng knowledge. Sa pagpili ng cover and sa pakikipag-usap sa another recording [company] para i-distribute yung album. Nakaka-fulfill po as a person yung mga ganung bagong venture.”


Sa unang #Fearless concert ni Jonalyn Viray noong February 28 ay special guest niya si Regine Velasquez.

During the concert ay sinabi ng Asia’s Songbird na puwede na siyang magpahinga o magretiro sa pagkanta matapos nitong marinig ang mga pagbirit ni Jonalyn.

Kaya tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jonalyn kung ano ang naramdaman niya ng mga oras sa iyon na panay ang puri sa kanya ni Regine.

Sagot niya, “Hindi ko po ini-expect na sasabihin niya yun.

“Parang na-shock nga rin po yung mga Reginians and yung mga ibang supporters niya.

"Kasi siyempre, sino ba naman ang gustong mag-retire si Ate Reg, ’di ba?

“Nung sinabi niya yun, parang sobrang naano po ako as a performer, na grabe po yung naging suporta sa akin ni Ate.

“Sa loob ko, ‘Wow! Ate, thank you very much, kasi sa iyo pa mismo nanggaling.’

“So, sana nga po in the future magkatotoo yung sinabi niya na, ’Sana mas marinig ka ng mas maraming tao.’

"Hindi po yung magre-retire siya!

"Hindi ko po gustong mangyari yun kasi maraming concerts pa po yung gusto kong masamahan niya ako.”

Muling mapapanood si Jonalyn sa #Fearless: The Repeat sa Biyernes, November 14, sa Music Museum.

Benefit concert ito para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda. Guests niya sina Tom Rodriguez, Thor, at ang Queen of Soul na si Jaya.

CAREER GROWTH. Regular performer si Jonalyn sa weekly musical-variety show ng GMA na Sunday All Stars at aminado siyang nalungkot siya na may mga artist na nawala sa show.

“Siyempre po nalungkot po ako para dun sa mga natanggal, na hindi napasama sa ganitong musical show.

"Kaso, iyon po talaga yung desisyon ng management, e.

“Wala po tayong magagawa,” sabi ng GMA Artist Center talent.

Tinanong namin si Jonalyn kung willing siyang talikuran ang kanyang career dito sa Pilipinas kung sakaling magkaroon siya ng oportunidad na makuha sa isang musical play sa ibang bansa, ’tulad nina Rachelle Ann Go (Miss Saigon) at Mark Bautista (Here Lies Love) na parehong nasa London ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “Kung maganda din naman po yung offer, okay lang po.”

Kaya rin ba niyang magpaseksi ’tulad ni Rachelle sa Miss Saigon?

“Actually hindi ko rin po kaya,” at natawa si Jonalyn.

“Pero I think kung iyon talaga yung hinihingi ng character mo, at saka character lang naman din yun, hindi naman ikaw mismo yun, e.

“So, sige!”

Pero wala ba siyang stage fright na sa isang play ay walang take 2 at nasa harap siya ng live audience?

“Meron di po... meron din po talaga.”

Iba nga kasi ang concert, kumakanta lang siya, sa play ay kakanta, sasayaw at aarte siya all at the same time.

“’Tsaka napaka-tough na trabaho ng isang stage actress kasi aside sa kumakanta silang ganyan, kailangan nilang umarte talaga nang sagad-sagad!

“Sabi nga po ng mga theater actress, kailangan mong kantahan yung taong nandun sa pinakadulo ng stage.

“Pero nadadaan naman po iyon sa isang masinsinan na training.

"Matinding training, kaya yun din po yung reason kaya gusto ko ding ma-experience makapag-musical play.

“Iba po talaga yung pag-eensayo nila doon.”

RECORD PRODUCER. Produkto si Jonalyn ng Pinoy Pop Superstar. Pabor ba siya na mayroon na namang talent search ang GMA, ang Bet Ng Bayan?

“Okay lang po.”

Hindi siya threatened sa mga bagong susulpot na singers?

“Okay lang po kasi lalo na po ngayon na naggu-grow po ako dito sa show business.

"Natututunan ko naman po kung paano yung mga kunyari, sa process ng paggawa ng album, at least may knowledge na po ako.

“Sa process ng pag-market.”

Isa na kasing album producer si Jonalyn.

“Actually, yung last album ko po, isa po ako sa mga nag-produce.

“So, hindi rin po ako natatakot kahit may mga bagong singing contests or mga talents na dumating.”

Ano ang satisfaction na nakukuha niya sa pagiging producer?

“Siyempre po nakaka-fulfill po siya bilang isang artist kasi hindi lang po pala puwede kang malagay sa singing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Puwede ka ring mag-venture into producing, ganyan-ganyan.”

Ang personal manager niyang si Arlene Meyer ang nag-encourage kay Jonalyn na mag-produce.

“Siya po yung may-ari ng recording label, Creative Media Entertainment, so parang in-introduce niya na rin po ako sa behind the production, ganun.

“Kasi aside po sa pagpu-put up ng money, yung process po ng paggawa ng album...

"Like, ako po, nakikipag-usap po ako sa songwriter, sa mga arranger.

“Hindi ’tulad dati record ka lang nang record, kanta ka lang nang kanta.

“This time, talagang kasama po ako sa pagpili ng mga songs, so kung gusto ko ba yung song o hindi, mga ganun.

"’Tapos pag-print ng album.

“Nagkakaroon po ako ng knowledge. Sa pagpili ng cover and sa pakikipag-usap sa another recording [company] para i-distribute yung album.

“So, nakaka-fulfill po siya as a person na nakaka-excite yung mga ganung bagong venture.”

Isa rin si Jonalyn sa producers ng naunang #Fearless concert.

Ang repeat ay binili na mula sa kanilang mga original producers ng isang grupo ng events management, ang Jan Connections.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN