Sharmaine Arnaiz still longing to work with her idol Vilma Santos

Sharmaine Arnaiz is happy with her domestic life as wife and full-time mother to three growing kids. She says about her husband, “We’re happily married, ten years na. Okey naman, tahimik at masaya ang pagsasama namin.”


Masaya si Sharmaine Arnaiz na mapasama sa cast ng special episode ng Maalaala Mo Kaya na ipapalabas ngayong Sabado, November 15.

Tungkol ito sa isang bilanggo na kasama ng iba pang inmates na nakawala nang masira ng bagyong Yolanda noong isang taon ang buong gusali ng bilangguan sa Tacloban.

Ginagampanan niya ang role ni Greta, ang nanay ng bilanggong si Jomar na matapos madiskubreng nasawing lahat ang mga magulang at kapatid sa matinding pananalasa ng bagyo ay muling sumuko at bumalik sa kulungan.

Sabi ni Sharmain nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong November 11, “Noong una, kinakabahan talaga ako.

“Ang tagal kong hindi nag-MMK. Iba kasi ang MMK, alam ko naman talaga.

“Nung inalok nga sa akin, sabi ko, hindi ko alam kung kaya ko pero tinulungan ako ng director namin.

“Grabe siyang mag-guide sa eksena. Sinasabi niya what he wants from the actor.”

Mahusay naman siyang aktres, at napatunayan na niya ito sa mga ginawa niyang pelikula.

Pero sabi ni Sharmaine, “Kahit na. Alam mo yung ganitong klaseng work, walang magaling ka o ano.

“It’s situational, sometimes it’s the moment.

“Kung maibigigay mo ang nararamdaman ng character mo at that moment.

“It’s been a year since my last soap. Ang pinakahuli kong ginawa ay yung Binoy Henyo sa GMA-7.”

OFF CAMERA. Kapag wala siyang acting project, ano ba ang karaniwang pinagkakaabalahan niya?

“Nakatutok ako sa mga kids. Sa mommy work, with my family.

“My eldest is 10, lalaki siya. Sunod is 7 and yung youngest is 5.”

Mayroon ba sa mga ito ang nakikitaan niya ng hilig sa pag-aartista?

Ayon kay Sharmaine, “Hindi ko nakikita sa kanila, sa totoo lang.

"Yung ginagawa ng mga batang artista, hindi ko nakikitang kaya nila yung ganun.


“Yung eldest ko, mahilig sa music. Nagda-drums.

“Yung bunso ko ang mahilig kumanta. But hindi niya gusto ang limelight at all.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya rin daw si Sharmaine sa piling ng mister niya.

“We’re happily married, ten years na. Okey naman, tahimik at masaya ang pagsasama namin.”

Mabuuti at pinapayagan pa rin siya na tumanggap ng acting projects?

“Na-excite nga siya na nag-Maalaala ulit ako, e.

"Kasi nung nag-shoot ako noon ng ’Cayetano’ story for MMK din, he was with me... Kami na nun.”

Recently ay tinawagan din daw siya ng GMA para sa isang bagong teleserye pero magmi-meeting pa raw sila kaugnay nito.

Hindi naman din yata siya ganung ka-eager na maging active talaga sa showbiz ulit?

“Galing na tayo diyan… been there, done that,” sabi niya.

Kung sabagay, good provider naman yata ang mister niya at can afford sila?

“Okey naman kami and hindi naman ako maluho. Kung ano ang meron, iyon ang ano…”

VILMANIAN. Pero passion pa rin niya ang pag-arte sa harap ng camera?

“Definitely. Hindi mo naman matatanggal ‘yon,” sabi ni Sharmaine.

Gusto rin ba niyang gumawa ng indie film?

“’Yan!” tawa niya.

“Si Ate Vi [Vilma Santos], kahit maging extra lang ako ni Ate Vi, kasi Vilmanian ako.

“Alam mo, noong active pa ako at naghu-host ng mga awards night, sinasabihan ko siya.

"’Tapos minsan, nagkita kami sa La Salle, sabi ko, ’Ate Vi, please, kahit extra o yaya mo lang, papayag ako.’

“Sabi naman niya, ’Sharmaine, dapat maganda yung role!’ Ginaganyan niya ako.

“Merong isa noon, ’tapos yung role na ini-offer sa akin dun sa movie na parang may cancer ang character niya.

"Kailangan kong magpakita ng boobs. Sabi ko, ’Ay, naku, huwag naman ‘yon!’

"’Hindi ko naman kaya ‘yon, puwede bang iba naman?’

“Payag talaga ako kahit extra lang sa pelikula ni Ate Vi. Kahit walang bayad, makasama ko lang siya.

“Sana... kahit anong role, huwag na nila akong bayaran.

"Ako pa ang magbabayad sa kanila makatrabaho ko lang si Ate Vi!”” biro pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano halimbawa kung mauna ang pagkakaroon ng chance for her to work with Nora Aunor?

“Actually, may movie akong ginawa with Direk Adolf Alix na kasama si Ate Guy. Pero wala kaming eksena together.

“Ito yung Whistle Blower. Hindi pa ipinapalabas pero tapos na.”

Mahaba o maikling role, okey lang daw kay Sharmaine.

“’Pag artista, artista ka. Hindi ka na dapat namimili ng role.

“Basta may chance ka to show your work and your talent, then that’s what you should be after.”



MO TWISTER. Ang younger sister ni Sharmaine na si Bunny Paras, na nag-artista rin dati, ay umuwi raw sa Pilipinas kamakailan para sa maikling bakasyon. Kakaalis lang daw nito pabalik sa U.S.

“She was here with Moira,” pagtukoy niya sa naging anak ni Bunny kay Mo Twister.

“Nung nandito siya, nag-guest kami sa Mars, yung show nina Camille [Pratts] sa GMA News TV11.

"Natutuwa siya, naaliw siya.

“Alam mo naman si Bunny, makulit, madaldal.

“Oo, hindi pa rin nagbago.”

Dalaga na raw ang pamangkin niyang si Moira.

“Magsi-sixteen siya ngayong November 28.”

Kumusta naman ngayon ang relationship ni Moira sa ama nitong si DJ Mo?

“Better now. Kasi siyempre, doon na si Mo sa Amerika.”

Napabalitang may malubhang karamdaman si Moira, okey na ba ito ngayon?

“She’s still sick. It’s just that her sickness… unti-unti siyang maaapektuhan and she will get worse little by little.

"Friedreich ataxia" ang sakit ni Moira, isang rare disease na apektado ang nervous system and muscle movement ng pasyente.

Sabi ni Sharmaine, “It attacks your nerves. Parang with Moira, it can affect her eyes, the way she walks, her writing.

"Until finally it will affect the spine. Yung spine mo, magke-curve. ’Tapos kailangan naka-wheel chair ka na.”

Madalas magkita at magkasama ang mag-ama at nakatulong rin daw na mabait kay Moira ang karelasyon ngayon ni Mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That’s a plus ung bakit close na sina Mo at Moira.

“I’d rather not say, but kung sino man ang girlfriend ni Mo ngayon, talagang saludo ako.

"And I thank God for her every day.

“Kasi kung hindi siguro dahil sa kanya, hindi magiging ganito kaayos at kaganda ang relasyon ng mag-ama.

“Malaking bagay din kasi na ‘yong partner mismo, mabait, ’di ba?

“Si Mo, from Las Vegas, I think lilipat siya malapit kina Moira. And tama lang na ganun.

“I wouldn’t want it any other way,” sabi ni Sharmaine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN