Lani Misalucha thankful that she’s still in demand in the concert scene

Lani Misalucha on being in demand in the concert scene after all these years: "Para sa akin, bonus na talaga ito sa akin, na kahit matagal akong nawala, meron pang tumatanggap sa akin, meron pa akong ganitong shows, ’di ba? Ang laking bagay na yun, and that, I will always be grateful for. Blessing ito kasi something like this can just be gone in a snap."


Nasa Pilipinas ngayon ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha para sa promotion ng kanyang nalalapit na concert sa December 6.

May pamagat itong La Nightingale: The Return Concert na gagawin sa Smart Araneta Coliseum sa ilalim ng baton ni Maestro Gerard Salonga.

Ang magiging special guests ni Lani rito ay sina Arnel Pineda, Jed Madela, G Force, at iba pa.

Sa mini-presscon na inihanda para sa kanya sa 9501 Restaurant, sa ELJ Building ng ABS-CBN kahapon, November 12, hindi maitago ni Lani ang sobrang excitement habang nagkukuwento sa magiging kaganapan sa kanyang konsiyerto.

Bungad niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media, "Naku, talagang nagpi-prepare kami, ha!

"We want this concert to be a one, big, spectacular concert that everyone would remember, you know, once they step out of the coliseum.

"They would take with them the experience, since it’s going to be like my first time again, ’cause the last time was in 2007.

"Kumbaga, parang ’tulad sa isang ina, nangaganay ka ulit kasi ang tagal na ng seven years ago.

"So, ganun din ang pakiramdam ko na parang naninibago na naman ako, parang nag-uumpisa na naman ako."

Patuloy niya, "Yung unang major concert ko was in Araneta rin with the Crossover people.

“And this time, I have a new family, kaya parang ang lahat ay bago sa akin.

"Kaya nga we want this to be a memorable one, since nga comeback ko ito.

“And kaya nga, as much as possible, we want this to be perfect, we want everybody to have a great time.

"Kaya nga sinabi ko na mala-LasVegas ang feel ng song, there’s one song there na ganun ang gagawin namin na parang Cirque du Soleil ang type."



STILL IN DEMAND. Natutuwa nga raw si Lani na sa kabila ng matagal niyang pagkawala sa local concert scene ay marami pa ring show producers ang nagtitiwala sa kanyang kakayahan at hatak sa concertgoers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa 45-year-old diva, "Alam niyo, para sa akin, bonus na talaga ito sa akin, na kahit matagal akong nawala, meron pang tumatanggap sa akin, meron pa akong ganitong shows, ’di ba?

"Ang laking bagay na yun, and that, I will always be grateful for.

"Blessing ito kasi something like this can just be gone in a snap.

"But, someone like me who’s been away for so long, at ganito na rin ang edad ko, meron pa rin akong proyektong ginagawa.

"Alam ko na nandiyan pa rin ang fans, at may manonood, pero hindi mawala sa pakiramdam ko na may takot pa rin na, ’Would it be a success?"

Napag-usapan na rin ang edad at ang reyalidad na hindi na siya bata, naitanong ng PEP kay Lani kung ano ba ang mga takot niya tungkol sa kanyang career o personal na buhay.

Saad niya, "You know, lately, I’m becoming very emotional and with little things, I’m easily affected.

"Hindi nawawala ang mga ganyang fears, especially now na napaka-sensitive ko sa maraming bagay.

"Hindi nawawala sa isip na, ’Paano ganito? Paano kung all of a sudden nawala.’

"Laging may fear, and it’s just a matter of facing the fear head on and deal with it.

"Maraming dumarating sa bagay na unknown."



FADING AWAY. Maraming international singers na sikat ang hindi nakayanan ang kanilang pagkalaos. Ang iba’y napunta sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot o yung iba nama’y naging alcoholic.

Curious ang marami na malaman na kung sakaling dumating ito sa punto ng kanyang buhay, paano niya inihahanda ang sarili?

Tugon ni Lani, "Alam ko... ako, salamat na lang at hindi ako dumating sa ganun.

"Siguro... nakakalungkot, e.

"Nakakalungkot na… siguro, iba-iba ang ano ng tao, e. Iba-iba ang kapit ng tao sa buhay, e.

"Ako, meron akong sariling pananaw at meron akong pinanghahawakan, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Not be to be so religious-sounding, may Diyos ako, meron akong sentro sa buhay ko. Yun ang pinakaposte ko.

“Nagpapasalamat na lang ako’t ’di nagiging wayward ang buhay [ko].

"It’s just sad, kung meron na dumarating sa punto ng isang tao na ganun, na napupunta sa ibang daan, kaya nasisira o napapariwara."



CHARICE. Sa puntong ito, napag-usapan naman namin ang tungkol sa naiulat na tampo ni Charice Pempengco, kung saan nasabi niyang mas ramdam niya ang pagmamahal ng mga banyaga sa kanya kaysa sa kapwa niya Pinoy.

Pakiramdam daw ni Charice, habang tinatangkilik ang career niya sa ibang bansa, dito naman sa Pilipinas ay hindi ito gaanong umuusad.

Read: Charice feels unwanted in her own country

Ano ang masasabi ni Lani rito bilang isang singer na umalis sa bansa, pero tuwing babalik ay suportado pa rin ang kanyang shows o concerts ng mga manonood?

Saad ng Asia’s Nightingale, "I also wonder why, kung bakit nagiging ganun.

"Kung kailan sila nagiging internationally-known, when they come back, iba na ang...

"I don’t know, hindi ko rin alam.

"Is it because people here are expecting them to do certain things? Hindi ko alam.

"But, for me, hindi ko rin alam kung meron bang certain secret for that sustaining power."

Dagdag pa niya, "I’m just grateful na hindi ko naman naramdaman yun at any point.

"I’m just grateful na yung mga tao, somehow, gusto pa rin akong makita.

"Ganito na lang yun, kunyari ako si Charice, siguro ang gagawin ko na lang is just to continue on.

"If you feel people don’t like you anymore, keep on singing for them."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN