Ejay Falcon dismisses ’frozen delight’ tag

Ejay Falcon on his edge to other Kapamilya male stars: “Ang kaibahan ko siguro, moreno ako. Kasi kokonti kami. Kung iisipin mo kasi, puro tisoy. Yun, parang ganun. Saka mas Tagalog. Yung mga roles na pangmahirap, puwedeng ibigay sa akin. ’Pag tisoy ka, mestizo ka, mahirap kang bigyan ng role na pangmahirap. Siguro yun ang kaibahan.”


Kinontra ni Ejay Falcon ang intrigang “frozen delight” siya dahil matagal bago nasundan ang lead-starrer niyang Dugong Buhay sa bakuran ng ABS-CBN.

Noon pang September 2013 nagwakas ang Dugong Buhay.

Saad ni Ejay, “Hindi lang ako ang walang project sa ABS… sobrang dami ng mga artista.

“Minsan mas masarap maghintay dahil ang ibibigay sa iyong materyal ay napakaganda.

“Kaysa naman pagkatapos ng isa, may kasunod ka, pero hindi naman ganun kaganda.

“Hindi lang naman ako ang nagdi-decide na parang ‘pag may in-offer, tatanggapin mo na.

“May Star Magic namang nagdi-decide nun, ‘Oy, hindi bagay sa iyo, Ejay, huwag mo nang tanggapin yun.’

“So, marami kang iku-consider.”

Ibig sabihin, hindi siya nag-alala na baka hindi na siya bigyan ng project?

Sagot ni Ejay, “Hindi. Kasi alam kong meron na po akong… ’eto matagal na po ito.

“Matagal na matagal na ito. Matagal nang nandito ako sa project na ito. Alam kong may project na ako.

“Doon lang kami [sa casting] nahirapan talaga.

“Ang daming nagpalit na ng casting, nagpapalit-palit na kami.”

Ang tinutukoy ni Ejay na bago niyang proyekto sa ABS-CBN ay ang Pinoy adaptation ng Mexicanovela na Pasion de Amor.

Ano sa palagay ni Ejay ang kaibahan niya sa ibang prime young actors ng ABS-CBN?

Tugon ng Pinoy Big Brother Teen Edition winner, “Ang kaibahan ko siguro, moreno ako. Kasi kokonti kami.

“Kung iisipin mo kasi, puro tisoy. Yun, parang ganun.

“Saka mas Tagalog. Yung mga roles na pangmahirap, puwedeng ibigay sa akin.

“’Pag tisoy ka, mestizo ka, mahirap kang bigyan ng role na pangmahirap. Siguro yun ang kaibahan.”

Dagdag ng 24-year-old actor, “Siguro yung tangkad ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ejay sa press conference para sa pagbibidahan niyang episode sa drama anthology na Maalaala Mo Kaya, noong Martes, November 11.

Ipapalabas ang MMK episode ni Ejay ngayong Sabado, November 15.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



YAM CONCEPCION. Mas maganda ba ang pasok ng blessings sa kanya kapag walang girlfriend?

Pagsang-ayon ni Ejay, “Sabi nga nila.

“Kasi siguro mas nagku-concentrate ka, mas nagpu-focus ka, nagagawa mo lahat. Walang nagbabawal sa iyo.”

Ang huling naging girlfriend ni Ejay ay ang sexy star na si Yam Concepcion.

Ipinagdiinan ni Ejay na wala siyang karelasyon ngayon.

“Wala nga po. May mga dating ano… kalimutan na yun.

“May mga pagkakamali. Siguro dala ng kabataan.

“Siyempre natutunan mo naman yun.”

Pagkakamali ba yung sa kanila ni Yam?

“Ay, hindi!” mabilis niyang paglilinaw.

“Yung pagkakamali ko, yung hindi pag-amin.

“Yung kay Yam, hindi pagkakamali yun, kasi naging masaya naman ako.

“At marami naman akong natutunan doon.

“Siguro hindi kami compatible. May mga taong magkaiba ang mundo.

“So, siguro ganun ang nangyari.”

REVELATIONS. Nagulat ba si Ejay sa mga rebelasyon ni Yam sa naging takbo ng hiwalayan nila?

Read: Yam Concepcion opens up about short-lived romance with Ejay Falcon

Sagot niya, “Oo, siyempre naman.

"Pero nakapag-usap naman na kami two months ago.

“After sa mga naglabasan, sa PEP, yung mga ganun. Nag-usap kami, tinawagan ko siya.

“And sobrang okey na kami ngayon. Kung may intriga, tatawag siya sa akin.

“Mas okey na po ngayon. At least, ‘di ba?”

Ganun ba talaga siya kapag may hindi siya nagugustuhan sa relationship, bigla na lang siyang nawawala?

Sabi ni Ejay, “Hindi, hindi naman.

“Pagkakamali ko talaga, inamin ko kay Yam ‘yan.

“May personal na dahilan po ako at hindi ko naman po puwedeng sabihin bilang lalaki at ayaw ko namang sabihin bilang lalaki.

“So, alam na niya yun.

“So, nung in-explain ko sa kanya, naintindihan naman niya.

“Naging friends naman kami. Na-realize rin niya na yun ang nangyari.”

Ano ang natutunan niya sa relasyon nila ni Yam?

“Ayun nga, huwag padalus-dalos. Kasi ang bilis ng mga pangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro mas gusto ko na kung sino man yung next ko, makilala ko muna.

“Siguro mas maganda kung maging kaibigan ko muna bago maging kami.

“Kasi ang hirap-hirap magpadalus-dalos, e.”

Yun ba ang nangyari sa kanila ni Yam?

“Opo, mabilis ang mga pangyayari sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN