Vic Sotto discloses plan of investing condo units for children and Pauleen Luna

"Every time naman na nag-i-invest ako, laging kasama sa isip ko yung immediate family, and siyempre, yung partner ko," Vic Sotto says.


Hindi ipinagkaila ni Vic Sotto ang planong kumuha ng units mula sa kanyang bagong endorsement na real-estate company.

Ilalaan daw niya ito sa kanyang mga anak at maging kay Pauleen Luna.

Saad ni Bossing, "Every time naman na nag-i-invest ako, laging kasama sa isip ko yung aking immediate family, and siyempre, yung partner ko.

"Isa siya [si Pauleen] dun sa araw-araw na pamumuhay ko.

"We’re still negotiating, baka ma-buy one, take one. Malay mo, konting tsika na lang."

Dahil nga raw isa itong investment, marami ang curious malaman kung bahagi na ba ito ng kanyang retirement plan sa showbiz?

Pabirong buwelta ni Bossing, "Gusto niyo na akong pa-retayrin [retired]?

"’Wag muna, relaks lang muna.

"No, that’s one thing that’s keeping us really going strong, loving what you’re doing.

"’Pag sinabi mong ganun, kasama na dun ang enjoy ka, e.

"’Pag hindi ka relaks, hindi ka mag-e-enjoy kung stressful ang ginagawa mo.

"Kung ang tingin mo sa ginagawa mo ay trabaho lang talaga, walang relaxation e iiksi ang buhay.

"In other words, kailangang mag-enjoy ka."

Nakausap si "Bossing" ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng media sa press launch nito bilang celebrity endorser ng CitiGlobal Realty & Development Inc. na ginanap sa Luxent Hotel kahapon, November 13.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na napapayag si Vic na mag-endorso ng real-estate company na noon ay iniiwasan niyang gawin dahil sa personal na kadahilanan.

Paliwanag ng Eat Bulaga host, "They [CitiGlobal owners] patiently explained to me kung ano ba talaga ang goals nila, kung ano ang motivations nila.

"Nung sabihin nga na they want to provide leisure acitivities lalo na’t maraming real-estate properties ngayon na hindi biru-biro ang investments.

"Ako, choosy ako sa susuportahan ko.

"Through their explanations, nalaman ko na maganda ang kanilang vision, and I could say na it’s very unique, it’s different.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Una sa lahat they want to provide leisure investments to our kababayans na tinatawag natin ngayon na mga bagong bayani, yun ngang mga OFWs [Overseas Filipino workers].

"Ang mga OFWs, nakakausap ko sila, ang mga ipon nila, nandun lang na konting problema ay nauubos.

"Ang tawag nga natin sa kanila ay mga ’one-day-millionaires’, ’di ba?

"Pero meron naman tayong mga kababayan na marunong mag-ipon at heto nga ang masarap tulungan, na bigyan natin sila ang affordable investments for their future."

RYZZA’S ADVENTURE. Samantala, buong pagmamalaki namang ikinuwento ni Vic kung gaano ka-excited si Ryzza Mae Dizon sa shooting ng pangatlong episode ng kanilang Metro Manila Film Festival entry na My Big Bossing’s Adventure.

Sa pangatlong episode na ito, isang sirena ang ginagampanan ng wonder child.

Aniya, "Si Ryzza, enjoy na enjoy siya. Kahapon [November 12], nag-shooting kami sa isang pool sa Marikina e ’tapos na ang shooting, nagsu-swimming pa.

"Matapang siya, kapag matapang ka, madali kang matutong lumangoy.

"At saka yung pinag-aralan niya , yung langoy ng isang sirena, yung dolphin kick, ang hirap nun, a.

"E, pinangatawanan yung pagiging Dyesebilbil niya, Jessa ang pangalan niya dun."

Sa puntong ito, tinanong namin siya tungkol sa dating little bossing na si Bimby Yap. Ano ang masasabi niya na makakasagupa sa takilya ang kanilang mga pelikula?

Si Bimby ay bahagi ng Praybeyt Benjamin 2 na entry naman ni Vice Ganda sa festival.

Ayon sa comedian/TV host, "Magkaiba naman sila, magkaiba naman sila ng genre.

"Magkaiba sila ng tema, ’no.

"So, I don’t think na magkakaroon ng conflict, and, besides, it’s some sort of a trilogy [yung Big Bossing].

"So, yung akin ay ipinakita ang kanyang [Ryzza] talento sa pagpapatawa, sa pagka-seryosong role.

"I think she’s proving herself to be a very good actress, hindi lamang puro pa-cute.

"Sa My Little Bossings, puro lang siya pa-cute kapag pinanood mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sila ni Bimby, pa-cute lang sila nang pa-cute. Heto, tatlong roles ang aming ginampanan.

"Lalo na si big bossing kong si Ryzza, isang sirena, isnag espiritista, at yung pinakagusto niya, isang prinsesa."

Dugtong pa niya, "Lahat yun, ang hirap gawin. Pero, as I always say, kapag enjoy ka dun sa ginagawa mo…

"Parang nung isang araw ay nagsisimula pa lang kami ni Ryzza, but the other day, we’re done with principal photography.

"Dahil, enjoy na enjoy nga kami.

"Hindi namin namamalayan, tapos na pala ang take, nag-i-enjoy pa kami ni Ryzza."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN