Maxene Magalona transfers to ABS-CBN for career growth

“Noong nakita ko at naramdaman ko kung gaano ka-warm ang feedback sa akin, ang sarap!Talagang it’s a new family, it’s a new environment, I’m so happy,” says Maxene Magalona about the warm welcome from Kapamilya staff and viewers.


“I want to grow as an artist. I want to explore.”

Ito raw ang dahilan ni Maxene Magalona kung bakit niya naisipang lumipat sa ABS-CBN matapos ang mahigit isang dekada niyang pamamalagi sa GMA Network.

“Gusto ko pang gumawa ng mas marami pang roles at makatrabaho ang mas marami pang artista for a change of scenery,” dagdag pa niya nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment reporters matapos ang press conference ng una niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Dream Dad, noong Huwebes, November 13.

Sa ngayon, per project daw ang kontrata niya sa Kapamilya network. Gayunman, aniya, “Actually, I’m just so very blessed kasi I did look tests for different shows.

“I’m just so happy na kinu-consider nila ako. Hindi ko akalain na ito na, malalagay na ako agad sa bagong show kaya sobrang thankful ako, sobrang happy kasi.”

Bilang bagong Kapamilya, inamin ni Maxene na nanibago siya sa bagong working environment.

“Nakakakaba pero at the same time nakaka-excite,” bungad na paglalarawan ni Maxene sa kanyang first taping day.

“Sanay na rin naman ako sa taping pero it’s a new environment, new network.

“Noong una, nakikibagay muna, kinakapa-kapa ang mga tao.

“’Ayun, naging totoo lang ako, naging kung paano lang talaga ako sa totoong buhay, kung sino ako kung sino talaga ako sa trabaho.

“I try my best na makipag-bonding sa lahat.

“Siyempre, mas gagaan sa set kung lahat kayo bonded, lahat kayo close.

“At saka ano ako, I’m easy to work with, I’m easy to get along with. I like meeting new people and I like making new friends.

“Kaya any opportunity na makakilala ako ng mga bagong tao, I welcome it.

“Lahat ng tao na nakikilala ko, lahat ng tao na nakakatrabaho ko, marami akong natututunan sa kanila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WARM WELCOME. Bukod sa kanyang mga nakakatrabaho ngayon, nagustuhan rin daw ni Maxene ang mainit na pagtanggap ng mga Kapamilya viewers.

Kuwento niya, “Nakakatuwa na every time na nababasa ko ang feedbacks nila, comments nila, lahat sila tuwang-tuwa na nandito ako.

“Nakakataba ng puso kasi every time I’m doing something, umarte ako o may gawin akong desisyon sa buhay, wala akong ine-expect.

“Ayaw kong mag-expect. Ginagawa ko lang ang gusto kong gawin dahil ’yon ang gusto ko.

“At kapag nakakuha ako ng magandang response, nakakuha ako ng magandang feedback, sobrang bonus ’yon para sa akin.

“Never ko in-expect po na tatanggapin ako ng ganito kainit at kasarap ng feeling ng Kapamilya viewers.

“Noong nakita ko at naramdaman ko kung gaano ka-warm ang feedback sa akin, ang sarap!

“Talagang it’s a new family, it’s a new environment, I’m so happy.”

ZERO LOVELIFE. Dahil sa pagbabago sa kanyang showbiz career, gusto raw ni Maxene dito muna niya ang ituon ang kanyang pansin.

Kaya pagdating sa kanyang lovelife, sabi ng 27-year-old actress, “I’m very much single and I’m in a relationship with myself.”

Dagdag na paliwanag pa niya, “To be honest, every time I’m in a relationship, parang hindi pa ako ganun ka-ready.

“I jump one relationship to another kasi I get excited easily.

“’Yon pala, hindi ko pa masyadong napo-focus ang sarili ko and hindi ko pa masyadong na-focus ang sarili ko.

“Hindi ko pa masyadong naaayos ang sarili ko, which means I need to love myself.

“Right now, what I’m doing is putting my career first because I owe it to myself.

“Lahat ng gagawin ko ngayon, lahat ng trabaho, kailangan kong mag-focus doon kasi hindi na ako bata.

“Now that I’m much older, I wanna look forward and do this for myself kaya ayaw ko muna mag-jowa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Diin pa ni Maxene sa huli, “Now that I’m much older, I wanna look forward and do this for myself kaya ayaw ko muna mag-jowa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN