Cristine Reyes reveals: “I’m having a baby.”

Matagal nang usap-usapan ang diumano’y pagbubuntis ni Cristine Reyes pero umiiwas ang dalaga magkomento tungkol dito nitong mga nakaraang buwan. Pero ngayong araw, November 16, ang 25-year-old actress na mismo ang umaming nagdadalantao nga siya.


“I’m having a baby.”

Ito ang bahagi ng maiksing anunsiyo ni Cristine Reyes tungkol sa kanyang pagbubuntis sa ASAP 19, ngayong araw, November 16.

Matagal nang usap-usapan ang diumano’y pagbubuntis ng sexy actress.

Pero mariin itong itinanggi ng kanyang kampo at ang buntis lang diumano ay si Ara Mina at ang isa pang kapatid nilang babae.

Sa premiere night ng pelikula ng 25-year-old Kapamilya actress na The Gifted noong nakaraang Setyembre, nag-walkout pa ito nang matanong ng press tungkol sa diumano’y pagbubuntis niya.

Read: Cristine Reyes walks out from an interview



"TODAY MY LIFE BEGINS." Bago pa man manggaling sa kanyang sariling bibig ang pag-amin, nagpahiwatig na ang aktres sa Twitter na may nakatakda siyang aminin sa live presentation ng ASAP 19 ng ABS-CBN kanina.

Aniya, “A whole new world is waiting; it’s mine for the taking, I know I can make it. Today my life begins. Watch #ASAP19 live today kapamilyas.”

Isang song number ang inihandog ni Cristine sa mga manonood ng Kapamilya musical-variety show kung saan sinamahan siya nina Piolo Pascual, Sam Milby, at Jericho Rosales.

Matapos nito, inanunsiyo na ng aktres ang kanyang pagdadalantao.

Sabi niya, “I want to share this wonderful blessing, I’m having a baby.”

Kasalukuyang hayag na ang relasyon ni Cristine at ng half-Pinoy, half-Persian boyfriend nitong si Ali Khatibi.

Tired from walking 👣 #shibuya #akihabara #tokyo #japan #milkbar #jrstation

A photo posted by Twitter: @_CristineReyes_ (@queencristinereyes) onOct 10, 2014 at 4:11am PDT


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN