Lotlot de Leon admires Elmo Magalona’s traditional values

Lotlot de Leon on Elmo Magalona’s gentlemanly ways: “Very traditional si Elmo. Very old school. Hindi siya yung tipong tatawagan niya si Janine tapos magkikita na lang sila sa labas. Siya mismo ang pupunta sa bahay namin para sunduin ang anak ko. Minsan, hindi na lang sila lalabas at nasa bahay lang sila.”


“Mabait at napakagalang ng batang ‘yan.”

Ito ang pagkakalarawan ni Lotlot de Leon kay Elmo Magalona na siyang boyfriend ng kanyang anak na si Janine Gutierrez.

Mula pa lang daw noong una niyang nabalitaang nanliligaw si Elmo kay Janine, boto na raw siya rito dahil alam niyang galing siya sa mabuting pamilya.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Lotlot sa taping ng teleseryeng Hiram Na Alaala sa Paltok, Quezon City noong November 14, sinabi nito na matagal na niyang kaibigan ang mga magulang ni Elmo na sina Francis Magalona at Pia Arroyo-Magalona kaya alam niyang pinalaking maayos ito.

“Noong magkuwentuhan nga kami ni Elmo, nasabi ko na noon ay crush ko ang dad niyang si Francis, kasi siya ang una kong naging partner dito sa GMA 7 noong ilagay kami sa show na U.F.O. (Urbana, Felisa & Others) in 1984."

Ang mga bida ng sitcom na U.F.O. ay sina Nanette Inventor at Mitch Valdes.

Pagpapatuloy pa ni Lotlot, “Kami ang pinag-partner sa show na ’yon. Pero that time, girlfriend na ni Kiko si Pia.

“Tapos may ginawa rin kaming isa pang show sa RPN 9. Isang Christmas special ‘yon at kami ang ginawang loveteam.

“Pero hindi naman nag-work ‘yon kasi nga may girlfriend na siya.

“Hanggang sa magkasama ulit kami sa That’s Entertainment, iba-iba na ang naging partner ko noon.

“But I remember Kiko na napaka-gentleman niya.

“Yung nakikita ko ngayon kay Elmo, ganu’n na gano’n si Kiko noon. Mabait at magalang.

“Nasabi ko nga kay Janine, siguro hindi talaga kami meant to be ng daddy ni Elmo kaya siguro ang mga anak namin ang nagkatuluyan.

“Kasi nakakagulat, ‘di ba? May sort of history kami ng dad ni Elmo, ’tapos ang ending, ang anak ko pa ang naging girlfriend ng anak ni Kiko,” sabay tawa pa ni Lotlot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

OLD-SCHOOL VALUES. Ang isa pang gusto ni Lotlot kay Elmo ay sa bahay nito binibisita si Janine. Kahit nga raw galing ito sa trabaho, dadalawin pa rin nito si Janine sa kanilang tahanan.

“Very traditional si Elmo. Very old school.

“Hindi siya yung tipong tatawagan niya si Janine tapos magkikita na lang sila sa labas.

“Siya mismo ang pupunta sa bahay namin para sunduin ang anak ko. Minsan, hindi na lang sila lalabas at nasa bahay lang sila.

“Bihira na ang ganyang mga lalake ngayon, ‘di ba?

“Kahit na noong nanliligaw pa lang si Elmo, talagang sa bahay siya pumupunta.

“Kaya sabi ko nga na maganda ang pagpapalaki ng mga magulang ni Elmo sa kanya.

“Hindi siya yung tipo ng lalakeng idadaan na lang sa text ang panliligaw. Talagang nag-effort siya na makilala niya kaming lahat na pamilya ni Janine.”

AFFECTED BY BASHERS? Kaya naman labis na nasasaktan din si Lotlot kapag may mga bashers at haters ang kanyang anak dahil sa pakikipagrelasyon nito kay Elmo.

“Minsan naman talaga, grabe ang mga bashers sa social media. Yung mga sinasabi nila sa anak ko, talagang nakakasakit.

“Ilang beses ngang umiyak sa akin si Janine kasi sobra siyang naapektuhan sa mga hindi magagandang nasasabi sa kanya ng mga bashers at haters.

“Bilang magulang, siyempre, napipikon ka rin. Gusto mong ipagtanggol ang anak mo sa mga taong ito na nananakit ng damdamin nila.

“May times na gusto ko na ako na ang sasagot sa mga ito kasi sobra na. Hindi nila kilala ang anak ko para pagsabihan nila ng masama.

“Pero nag-control pa rin ako. Much better na huwag na lang patulan kasi baka mas lalo pang saktan nila si Janine.

“Sabi ko na lang sa anak ko na habaan pa niya ang pasensiya niya dahil ito ang mundo na pinasok niya. Konting tapang pa, anak,” diin ni Lotlot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NON-SHOWBIZ UPBRINGING. Inamin ni Lotlot na hindi niya in-expose sa buhay showbiz ang kanyang mga anak, lalo na si Janine na kanyang panganay, dahil gusto niyag maiba ang buhay nito at hindi matulad sa naranasang buhay nila ng ama nitong si Ramon Christopher.

Alam kasi ni Lotlot kung paano masaktan noong isa pa siyang teen star noong ‘80s.

Kuwento niya, “Si Janine naman kasi, hindi ‘yan sanay sa mga ganyan.

“Pinalaki ko yan na malayo sa showbiz dahil gusto kong makapagtapos muna siya ng pag-aaral niya.

“Na sana ay ibang buhay ang patunguhan niya at hindi ang showbiz.

“Talagang itanago ko ‘yan sa saya ko hanggang sa hindi pa siya ready na makapag-decide sa gusto niya.

“Noong nakatapos naman at nag-decide siyang mag-showbiz, nagbigay naman ako ng paalala sa kanya, ‘Anak huwag kang mag-expect na matatanggap ka kaagad. Iba na ang showbiz ngayon kumpara sa showbiz noon. Kailangan maging matatag ka.’”

“Iba na kasi ngayon talaga. Noong panahon ko, malalaman mo lang na may grabeng tsismis sa ‘yo kapag nabasa mo na sa mga magazine at sa diyaryo.

“Kung may matinding tsismis talaga, after a week mo pa mababasa. By the time na lumabas na yung magazine, parang naayos na ang lahat. Hindi na siya malaking-malaking balita.

“E, ngayon kasi, ang bilis. May masabi ka lang ngayon, mamaya nababasa na ng maraming tao. ’Tapos ookrayin ka na.

“May good and bad side din ang social media, e. Pero depende naman sa gumagamit nito.

“Yung iba kasi, they use social media para manlait at makapanakit ng damdamin, lalo na ng mga artista.

“Hindi mo nga malaman ngayon kung mga bata or matatanda ba itong mga nang-ookray.

“Kaya payo ko lang sa anak ko as a parent na mag-ingat na lang siya sa mga binibitawan niyang salita sa mga interviews niya.

“May masabi lang siya na may double meaning, titirahin na siya agad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya naaawa ako sa lahat ng mga kabataang artista ngayon.

“Hindi na nila alam kung paano sila kikilos at magsalita dahil may mga nakabantay para punahin lang sila.”

Kaya nga tama na raw na si Janine lang ang anak niyang nasa showbiz.

OTHER KIDS NOT INTERESTED IN SHOWBIZ. Nagpapasalamat nga si Lotlot na walang interes ang tatlo pang kapatid ni Janine na pasukin ang showbiz.

“Tama nang si Janine ang nasa showbiz. Hindi ko kakayanin kung lahat sila ay may bashers at haters!” tawa pa niya.

“Mabuti na lang at iba ang interes ng iba kong mga anak.

“Yung sumunod kay Janine na si Jessica, is working with Ayala Land. Nasa marketing department siya.

“Graduate siya ng business management sa Ateneo de Manila University. She wants to put up her own business.

“Yung third ko naman na si Diego, he’s second year college sa University of Asia and the Pacific. He’s a varsity basketball player. Mas gusto niyang maging professional basketball player.

“Yung bunso ko naman na si Maxine, she’s Grade 7 naman in Poveda.

“Thankful naman ako na naitatawid natin ang mga pag-aaral nila.

“Nagpapasalamat ako sa mga TV networks na nagbibigay sa atin ng trabaho. Malaking tulong talaga ang mga projects na bigay nila.

“Tulad ngayon, nasa GMA 7 ako for Hiram Na Alaala, tapos maganda pa ang build-up nila kay Janine because she’s not just in a teleserye, but they are also giving her a break sa TV hosting with Sunday All Stars at noong nakaraang Miss World Philippines pageant.

“I always tell my daughter na galingan niya parati and be professional.

“Kahit na may boyfriend siya, gawin niyang inspiration ang relasyon nila at huwag yung mapapabayaan niya ang trabaho dahil sa boyfriend,” payo ni Lotlot sa kanyang dalaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN