Direk Wenn Deramas willing to act as "bridge" between Claudine Barretto and ABS-CBN: “Hindi siya hopeless case.”

Direk Wenn Deramas on possibility of Claudine Barretto returning to ABS-CBN: "Oo naman! Magiging smooth ang pagbabalik depende sa kanya. Sabi ko nga may mga taong naapektuhan, natapakan, na-offend... mga ganun, so kailangan ayusin lamang.’’


Malaking kawalan daw sa industriya ang mahusay na aktres na si Claudine Barretto.

Isa daw kasi ito sa matuturing na kombinasyon ng isang aktres na nagtataglay ng ganda at husay sa pag-arte.

Ito ang pahayag ni Direk Wenn Deramas nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan sa pocket interview kina Jolina Magdangal at Marvin Agustin na ginanap sa bakuran ng ABS-CBN.

Ayon pa kay Direk Wenn, "Kung talent rin lang ang pag-uusapan, isa si Claudine sa malaking kawalan.

"Isa siya sa masarap panoorin, dahil talaga namang hindi puwedeng kuwestiyunin ang husay nito bilang aktres at pinatunayan na niya ’yan sa kanyang mga palabas sa telebisyon man o pelikula.’’

Malaki raw ang posibilidad na makabalik si Claudine sa ABS-CBN katulad nila Marvin at Jolina pero kailangan niya gumawa ng paraan.

Sabi pa ni Direk Wenn, "Nasa sa kanya kung gusto niya. Kung gusto niya, gagawa siya ng paraan.

"Kasi ang ABS-CBN nandito lang ’yan. Hindi naman ’yan aalis, e. Patuloy at patuloy na gagawa.

’’At ako, alam ko, with her talent, with my relationship with her, alam kong may magagawa pa kaming magandang project, pero nasa sa kanya yun."



CLAUDINE BANNED FROM ABS-CBN? Mabilis ding tumanggi si Direk Wenn sa mga haka-hakang banned daw si Claudine sa Kapamilya network.

Tanggi niya, "No! Wala akong alam na ganun.

’’Kaya lang hindi natin maiiwasan [ikumpara] na kung napakadulas ng isang Marvin at Jolina na nakaalis at nakabalik, yung kay Clau hindi kasi ganun kaano pa...

’’Kailangan may mga tao tayong aayusin, lilinisin pero hindi siya hopeless case.

"Kailangan lang nasa sa kanya."



IRONING OUT KINKS. Naniniwala ba si Direk Wenn na madali lang ayusin kung ano mang gusot para makabalik si Claudine sa ABS-CBN?

Sagot niya, "Oo naman! Magiging smooth ang pagbabalik depende sa kanya.

"Sabi ko nga may mga taong naapektuhan, natapakan, na-offend... mga ganun so kailangan ayusin lamang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kapag naayos yun, ako mismo ang iisip ng proyekto para kay Claudine—mapa-pelikula man o para sa TV.

“Dahil si Claudine ang walang flop na pelikula sa Star Cinema. Si Claudine ang walang mababang ratings.

"At kahit na naglulukahan ’yan mataas ang ratings ng Claudine Barretto soap.

’’Sige nga, mag-isip ka ng flop? Even her last soap.’’



COMMUNICATION WITH CLAUDINE. Nananatili bang bukas ang komunikasyon sa pagitan ni Direk Wenn at ni Claudine kahit ngayon?

Patuloy pa niya, "Medyo ngayon lang nitong mga huling dalawang buwan, hindi. Pero with Mommy Inday [Claudine’s mom] at sa kanya, dati nagtatawagan pa kami.

"Siguro alam din niya kung gaano ako ka-busy, pero alam naman niya yung mga gusto ko at ng management.

"Ako na yung nag-bridge dahil alam ko kung anong mga dapat niyang gawin. Nasabi ko naman sa kanila.’’



IS ABS-CBN WILLING TO TAKE HER BACK? Sa mga binitiwang salita ni Direk Wenn, tinanong namin siya kung mabilis kayang tatanggapin muli si Claudine ng pinag-iwanang network.

Ayon kay Direk, "Willing! Pero kailangan lang ngang paghandaan. Kailangan hindi ura-urada.

"Sila Jolina nga 12 years [nawala] pero tingnan niyo, nandito pa rin, so walang imposible, d’yusko!"



PERSONAL ADVICE TO CLAUDINE. Dahil sa mga kinasasangkutang mga problema ni Claudine tungkol sa kanyang pamilya, naitanong din namin kay Direk Wenn kung pinayuhan niya ang aktres.

Lahad niya, "Meron, pero of course hindi ko na puwedeng idetalye sa inyo.

"Pero alam ni Claudine at alam ni Mommy Inday at ng pamilya nila na ako ay kaibigan niya noon, direktor niya noon hanggang ngayon, at sana maging direktor niya ulit bukas.

"Mahal ko yun, walang makakakuwestiyon [dun].

’’Ako lang yata ang taong puwedeng bumatok sa kanya at walang dapat magreklamo sa pinagsamahan namin.

"Si Claudine, she was only 16 nung nagsimula kaming magkatrabaho. Lahat ng mga event sa buhay niya, nandun ako mula debut, ’di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya nga sinasabi ni Mommy Inday na, ’Ikaw lang ang puwedeng tumapik sa kanya, ikaw lang.’

"Sinasabi nga ni Mommy Inday na ako yung nilalapitan niya kasi nakikinig siya [Claudine] sa akin.

"Puwede kong sabihin lahat sa kanya ng hindi ako mangingimi ng kahit na ano, bukod sa wala naman akong takot kahit kanino.

"Pero mahal ko yun, hinahayaan ko lamang mangyari ang dapat, dahil hindi natin puwedeng supilin. Parang lagnat ’yan, e—palabasin mo na lang muna, pagkatapos [painumin] mo ng gamot at gagaling at gagaling. ’Pag gumaling, go!"



LOVES CLAUDINE MORE THAN OTHER ARTISTS? Base sa kanyang “unconditional love” para kay Claudine, biniro namin si Direk na tila mas mahal niya ito kumpara sa ibang artistang kaibigan niya.

Pagklaro naman nito na may halo ring biro, "Unfair sabihin ’no, pero iba kasi yung mother-daughter. Siyempre mother ako!

’’At kahit ngayon, sinasabi ko na maraming artista na mga lalaki na nakatrabaho ko na sobrang bait... from Piolo [Pascual], Marvin [Agustin], Billy [Crawford], Luis Manzano, pero yung Rico Yan na pinagbubukas ako ng pintuan ng sasakyan ko pag aalis...

’’Yung pag dumating ako, tatayo, ibibigay ang upuan sa akin, parang walang ganung ka-gentleman na... ’di ba?

"Na to think, hindi pa naman ako ganung ka-prime prime ang career ko, pero the way ako itrato ni Rico at Claudine... sobra, sobra.

"Kaya nga nabubuwisit ako sa mga nangyayari, nagagalit ako sa mga nangyayari, kasi kontrolado niya, kontrolado nila, if only..."



ON GRETCHEN-CLAUDINE FEUD. Kinumusta naman namin kay Direk Wenn ang pakikitungo niya sa kapatid ni Claudine na si Gretchen Barretto.

"Nagkatrabaho kami ni Gretchen sa Dulo ng Walang Hanggan. Maganda yung relationship, maganda yung experience ko kay Gretchen .

"Willing ako maging tulay, since Adam and Eve meron ng ganyan.

"So may mga bagay na silang magkapatid yung [dapat] umayos.

"Nakikita niyo hindi ako nakikialam kahit kaninong away, basta alam kong hindi ako part nun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kunyari yung kay Vice and Ai-Ai before, ’di ba? Pareho kong ipagpapatayan ang mga yun. Subukan n’yo akong pamiliin nun.

’’Mahihirapan ako kung papipiliin ako sa kanila kasi pareho ko silang mahal.

"Hinayaan ko lang sila kasi matatalinong tao sila, alam nila ang puno’t dulo kaya ayun, naayos nila ng sila,’’ detalye pa niyang saad.



ON KRIS-AI-AI FEUD. Dahil napag-usapan na rin ang mga away-away, kinumusta rin namin kay Direk Wenn ang away ng dalawa niyang malalapit na kaibigan: sina Kris Aquino at Ai-Ai delas Alas.

Sabi niya, "Yun ang ’di ako sigurado, hindi ko puwedeng sabihing hindi kami close ni Kris ’no? Pero hindi nga lang maiku-compare sa closeness namin ni Ai-Ai.

"Susmaryosep naman, alam kong maiintindihan ni Tetay [Kris] ’yan.

"Iba kami ni Ai-Ai, hindi kami magkita, hindi kami magkausap, kapag nagkita kami parang walang nangyaring pagitan."

"Si Ai-Ai, kahit ako sa kanya, kahit makagawa kami ng kasalanan sa isa’t isa, hindi ko makukuhang magalit, dahil siya ang bumili ng libingan ng nanay ko, kung saan nakahimlay ang nanay ko.

"Walang puwedeng maging kasalanan sa akin si Ai-Ai."


ON AI-AI’S NEWFOUND LOVE. At dahil na rin nga sa pag-uusap tungkol kay Ai-Ai, hiningan namin ng opinyon si Direk Wenn tungkol sa bagong boyfriend ng aktres.

Pahayag niya, "Of course, happy ako at nakasuporta sa lovelife ni Ai-Ai. ’Tsaka hindi naman kayo ang masaya, siya yung masaya.

"Basta sa ikakaligaya ni Ai-Ai delas Alas, nandun ako lagi."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN