Ruffa Gutierrez on gaining Annabelle Rama’s approval for her boyfriend Jordan Mouyal: "Well, she has no choice, ’di ba?"

Ruffa Gutierrez on overcoming personal differences with her mom Annabelle Rama: "We just needed some time apart. So, after that was done, we’re much better. We’re in a better place now. Although we still need to work on our relationship," says Ruffa in an exclusive interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).


Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi, November 16, ibinahagi ni Ruffa Gutierrez kung paano sila nagkaayos ng kanyang ina na si Annabelle Rama.

Kaugnay ito ng iringan ng mag-ina sa Twitter nang dahil sa disgusto ni Annabelle sa boyfriend ni Ruffa na si Jordan Mouyal.

Pahayag ni Ruffa ukol dito, “Well, I’m always the one who goes out of my way to say hello to her.

“For me, the child always has to make amends with the mom. So, that’s what I did.

“Everything’s kinda okay now.”

Kinailangan lang umano nilang magpalamig pagkatapos ng insidente kung saan nag-walkout si Ruffa sa gitna ng advance birthday party ni Annabelle noong October 25.

Ito ay sa kadahilanang napahiya si Ruffa matapos umanong gawing katatawanan ng kanyang ina ang lovelife ng una.

Read: Annabelle Rama on daughter Ruffa Gutierrez’s lovelife: "Surrender na ako."

Sabi pa ni Ruffa, “We just needed some time apart. So, after that was done, we’re much better.

“We’re in a better place now. Although we still need to work on our relationship.”

Nakausap ng PEP si Ruffa sa baptismal party ng pamangkin niyang si Aria, anak nina Elvis Gutierrez at Alexa Uichicho, na ginanap sa Marco Polo Hotel, Pasig City.

Kasama ni Ruffa sa event si Jordan, na isa sa limampung ninong ni Baby Aria.

Sa puntong ito ay tanggap na ba ni Annabelle si Jordan bilang nobya ni Ruffa?

Sagot ng dating beauty queen, “We’ll, she has no choice ‘di ba?”

Dagdag pa ni Ruffa, noong nagkaayos na sila ng kanyang ina ay hindi na muling binanggit ng una ang tungkol kay Jordan.

Hindi na rin umano siya nagpaliwanag pa kay Annabelle.

“We just didn’t discuss that issue anymore.”

ON FRENCH-ARAB BOYFRIEND. Kinumpirma ni Ruffa sa PEP na bago pa lang ang relasyon nila ni Jordan na isang French-Arab businessman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s just very new,” aniya.

Matatandaang nakapagbitiw ng maanghang na salita si Annabelle laban kay Jordan nang magkaroon ng alitan ang una at si Ruffa.

Ano ang reaksiyon ni Jordan sa kaalamang siya ang naging dahilan ng banggaan nina Ruffa at Annabelle kamakailan?

Sagot ni Ruffa, “I’m just so happy that Jordan is very understanding.

“He’s not in the business.

“So for him, as long as he knows the truth and he knows my feelings towards him, he’s accepting of that.”

WEDDING BELLS? Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP, nabanggit ni Ruffa na pangarap niyang magkaanak muli dahil mahilig siya sa bata.

Katunayan, sa gitna ng party ay panay ang kuha ni Ruffa ng litrato kay Baby Aria, lalo na sa anak niyang si Venice na nag-perform ng ilang song numbers para sa mga bisita.

Sobrang natutuwa raw kasi si Ruffa kapag may baby sa kanilang pamilya.

“I’m just being surrounded by so many babies. It’s such a joy to have them around.

“So, I’m thinking also I wanna have my own babies one day since Lorin is already 11 [years old] and Venice is 10. But let’s see what happens.”

Ganunpaman, wala pa raw sa plano niya ang magpakasal muli sa ngayon.

“Not for me. But maybe for other members of the family.”

Tingin ba niya ay maituturing niyang “The One” si Jordan?

“Let’s see. Only time will tell,” tugon ni Ruffa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN